Chapter 7

1.8K 38 3
                                    

Third Person's Pov

"Bakit sya kasama ni tita?" Isang tanong na bumabalit sa isipan ni laila

Agad nyang nabitawan ang picture frame nang marinig nya ang pag bukas at pag sara ng pinto sa salas

"Shoottt andyan na si tita!" Natataranta nyang sabi sa kanyang isipan

Agad agad nyang binalik ang picture frame sa drawer at mabilis na lumabas sa kwarto ng kanyang tita

Nakita nya itong naka upo sa sofa

"Tita, kamusta po ang trabaho nyo?" Nakangiti nitong tanong

"Maayos naman medyo pagod kang ako, ikuha mo naman ako ng maiinom iha" sagot naman nito

"Sige po"

Nang maibigay nya ang tubig sa kanyang tita ay sya ring pag tunog na may kumakatok sa pinto

"Sino ho kayo?" pangbungad nitong tanong nang makita ko ang isang matandang lalaki

Nagulat sya ng hawakan sya nito sa kamay

"Mag iingat ka iha, hindi mo pa sya lubusang kilala"

Agad nyang hinatak ang kamay  ng maramdaman ang kilabot

"A-ano ho bang sinasabi nyo?" Kabadong tanong ng dalaga. Ngunit imbis na sagutin ang dali daling umalis ang matanda

Naiwan namang napapaisip si laila, bumalik lamang sya sa ulirat ng marinig ang pag tunog ng kanilang telepono

"Hello?"

"Hey, babe" nang marinig itong ng dalaga ay parang nawala bigla lahat ng kanyang iniisip at tanging ang sinabi lamang ng lalaki ang naroon

Hey babe
Babe
Babe
Babe

Agad syang napailing upang mawala ang sa isip ang mga katagang binitawan ng binata

"A-anong babe! Anong kailangan mo?" Medyo pasigaw na saad ng dalaga habang hawak ang namumula nyang mga pisnge

"Nah. Just checking on you. If you're still alive or what." medyo natatawang sabi ng binata

"Pshh, ewan ko sayo. Bye na" ismir ng dalaga. Para mawala ang kilig na nabubuhay sa puso nya

"Hey" saad ng binata gamit ang kanyang 'husky voice' na syang nag panginig ng binti ng babae

"Oh?" Nag pipigil ng ngiti at kilig na sagot ng dalaga

"Malapit na tayo ikasal. Konting araw nalang. Soon, you will carry my surname and you will be mine." Saad ng binata na syang nag patuyo sa lalamunan ng babae

Peste puso tama naaaa!!

"Sige na, may trabaho pako. Stay safe and always be healthy, soon to be Mrs. Mendez" sabi ng binata tsaka nito binaba ang telepono

Agad namang napa upo si laila sa malapit na upuan at napa tulala nalang

"Anong nangyari sayo?" Nag tatakang tanong ng kanyang tita

"Wala po" sagot nito

Hindi ko lang po alam kung tama ba yung pinasok ko.

Mababaliw ata ako kapag tuluyan konang pina kasalan ang lalaking yun!!

At sino yung tinutukoy nung matanda?

Saad nito sa kanyang isipan

....

Thank you for reading.

I secretly married the mafia bossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon