Chapter 11

1.4K 51 0
                                    

Chapter 11



Lie

Simula nang magsimula akong mag-training sa Black Hole,hindi ko na masyadong nilalapitan ang mga kaibigan ko at pati na rin si Luke.

Ni hindi na ako nagrereply sa mga messages nya sa akin.Ayoko lang isipin ulit na magkalaban ang ahensya naming dalawa.

Ayoko na syang tanungin tungkol sa ahensya nya.Ayokong manggaling mismo sa kanya na magkalaban kami.

Tumulo ang mga luha ko.Ang hirap-hirap na ng ginagalawan kong mundo ngayon.Ang dating magkaibigan ay ngayong magkalaban na.

Gusto kong tumakas pero wala akong mapagpipilian.Buhay nila ang nakasalalay dito.Kung iisipin ko lang ang sarili ko,maraming buhay ang mawawala.

Tumunog na ang bell pero wala pa akong balak mag-ayos.Kaway ng pamamaalam ang tanging nagawa ko para sa mgaa kaibigan ko.Wala ni isang salita ang lumabas sa bibig ko.

Malakas akong napabuntong-hininga.Ako na lang ang mag-isa dito sa room.

Natigilan ako nang marinig ko ang boses ng kaklase ko at ni Luke.

"Is she there?"
Rinig kong tanong ni Luke.

"Yeah,mag-isa na lang sya doon.Kausapin mo sya,pre.Mukhang problemado ang isang yon."
Sagot sa kanya ng lalaki kong kaklase.

Dali-dali kong inayos ang mga gamit ko at lumabas ng room nang walang pagaalinlangan.Agad akong sinundan ni Luke.

"Agatha!Iniiwasan mo ba ako?!"
Sigaw ni Luke kaya napatigil ako sa paglalakad.

Napakagat labi ko at pinigilan kong humikbi.Mahirap na baka bumigay ako.

"H-Hindi...G-Gusto ko lang mapag-isa..."
Nahihirapang sagot ko sa kanya.

"Mapag-isa?Ilang linggo mo na akong iniiwasan.Sa tuwing maririnig mo lang ang boses ko,nagmamadali ka nang umalis.Tell me kung may hmginawa akong mali handa akong maparusahan.Wag yung ganito,Agatha.Hindi mo na nga ako kinakausap,iiwasan mo pa ako."
Sabi ni Luke na syang mas nagpaiyak sa akin kaya tinakpan ko na ang bibig ko para hindi nya marinig na humihikbi ako.

Rinig ko ang mga yapak nyang papalapit sa akin.

"D-Dyan ka lang...wag kang lalapit p-please..."
Pakiusap ko.

Pero dahil matigas ang ulo nya ay lumapit pa rin sya sa akin at pinaharap nya ako sa kanya.

"Bakit ka ba ganito?Sabihin mo sa akin kung anong ginawa ko...ayoko ng ganito,Agatha."
Mahinang sabi ni Luke.

Umiling-iling na lang ako at mahigpit syang niyakap.Sa lahat ng mga kaibigan kong mga lalaki,si Luke lang talaga ang nagtagal sa ugali ko kaya mahirap talaga para sa akin to.

Niyakap nya din ako habang hinahaplos-haplos ang buhok ko.

"Kahit ganyan ka ikaw pa rin yung pinakamamahal kong kaibigan."
Sabi nya.

Pinunasan ko ang mga luha ko at hinampas ko sya.

"Ano ba kasing problema?"
Tanong nya sa akin.

"Kasi...si Mom...gusto nya akong papuntahin ng States...ayoko kayong iwan..."
Pag-sisinungaling ko.

Ngumiti sya at hinalikan ako sa noo.

"Kakausapin natin si Tita,ok?Basta wag mo na akong iiwasan ulit,ok?Isasako talaga kitang babae ka."
Nakangiting sabi nya.

Napailing-iling na lang ako.

"Ewan ko sayo."
Umiiling_iling na sabi ko.

"I'm sorry...I'm sorry for lying."

Behind The MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon