Brittany Ann Go's POV
Hah! First day ko ngayon sa CIS. Nakakakaba. Naglalaro sa isip ko na'What if they don't like me' or'Nice ba ang mga student dito'. Patungo ako sa III-IQ room. Wow social ng name ng section huh, IQ. Nandito pa rin si Jeff sa tabi ko. Ihahatid niya raw ako sa classroom.
"Sige Jeff."sabi ko sa kanya. "Asikasuhin mo na ang iyong mga papeles mo para maka-transfer ka na."
Nagsmile siya sa akin. Parang matutunaw ako sa kagwapuhan niya. Hayyy. <3
"Are you sure ok ka na?" tanong niya sa akin.
"Ah, oo. Ok na ako dito."sagot ko sa gwapong kasama ko.
"Paano kung may manligaw sa iyo na iba? Paano kung may mameet kang mas gwapo sa akin?" nag ala-Mr. Pogi pa siya habang nagsasalita siya. IWANNNADIE.IWANNADIE. IWANNADIE. Joke! (*-*)
"Ano ka ba. Ikaw lamang at wala ng iba."kinurot ko ang kanyang poging face. Nagblush siya dahil sa sinabi ko.
Nagring na rin ang bell ulit at nagsipasupasukan na ang mga studyante. Nagpaalam na rin sa akin si Jeff at nagpromise siya na bukas ay papasok na siya.
Binasa ko muna ang papel na nasa Bulletin board kung saan nakalagay ang mga pangalan ng bawat section. At Ayun! III-IQ ay nasa Third floor.
"Good Morning Class. Im Mrs. Soronio your adviser." ang dinig ko habang papalapit ako sa section ko. Kumatok muna ako ng kaunti pagdating ko sa may pintuan.
"Good Morning Ma'am."bati ko sa teacher.
"Oh! Good Morning. I'm Mrs. Soronio. Are you Ms. Cory Kong? "ano ba namang pangalan niyan.
"No maam"sagot ko sa kanya.
"Are you Ms.Besti Da?"matatawa na sana ako sa mga pangalan ngunit pinigilan ko na lang iyon.
" No ma'am. Actually I'm Brittany Ann Go."correction ko kay Mrs. Soronio.
"Oh! Your Ms. Go. Welcome to Cameo International School. Come inside."aya ni Maam sa akin.
"Class, you have a new classmate."tumingin siya sa akin at sumenyas na papuntahin na ako sa harapan by just nodding her head." Hija, introduce yourself to the class and describe yourself in three words."
Demanding. Nagsmile na lang ako kay Mrs. Soronio.
"Hi everyone."sabi ko sa kanila."I'm Brittany Ann Go. I'm 16 years old. I described myself in three words..........I AM BEAUTIFUL!"
Nagtawanan ang mga tao na nasa loob ng classroom. Naghiyawan ang mga kalalakihan at parang may mga grupo ng mga babae na naiinsecure sa akin.
Biglang nagsitahimikan ang lahat nang may isang babae na tumayo. Isa siya sa grupo ng mga babae na parang naiinsecure sa akin.
"Excuse me. Huwag ka ngang ambisyosa. Don't you dare to call yourself beautiful. I am the only beautiful here."natawa na lang ako sa kanyang mga sinabi. Para siyang uhaw sa pansin. Yucks!
" Hey Cass. What about us?" tanong ng isang babae na kagrupo niya.
"Okay. Pangalawa kayo at siya naman ay walang puwang upang tawagin na maganda!"
sabi niya sabay turo ng kanyang daliri sa akin.
*BOOOOOO! *ang hiyaw ng mga estudyante sa kanya. Tingin ko sa mukha niya, hiyang-hiya na siya.
Nagtinginan kami ni teacher sa isa't-isa at natawa sa kanya. Pilit niyang ipamukha sa amin na maganda kahit hindi naman. Ew!
(@ _ @)
BINABASA MO ANG
#MyThemesong Presents: Mahal Kita Pero
Novela JuvenilMahal kita pero Di pwede kay nanay, Di pwede kay tatay. Ayaw ni tito at ni tita. Mapili si ate pati si kuya. Strikto si lolo at si lola. Bata pa tayo marami pa tayong inaasikaso.