Prologue
"Girl halika na. Baka malate pa tayo sa program." Hinihila na ako ni Anika pero nanatili pa rin ako sa harap ng salamin.
"Teka lang kasi. I need to be pretty anytime, anywhere at baka makasalubong ko bigla si Tristan." Sabi ko sakanya at tsaka nagpatuloy sa paglalagay ng lipstick.
"Bilisan mo na at hindi ko gusto ang amoy dito sa CR." Nakabusangot na nasabi niya. Tinawanan ko na lang siya at tinago na sa bag ko ang lipstick. Sinuklay ko ang mahaba kong buhok at ako na mismo ang naghila kay Anika para umalis.
Dumiretso kami sa covered gym ng school namin. Damang-dama ko agad ang mainit na hangin sa paligid. Madami rin ang mga estudyante na pakalat kalat kahit na busy sa kakasalita sa stage ang principal namin. Napa-iling na lang ako at humanap ng mauupuan.
"Girl dun tayo." Tinuro ni Anika ang pinakataas sa bleachers. Tumango ako at nakipagsiksikan na kami sa mga estudyante. Naramdaman ko ang pagtulo ng pawis ko sa aking mukha. Sayang yung pulbo ko.
Nahinto ako bigla nang makita si Tristan na naka-upo sa pinakababa ng bleachers. Pinahid ko agad ang pawis ko. Baka maturn off sakin e.
"Tsk. Tsk. Tsk. Magpapa-cute ka na naman kay Tristan e ni hindi ka nga matapunan ng tingin." Naiiling na litanya ni Anika. Siniko ko na lang siya at nauna na sa oagtaas sa bleachers.
Buong program ay kay Tristan lang ako nakatingin.
"Hays, ang perfect niya talaga." Mahina kong sabi.
"Nino?" Tanong ng katabi ko.
"Niya.." wala sa sarili kong sabi at inginuso ang pwesto ni Tristan.
Nakabalik lang ako sa huwisyo ng marinig ang matinis na tawa ni Gail, ang ultimate kontrabida ng buhay ko.
Kumabog bigla ang dibdib ko sa kaba. Alam kong hindi palalagpasin ni Gail ang nasabi ko.
"Sinasabi ko na nga ba e! Crush mo si Tristan!" Malakas na sabi niya at nagpatuloy sa pagtawa.
Napatingin ako sa baba kung saan nakaupo si Tristan.
Napigil ko ang paghinga ko nang makita na nakatingin siya sa amin. Tumatawa-tawa sa tabi niya ang mga kabarkada niya.
"Tumigil ka nga Gail. Papansin ka masyado e." Pikon na sabi ni Anika.
"What? E totoo naman kasi ang sinasabi ko. Well, as if naman magugustuhan ka ni Tristan." Naka-ngising pang-aasar ni Gail.
Sana lamunin na ako ng lupa.
Hiinarap ko si Gail at mabilis na umiling-iling.
"Hindi kasi totoo ang sinasabi mo Gail. Masyado kang sinungaling." Nagngingitngit kong sabi sakabila ng pagkapahiya.
"Duh! Aminin mo na lang kasi."
Nginisihan ko siya.
"Never kong magugustuhan si Tristan dahil may boyfriend na ako." Mayabang kong sabi. Napataas naman ang kilay ni Gail.
Hinawakan ni Anika ang siko ko at bumulong sa akin.
"Uy girl.. sino sasabihin mo?" Nag-aalala niyang tanong. Di ko siya nilingon.
"Really? Sino naman yang boyfriend mo?" Nagdududang tanong ni Gail. Dinig ko rin ang bulungan ng mga estudyante, tuluyan ng nawala ang atensyon nila sa program at nakikitsimis na lang ngayon.
Taas noo kong sinagot si Gail.
"Si Pierre." Natahimik lahat sa sinabi ko. Si Gail naman ay pilit pinipigilan ang sarili na humalakhak.
"Pierre who?"
I crossed my arms at tinaasan siya ng kilay.
"Pierre Monteverde."
Napa-ubo si Anika sa sinabi ko.
Gail shrugged.
"Hindi ako maniniwala hangga't hindi mo naihaharap samin si Pierre..." she paused, "diba students? To see is to believe tayo." Naka ngising sabi ni Gail. Bumulong-bulong naman ang mga estudyante at alam kong agree sila kay Gail. Ang bruhang yan talaga.
Tinagilid ko ang ulo ko habang may ngisi pa rin sa labi.
"Sure. Abangan mo Gail." Hinawakan ko ang palapulsuhan ni Anika at hinila na siya para sa madramang walkout ko.
Paglabas nami ng gym ay biglang namghina ang tuhod ko.
"Bessy ang tanga ko." Nanlulumo kong sabi. Inalalayan naman ako ni Anika.
"Sobra girl sa katangahan."
Nanlumo ako at alam kong magulo ang isyung sinimulan ko. Paktay ako.
"Anong plano?" Tanong ni Anika. Naglalakad na kami pauwi.
Nahinto ako ng makatapat kami sa isang mataas at magarang gate.
"Makikipagsapalaran ako." Sagot ko habang tinitignan ang mga estudyante na lumalabas mula sa loob. May mga kotseng naka-abang sakanila sa labas.
Beep. Beep.
Gumilid kami sa daan nang binusinahan kami ng isang kotse.
Napanga-nga ako nang makilala kung sino ang sakay nito.
"Bessy... alam ko na ang gagawin ko." Mahina kong usal.
"Ano?"
--

BINABASA MO ANG
Unexpectedly Yours
Teen FictionWhat if the girl from a public school claims that the famous boy from a private school is her boyfriend? Will anyone believe her?