Chapter 9

1.7K 51 28
                                    

Luke's pov,

Nag lalakad kami ni laila nang may nakita akong babaeng pamilyar, sa sobrang kilala ko sa kanya kahit naka talikod sya alam kong sya yun

Kaya nang dahan dahan syang humarap ay parang gusto ko nang tumakbo papunta sakanya

Na miss ko sya

Nang mag tama ang mata namin ay nakita ko ang saya, matagal tagal narin nang huli kaming nag kita, 3 or 4 years ata

"Luke" nakangiti nitong sabi, agad syang lumapit sakin at niyakap ako. Nakangiti ko rin syang niyakap pabalik

"Ahh. Luke sige una nako." Nahihiyang sabi ni laila, tangina dun ko lang na realize na nandyan pala sya, agad akong bumitaw sa yakap

"Hahatid pa kita"

"Hindi na. Kaya ko naman. Salamat sige." Nakayuko nito sabi,agad kong hinawakan ang kamay bago pa man sya maka hakbang.

"Pag sinabi ko, ginagawa ko." Seryoso kong sabi, at agad ko syang hinawakan sa kamay

"Scarlet, ihahatid ko lang yung asawa ko" seryoso akong tumangin kay scarlet at tango nalang sinagot nya

Habang nag lalakad kami ay hindi ko parin binitawan ang kamay nya. Hindi pa kami ganon matagal mag ka kilala pero alam ko agad kung kailan sya comfortable at hindi

"Kababata ko lang si scarlet" agad syang tumingin sakin at tango lang ang sinagot

Tangina hindi ako sanay na sobrang tahimik nya.

"Dito nalang sige." Mag sasalita pa sana ako ngunit napaka bilis nya mag lakad

Nang nakita kong naka sakay na sya sa taxi ay pumasok narin ako sa loob. Nakita ko si scarlet na nakatingin sa lapag, agad ako lumapit sa kanya

"Wow. Long time no see, Scarlet Jones Pega. Kamusta? Ms or Mrs?" Nakangiti kong bungad  sa kanya, inirapan nya lang ako at nginitian

"Ms. Lang may hinihintay kasi ako mag propose. Kaso sa iba nya na pala ginawa" nakangiti paring sabi nya. Dahan dahang nawala ang ngiti sa labi ko. Napatingin nalang din ako sa sahig

"Sorry."

Mapaklang ngiti nalang ang naisagot nya, nagulat nalang ako ng agad nyang hinarap sa akin ang isang paper bag

"Para sayo yan. Your favourite. Mauna nako, may gagawin din kasi ako sa company namin. Pumunta lang talaga ako dito para ibigay yan." Nangiti nyang sabi. Wala parin syang pinag bago, tinatago nya parin ang nararamdaman nya sa pag ngiti

Tumango nalang ako sakanya nang makita ko ang lamang ng paper bag ay napakamot nalang ako ng ulo. Tinignan sya mag lakad

"Ang batang yun talaga."
....

Scarlet's pov,

Nag simula nakong mag lakad, habang nag lalakad ay hindi ko mapigilang maluha, bago tumulo ang luha ko ay agad humarap sa kanya, na abutan ko syang nakatingin din

"Umuwi ako... k-kasi akala ko ako y-yung papakasalan mo. Gusto ko lang sabihin n-na Congrats pala. S-sana maging masaya ka." Hindi kona napansin na tumutulo na pala ang luha ko. Pinipilit ko ngumiti para at least maisip nya na masaya talaga ako para sakanya. Tumalikod na ulit ako at nag simula ng mag lakad, ulit

"Scarlet!" Concern na sabi nito na nag pa hinto nanaman sakin sa pag lalakad. Mas lalo lang akong naiyak ng marinig ko ang boses nya

"Ok lang ako." Buong boses na sabi ko. Binilisan ko ang pag lalakad dahil ayoko nang maramdaman ang presensya nya. Agad akong sumakay sa kotse, at dun ko binuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko

