Chapter 10

395 10 10
                                    




Marielle Pov

"Anak,kumain ka na,nakahanda na yung breakfast sa baba.."rinig kong tawag ni Mama

"Mamaya na lang po ako kakain,di pa po ako gutom.."walang ganang sabi ko bago magtaklob ng kumot..Rinig ko ang buntong hininga nito bago lumabas ng kwarto..

Nang masiguro kong lumabas na sya ay tinanggal ko na ang kumot na nakataklob sakin.

Wala sa sariling napabuntong hininga ako muli..Hindi ko na alam ang nangyayari sakin,parang ang tamlay tamlay ng buhay ko..Walang saya kasi...

Wala na nga pala sya..

Napangiti ako ng mapait sa naiisip ko bago punasan ang luhang tumakas galing sa mata ko.
Kelan ba ako titigil sa pag iyak? Lagi nalang akong ganito simula nung umalis sya..

Tatlong linggo na ang nakakalipas mula nang umalis sila..Tatlong linggo narin akong ganito.

Lagi lagi ko lang sya naaalala.Kahit saan ako magpunta parang nakikita ko sya..Hanggang ngayon sobra sobrang sakit parin..Yung tipong gigising kalang para umiyak.

Minsan nga naiisip ko na sana hindi na ako magising para hindi ko na maramdaman ang ganitong sakit pero naisip ko kung mawawala ako..Paano pa kami magkikita? Umaasa parin ako na magkikita kami..*sigh*

I wonder kung anong ginagawa nya ngayon..

Third Person Pov

"Mom..Feeling ko mali tayo ng desisyon.."sabi ni Blaze sa kanyang Ina at ama na ngayon ay tila hindi na nila alam ang gagawin sa anak nilang si Saxian..

Mula nang magising ito ay lagi lang itong nagwawala at walang bukambibig kundi si Marielle..Minsan ay naaabutan na nila itong nagsasalita at tumatawa mag-isa..Awang-awa sila sa kanilang anak dahil sa nangyayari dito..Mukang nagkamali nga sila ng desisyon na ilayo kay sya Marielle dahil mukang mas lalo lang itong lumala.

At ang hindi talaga matanggap ng mag-asawa ang pagtangka nitong pagpapakamatay..Mabuti nalang at napigilan nila ito.Ang tanging nakakapagpakalma lamang dito ay ang pagturok sa kanya ng pampatulog.

Ayaw naman sana gawin ito ng mag-asawa ngunit naisip nila na para rin naman ito sa anak nila at kailangan narin nitong gumaling dahil balak ng ipasa sa kanya ang mga kompanyang itinayo ng kanyang ama,nasa tamang edad nanaman sya para rito.

"Sa tingin ko kailangan na natin madaliin ang Operation para sa kanya.."seryosong sabi ni Arthur na syang ama ni Saxian.

"But Dad,hindi pa sya handa..Look at his situation.You think magiging sucessful ang Operation kung nasa ganyang kalagayan sya?"kontra ng isang pang anak nito na si Xanjel.

"I know,I know ...but we need to do it immediately.I hire the best and professional doctor for him.."sabi ulit ng ama..

"Kung ako ang tatanungin..Mali kayo ng naging desisyon Dad,dapat hindi nyo nalang sya nilayo kay Marielle.He's getting better before unlike now..",sabat naman ni Blaze..Napaisip naman ang mag asawa sa sinabi ng anak..Alam nila na nagpadalos dalos sila pero gusto lang naman nila ang best para gumaling na ang anak nila.

"Nah..Enough with this, I need to talk with his surgeon.."seryosong sabi ng ama bago umalis at naiwan naman sila na naiiling iling..

Samantalang ang ina naman ng mga ito ay tila wala sa sarili..Hindi parin ito nakakamove on sa pagtangkang pagpapakamatay ng kanyang anak..Hindi mawala sa utak nya ang pigura ng anak habang naglalaslas ng pulso kasama ang leeg,mabuti nalang at nabuhay pa ito.

"Mom,are you ok?"tanong ng anak na si Xanjel dahil nahalata nyang kanina pa ito tulala.

"I'm not.."nagkatinginan ang magkapatid sa sinabi nito..

Grimmery 's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon