"Nay, aalis na po ako." paalam ko sa aking nanay, inaalagaan niya si baby Jayjay, dati lagi kong kasama si nanay mangalakal pero ngayon may baby na siya kami nalang ni Jemma at Jenna pupunta, oo kambal sila, ako ang pangalawa sa pinakamatanda, si kuya Jem nasa manila, nagtra-trabaho pero wala namang inuuwing pera,
pero naintindihan naman namin ang sitwasyon niya sa Manila. "Ingat kayo ha, kambal wag kayo hihiwalay sa kuya Jerome niyo." bilin saamin ni nanay bago kami umalis, binit-bit ko ang cariton at isinakay ko ang kambal, mga 5 taong gulang palang sila. Malapit lang kami sa dagat dahil mangingisda lang ang tatay at kunti lang ang nakukuha niyang pera sa pangingisda.
"Kuya, saan naman tayo punta?" "Doon tayo sa bahay ni Arvin!" sabi ng dalawang kambal. "Aysus! puro kananaman Arvin, sino ba mas pogi ako o siya." pabiro kong sabi. "Syempre ikaw." sabi naman ng dalawang kambal.
Pumunta ako bawat bahay para mangalakal, kailangan rin namin tumulong dahil hirap na hirap kami. "Andiyaan nanaman sila, akala ko ba pinagbabawal nayan." "Kaya nga." rinig kong bulong-bulungan ng mga matatandang babae saamin. "Ano ba, anong pake niyo sakanila, mga bata lang ito." sabi ni Aling Merlinda, siya yung babaeng tumutulong saamin paminsan-minsan, natitindihan ko naman kahit na paminsan-minsan kaming tinutulungan, dahil pati rin siya nangangailangan rin.
"Salamat po Aling Merlinda, pero hindi niyo na po kailangan gawin po iyan araw-araw." sabi ko sakaniya. "Ito talagang si Jerome parang hindi mo naman ako kilala. O siya, ito mga bote, kinuha ko lang iyan sa kapit bahay, pasabi ko Jerin kamusta na." nginitian kami at tinanggap ko naman ang bote na ibinigay niya.
Nakalipas ng ilan pang palipat-lipat na bahay, ay magdidilim na ang mga ulap at kailangan ng kambal na makauwi ng maaga baka kasi mag-alala si nanay at baka bugbugin nanaman ako ni tatay. "Ito na po yung huling bote." inabot ko kay kuya Bernando, sakaniya ko binibigay ang mga kalakal ko. "Ito oh, kunin mo na ito, tulog na yung kambal oh, salamt nga pala ulit Jerome." Inabot niya ang kalahating kilong kanina na nasa plastik at ang pera. "Salamat po kuay!" nag paalam ako at hinila ko ang kariton habbang natutulog doon ang kambal.
Nang papauwi na kami, lagot talaga ako dahil nag-aalala na si nanay dahil ito ang pinakagabi na uuwi kami. "Kung hindi lang talaga kayo mabigat, nakauwi natayo ng maaga." sabi ko sakanila pero tulog naman sila paano naman nila maririnig. Dahil madilim ang daanan, ang buwan lang ang natatangin ilaw namin. Habbang naglalakad ako nadapa ako, at nabitawan ko ang kariton, buti nalang hindi nagising ang kambal.
"Aray ko!" ramdam ko may sugat ako sa tuhod dahil mahapdi at basa. Hindi ko nakita yung dinadaanan ko dahil diretsyo lang ang tingin ko. Ang laki-laki ng bagay at hindi ko nakita, paika-ika akong lumapit sa supot. "Ano ba ito, bakit nakakalat sa daan!" sigaw ko at binuksan ito, kahit madilim pero may kaunting ilaw naman at nakita ko iyon, "Pera ba ito...?"
Pinunit ko ang tela na nasa damit ko para balutin ang sugat sa tuhod ko. Nang nakita ko ang supot na puno ng pera, parang hindi ko na naramdaman ang sakit ng sugat ko. "Ito na kaya ang babago ng aking buhay? Makakapag-aral pakaya ako ulit pag kinuha ko ito?" Bulong ko sa sarili ko at agad ko naman iniwasan mag-isip ng maling gawain.
"Hindi! hindi ako pwedeng magnakaw ng hindi akin!" Kinuha ko ito at inilagay ko sa kariton. Paika-ika akong naglakad habbang buhat ang kariton. Nang nakalipas ng ilang oras ay nakarating na kami. Papasok sana ako kaso naririnig ko ang boses ni nanay at tatay nag sasagutan o nagsisigawan at rinig ko rin ang iyak ni baby.
"Kasalanan mo ito! sabi ko saiyo na wag mong payagan siya pumunta sa Manila! iyan tuloy dumagdag pa siya sa problema natin!" sigaw ni tatay.
"Rommel yung mga bata, nasa labas pa, baka kung anong mangyari sakanila." pagmamakaawang sabi ni nanay.
"Wag mong iibahin ang problema Jerin! sinasabi ko saiyo, sinong magbabayad sa kalokohan ng anak mo! sige nga! Jerin, mangingisda lang ako, satingin mo marami ang nakukuha kong pera!"
"Rommel, hindi naman niya kasalanan iyon, na impluwensyahan lang siya, hindi niya pwedeng gawin iyon Rommel." mahinhin na sabi ni nanay, rinig kong umiiyak si nanay.
"Ano Jerin, satingin mo hindi gagawin ni Jem iyon?! Kung na impluwensyahan siya edi sana hindi niya sinundan niyon kung hindi niya gusto hindi ba? May toyo yang utak niya eh! Ano sinong mag papalabas sakaniya sa kulunga ha?! Akalain mo, ginawa niya lang sa Manila ay magbenta lang ng droga! Satingin mo hindi niya iyon magagawa!" sigaw ni tatay.
"Bakit ang ingay kuya." sabi ni Jenna at mukhang bagong gisend lang dahil sa maingay na sigawan nila nanay. "Wala iyon Jenna matulog ka nalang." sabi ko iyon at natulog naman siya. Nakita ko ang sako na puno ng pera. Hindi ko maiwasan isipin iyon, na ang kuya ay nag bebenta ng pinagbabawal na gamot. "Itong sako ng pera, ito kaya ang makaka-ayos ng buhay namin dito?"
Malaks na loob kong pumasok sa ng bahay at bitbit ko si Jenna at gising naman na si Jemma. Ang tingin nilang dalawa ay nasaakin at magulo ang bahay. "Nay, pasensya na po napagabi ang uwi namin." pinipigilan kong umiyak sa harapan nila dahil sa itsura ni nanay, lumapit siya saamin at kinuha ang kambal. Tinignan lang ako ni tatay at umalis na.
Sasusunod na araw...
Nang gabing iyon, hindi ko mapigilang umiyak at isipin ang kalagayan namin. Kaya dinala ko ang pera sa kariton at tinulak ko ito. "Saan ka pupunta Jerome?" tanong ni Nanay, "Nay, mangangalakal lang ako." paalam ko sakaniya. "At sinong kasama mo? saglit lang patulugin ko lang si Jayjay." "Hindi na nay, kasama ko naman yung mga kaibigan ko sina Laura at Dax." pagsisinungaling kong sabi sakaniya.
Hindi ko naman talaga kasama sila papunta ako sa baranggay para ibalik ito. "Pasensya na nanay, hindi ko kaya magawang magnakaw." Hindi napansin ni Nanay ang sugat ko dahil sinabi ko desenyo lang ito dahil uso ito.
Malayo ang nilakad ko papunta sa baranggay. Kaunti lang ang tao at madami ang tumitingin saakin dahil mukha akong marumi. "Pasensya na bata, bawal ka pumasok dito, iyon ang patakaran na binigay ng baranggay." sabi saakin ng babaeng nagtra-trabaho dito sa baranggay. "Hindi po, may gusto lang po akong ibigay." sabi ko sakaniya pero hindi niya parin ako pinayagan. "Hindi niyo po pinapayagang papasukin ang mga taong mahihirap dahil wala lang silang gagawin dito? Ganun po ba ang patakaran ng baranggay ngayon? Grabe naman po sila, tao parin po kami, dahil po ba sa itsura namin? sa pananamit namin? kaya po ba ayaw niyo po kaming papasukin? Gusto ko lang naman po makatulong sa aking pamilya." sabi ko sakaniya para makapasok ako.
Hindi man ako nakapag-aral pero tinuruan naman ako ni nanay. "Ang dami mo namang daldal, sige nanga, basta bilisan mo nalang." sabi ng babae saakin at pinapasok ako. Tinaas ko yung sako na puno ng pera, "Ano ito?" tanong saakin. "Pera po ang laman nito, nakita ko lang po ito sa daan habang naglalakad po, napatid panga po ako diyaan kaya nagkasugat ako. Hindi ko po iyan ninakaw, kaya nga po binabalik ko po kasi hindi po akin iyan at nakita ko lang sa daan." sabi ko sakaniya at tinignan niya ito.
Gulat ang mukha niya. "Alex, Mirya! Nandito ang pera!" sigaw ng lalaking kausap ko. Lumapit ang dalawang babae at masaya silang tatlo. "Ano po meron?" ayaw kong KJ pero sabi ni ate na kailangan mabilis lang ako dito. "Bata, nahanap mo ang perang nawawala ng ating barangay captain! Dali tawagan niyo si Ginoong Adrian!" sabi ng lalaki sa mga babae.
Pinaupo ako at pinahintay ako doon, binigyan rin nila ako ng pagkain. "Ito nga pala yung bata, pangalan niya si Jerome, Jerome Agapito." pinakilala ako ng lalaki kanina. "Agapito, napakagandang apelyedo naman niyan." sabi niya saakin at nginitan ako. "Salamt Agapito, binalik mo ang pera na nahanap mo na hindi saiyo. Mabuti kang bata alam mo iyon? At dahil diyaan mayroon rin akong ibibigay na kapalit saiyo."
Sasusunod na araw...
"Nay! aalis na ako papunta paaralan!" paalam ko sa aking nanay. "Ingat Jerome." paalam saakin ni nanay. Sabay kaming pumasok ng paaralan kasama si Jemma at Jenna. Nagpapasalamat ako sa baranggay kaptain na binigyan kami ng pagkakataong makapag-aral, mabigyan ng maayos na tahanan, sa mga pagkain, at sa maliit na negosyo na sari-sari store.
Sa simpleng gawain ay mayroong magagandang mangyayari.
BINABASA MO ANG
Agapito
القصة القصيرةSa isang maliit na bahay na malapit sa dagat ay nakatira si Jerome Agapito 10 taong gulang, isang masunurin, mapagmahal, at masipag na anak. Ang kaniyang mangarap ay matulungan ang kaniyang pamilya at makapag-aral, kaso wala silang sapat na pera par...