Nag tignan ko ang relo ko ay agad ako nag ayos. Habang nag aayos ay naisipan kong buksan ang radio

"Ang sususunod na kanta ay para sa mga pusong sugutan, sa mga taong nasasaktan dahil sa pag ibig. At patuloy na nag sasabi na ok lang sila. This song Oks lang ako by Jroa"

Saan na 'to patungo?
Hindi ko na kasi alam
Hinahanap ang sagot sa bakit
Hindi ko na kasi alam

Hindi ka na nakikinig
Hindi ka na kinikilig
Hindi ka na natutuwa
'Pag may pasalubong na isaw

Nagbago na lahat sa'yo
Nagbago na lahat pati ang tayo
Nagbago na ang 'yong tingin
Ang 'yong ngiti, ang 'yong nararamdaman
Ang gusto ko lang naman

Ay yakapin mo ako
Kahit hindi na totoo
Maiintindihan naman kita
Kung sawa ka na, kung sa'n ka sasaya
'Wag kang mag-alala
Oks lang ako

Fuck! Agad ko ring pinatay ang radio. Nag simula nanaman tumulo ang luha ko. Agad kong tinawagan ang secretary ko

"Cancel all my appointments. Masama pakiramdam ko." Seryosong sabi ko, agad ko rin binaba ang tawag. Ayaw kong makahalata sya, ayokong malaman ni dad.

"Kaya mo yan scarlet. Masakit pero kailangang tanggapin."
...

Laila's pov,

"Tita sure ka bagay sakin yung kulot?" Kinakabahan na tanong ko. Kinukulot kasi ako ngayon ni tita, napadaan daw sya sa salon at may nakita syang kulot agad nya daw naisip na bagay sakin

"Mag tiwala kalang saakin iha. Bagay na bagay sayo"

Napakagat nalang ako sa kuko. Ayaw ko naman tumanggi sa trip ni tita kasi baka malungkot sya. Bahala na nga

"Oh. Iha tignan mona sa salamin." Nakangiting nyang sabi, kaya agad akong tumingin dito, nagulat ako sa itsura ko

O,O

(a/n: ganyan po yung gulat. Hahahaha)

Wow. Grabe parang hindi ako. Ang ganda ko. Grabe dapat pala matagal nako nag pa kulot. Nang may na alala ako ay agad akong humarap kay tita

"Tita... uhm.. l-lahat ba ng mag kababata nag kaka gusto sa isa't isa?" Kinakabahan ako sa isasagot ni tita.

"Mostly oo. Nag papa kasal panga yung iba. Yung iba naman talagang mag kaibigan lang. Ba't mo nga pala na tanong?" Takang tanong nya sakin

"Wala po. Naisip ko lang" gumawa ako ng pekeng tawa para kapani-paniwala. Nag paalam na ako kay tita at umakyat na sa kwarto ko. Alam kong may namamagitan kay luke at scarlet, hindi naman ako bulag para hindi yon makita sa mga mata nila

Nagiging hadlang ba ako sa pag mamahalan nila? Saling pusa lang naman ako. Gusto lang ako pakasalan ni luke kasi gusto nya makuha yung mana nya, at wala nang ibang rason. Si scarlet, muka syang mabait, pero alam kong mahal na mahal nya si luke.

Sa tanang buhay ko hindi ko ginusto na manira ng relasyon. At ayokong may nasasagasaan ako, nang may nasasaktan ng dahil sakin. Agad kong tinawagan si Luke

"Hey." Sagot nya gamit ang malalim na boses

"Medyo matagal pa naman yung kasal." Napapalunok na sabi ko. Hindi ko alam kung bakit nahihirapan akong sabihin sakanya toh

"Hmm. Anong meron?" Mababakas sa boses nya ang pag tataka. Buntong hininga ang pinakawalan ko

"Hindi pa huli para mag bago ka ng papakasalan." Seryoso kong sabi
....

Thank you for reading.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I secretly married the mafia bossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon