Pasensya, Salamat at Patawad
Kahit saang anggulo mo tingnan
Parang walang patutunguhan
Malabo , oo malabong maging tayo
Paano nga naman kung isa lang ang seryosoSa mga panahong kailangan kita
Hindi ko maramdaman ang yong presensya
Sa panahong ako'y nagiisa
Andun ka nagpapakasaya kasama ang ibaSa bawat pagkurba ng aking labi
At sa bawat pagpatak ng mga luha sa pisngi
Ikaw ang dahilan nito na di ko maitatanggi
Sayo nagsimula ang saya't sakit na dulot mo saakinPasensya, Salamat at patawad
Tatlong salitang nais kong sambitin
Sa pagsikat ng araw at sa paglubog ng buwan
Mga panahong lumilipas at mga alaalang kumukupasNais kong magpaalam, nais kong lumayo
Sa mundong walang ikaw at ako
Kathang isip ko'y nagsasabing may tayo
Sa katotohanang ito'y malabo
BINABASA MO ANG
Where memories live
PoetryDo our memories even exist? We make them but it doesn't last forever. Where do our memories go? Is there a certain place where they can live forever and never forgotten? Our mind and heart are connected to each other. We love to remember things...