chapter 1: Welcome to my new HOME

4 0 0
                                    

*hingang malalim

At last, andito na ako.

Sa napakahabang byahe ramdam ko na ang pagod at sinabayan pa nitong hindi mawalang  sakit sa puso ko sa pagkawala ng parents ko. Ansakit lang kasi. Sana talaga yung sinabi nilang pwede ko silang pigilan umalis e pinigilan ko na. hahay. Kung pwede lang maibabalik ang panahon. 

Tama na. sabi ng utak ko. Kasi naman  3 weeks na nang mangyari yun pero ito pa rin ako. Hindi na alam ang gagawin. Kung pwede lang talagang sumunod sa kanila baka ginawa ko na. Pero ayoko namang pumunta sa Hell. 

Kaya ko to! pero sa nakikita ko ngayon. Kakayanin ko pa kaya ito?

*Tingin sa paligid at sa hinawakang papel.

Ito na ba talaga yung bahay correction MANSYON na sinasabi nung tumawag na tita ko daw? hahay. Bakit ba kasi kami nagmigrate e. Yan tuloy wala akong alam sa mga kamag-anak ko. 

Mom.Dad. Please help me. Ito na.

*Dingdong *dingdong

*hingang malalim

grabe nawala yata yung pagod ko dahil dito sa magiging bahay ko. 

Agad bumukas yung gate at lumakad ako papasok. Pagdating ko sa may pinto, bumukas ito at may matandang babae na mga nasa lampas 50 na yata ang edad.

" Ikaw na ba yan Allysa?" tanong niya.

"hmmm..O-opo lola? "nauutal kong tugon. Shemss.. anong nangyayari sa akin. patanong ba yong pagkasabi ko? aynakooo..

"haha, wag kang matakot iha. Halika pumasok ka na dito para makapagpahinga ka. Mamaya na kita kakausapin. Ana!!! Ano bang ginagawa mo diyan. Tulungan mo itong si Allysa." -Lola

May isang babaeng mukhang mga nasa Trenta ang nagmamadaling pumunta sa pwesto namin. 

" Pasensya na po madam, kumukulo na po kasi yung niluluto ko" sabi ni Ana daw.

 "Sige ayos lang, tulungan mo na siya at ihatid mo siya sa magiging kwarto niya"-lola

"sigurado po ba kayong doon?" tanong ni Ana.

Makikita na siguro sa mukha ko ang pagkalito. eh? ano bang meron sa magiging kwarto ko? Tinignan ni lola si aleng Ana ng isang makabuluhang tingin na parang sinasabing tumahimik ka.

Agad namang kumilos si aleng Ana papunta sakin. Kinuha niya ang mga bagahe ko sabay sabing  " sumunod ka po sa akin maam." na parang nauutal? kinakabahan?

 Ay ewan.*hingang malalim. sa pagod ko na siguro ito. Wala naman sigurong masamang mangyayari sakin dito tsaka sa tingin ko mabait naman si lola. Nakangiti siya nang tumingin ako sa kanya.

"sige po, magpapahinga na muna ako." pagpapaalam ko sa kanya.

" Sige iha, ayy. may nakalimutan lang akong sabihin. Welcome pala sa magiging bago mong bahay. Wag kang matakot. Wala namang nangangain sayo dito. Tsaka ayy..sige sumunod ka na, mamaya na lang kita kakausapin."-masayang pagkakasabi ni lola.

Sumunod na ako kay aleng Ana. Grabe!.Ang masasabi ko lang ay Grabe! Ang gandaaa at ang laki.ayy boba mansyon nga diba . Di mo maikakalang ganito pala ang nasa loob . e kasi naman yung sa labas akalain mong walang natira sa bahay. Tsaka yung mga puno e walang kabuhay-buhay.

Mapapansin mo ang mga mamahaling mga kagamitan. Mga paintings  na nakasabit sa pader sa may hagdan at ang nakaagaw  pansin sa akin ay  ang  nag-iisang napakalaking family picture sa may salas. Andun si lola kasama ang mag-asawang may bitbit na batang lalaki? o babae? 

Nawala ang iniisip ko ng biglang nagsalita si aleng Ana at pinapasunod na ako. Doon ko lang napansin na natigil na pala ako sa pag-akyat. 

Sumunod na ako na malalim pa rin ang iniisip kung sino yung kasama ni Lola sa litrato. Itatanong ko nalang yun mamaya pag nakausap ko na siya.

Tumigil na kami sa harapan ng magiging kwarto ko. Binuksan niya  ito at pumasok. Sumunod agad ako at napatingin sa bawat sulok.

Ang inaasahan ko. MALAKI. Ganun naman talaga ang mga kwarto ng isang mansyon diba. Pero may nafefeel akong something. hahayyy.. sa pagod ko lang siguro ito.

"sige po, ilagay niyo nalang diyan. Salamat po sa pagdala." 

ngumiti lang siya at tumango sabay alis.

*hingang malalim at tingin ulit sa kabuoan ng silid. Maganda naman pero masyado siyang malaki para sakin and.its a gothic style bedroom na pang lalaki.may salas na din at TV. at ang nagpaiba  sa lahat na may kulay pink at ang napakagusto kung lapitan. Ang higaan. ito lang ang nag-iisang pambabae dito sa silid. pero ayos lang. Ayoko naman ng masyadong Girly.

Lumapit ako at agad humiga. Nalalasap ko na ang matinding pagod at . pero wait! hindi pa pala ako nagpapakilala. I'm Precious Allysa Gomez. Pero Ally nalang o Allysa. 18 na ako noong ....... pagkamatay ng parents ko. Oo, Birthday ko when they died. ganito kasi yun.

Flashback:

Narinig kong nag-uusap ang parents ko kinaumagahan sa kusina. My mom keep on saying that they aren't going because it's my birthday.  But my father insisted that its important to go there maybe bout their business.  i heard that something will happen to our company if they don't go . So, i decided to stop eavesdropping. And talk.

"Mom, its okay. Its just my Birthday and I'm not a child anymore. Let's just celebrate when the both of you come back."  i said wholeheartedly.

" No, no, no . We should not miss this day. It's your 18th birthday. Our one and only Precious."

 Mom embraced me after she said that. 

"ehemm.. i'm so sorry for what i said earlier honey. Its just that.." my father didn't finished his sentence when my Mom interupted him with a punch on his arm.

That's my Mom. haha. i just laughed at what my mother did. Its not a big deal to me cause she always do that when my father did something that is against to her.

" Mom, Dad. It's really fine to me if you go. I know that our company is in bad condition.and its important to you and also for me. I can handle myself here. I can stay at May's hause if you're worried that i'm alone." 

" Your mother is right Pre, it's your especial day."-dad

" no Dad, this are enough. You, Mom. greeted me in person." 

" O-o-okay. But if you change your mind just tell us." mom said against her will.

" We're just in our room Pre, and our flight is 1 pm. " -dad

Present: 

Yun na nga ang huling pag-uusap namin. 

Kasabay ng pagkatulog  ang pagpatak ng luha sa aking mata.

A/n:

sheezzzz...tapos na..ang first chapter. haha.. 

soorryyy for the errors. try ko lang magsulat ngayon.. 

sana may pumansin nito.. Fighting! 

Ano kayang mangyayari sa paggising ni Allysa? 

Lalo na kung malaman niya ang misteryong nababalot sa kanyang silid. 

At sino yung kasama ni Lola sa Picture? 

ABANGANNNN.....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Boy in my MirrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon