"Lola!!" dinig kong tawag sa akin mula sa labas, kasabay ng tunog ng pagbukas ng gate sa labas. Sinundan iyon ng sunod sunod na katok sa aking pinto.
"Sandali lang, sandali lang papunta na" tugon ko sa kumakatok
May ngiti sa labing binuksan ko ang pinto at sinalubong ako ng mahigpit na yakap mula sa aking mga apo
Pinapasok ko sila sa loob at pinaupo "kamusta kana anak?,kamusta na kayo?" tanong ko sa anak kong si Yuri "Mabuti naman po Ma" sambit sa akin ng aking anak.
"Gutom naba kayo?, ipagluluto ko kayo ng pagkain" sambit ko sa kanila "Naku Ma, ako nalang po ang magluluto ng pagkain" presenta ng aking anak.
"O siya sige" sambit ko sa aking anak. Naglakad lakad muna kami ng aking mga apo sa bahay, at tinuro nila ang litrato ng aking asawa, "Lola sino po siya?" tanong ng isa kong apo, "Siya ang inyong lolo na namao na", sambit ko sa aking mga apo "Lola, pwede po ba kayo magkwento ng pagmamahalan niyo ni Lolo?"
"Abay oo naman mga apo, tara sa sala at umupo kayo at makinig kay kay Lola" sabi ko sa kanila nagtakbuhan ang mga bata sa sala at umupo labis ang pagkatuwa nila sa sinabi ko."Handa naba kayo makinig kay Lola mga apo?" tanong ko sa kanila
"Opo lola!" masaya nilang sabi.
"O siya ito na makinig kayo kay lola"
Disyembre 1941
"Nakakainis talaga ang mga hapon nayan Jossie kala mo naman sila ang may ari ng sapa pati banaman dito pagbabawalan nila tayong maglaba" sambit ko sa matalik kong kaibigan
"Pero wala tayong magagawa Carmela" sambit ni Jossie "Anong walang magagawa? meron tayong magagawa Jossie kung lalaban tayo" sambit ko sa kanya "Ngunit karamihan sa ating mga Pilipino ay takot lumaban"
"Wala talagang mangyayari sa atin kung pinapairal natin ang takot""Hoy!, bakit kayo naglalabas sa sapa, diba sabi namin sa inyo huwag kayo maglalaba sa tabi ng sapa sa halip ay mag-igib kayo ng tubig sa bayan" nagulat kami na biglang may sumigaw
"Anak ng tipaklong!" gulat kong sabi
"Pasenya na ho hindi na po namin uulitin" sambit ni Jossie na halata na natatakot siya.Pogi sana siya kaso ang yabang yabang naman kase nitong lalaking hapones na to akala mo naman sa kanya ang sapa.
Ngunit napansin kong titig na titig sa mukha ko ang lalaking ito, may dumi ba ko sa mukha?
"Ano ang pangalan niyo?" tanong niya sa amin.
"Ako si Carmela, ito naman si Jossie ang kaibigan ko" sabi ko sa kanya
"Ako nga pala si Gin ang anak ng heneral" pakilala niya sa amin, pero ako'y nagtataka pano siya nakakaintindi at nakakpagsalita ng wika namin.
"Pano ka natututo? pano mo naintindihan ang wika naming mga Pilipino?" tanong ko sa kanya.
"Dahil pinagaralan ko ito" simpleng sahot niya lang sa akin.
"Nga paka ako si Gin anak ng heneral" nagulat kami sapagkat siya pala nag anak ng heneral
"Alam niyo bang hahatulan kayo ng kamatayan pag nalaman ito ng henral" tanong niya sa amin
BINABASA MO ANG
Alpas
RomanceTungkol ito sa mga Pilipinong sinakop ng hapones, may dalawang magkasintahan ay lumaban para sa Pilipinas upang makuha nila ang nais ng mga Pilipino na makamit ang kalayaan ng kanilang bansa.