Chapter 40

866 28 0
                                    

Chapter 40



Nia Monses

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha.Bakit ganun?Parang may katabi ako?Sa pagkakaalala ko,mag-isa lang ako sa kwarto na ito.

Idinilat ko ang mga mata ko para tignan kung tama nga ang hinala ko.Tama nga ako.Nakaupo sa tabi ko si Luke habang pinagmamasdan ako.Tumaas ang isang kilay ko.

"What are you doing here?"
Tanong ko sa kanya.

"Good morning,Ms.Zoe."

Medyo natigilan ako sa itinawag nya sa akin.Yan kasi ang madalas na tawag nyas sa akin nung mga panahong nililigawan nya pa ako.
Ilang taon na rin si Luke.Si Rosh ay malapit nang ikasal habang ang dalawa namang Alferez ay malapit na ring magpropose.Si Luke na lang talaga ang naiwan.Wala ba syang balak na ligawan si Nia Monses?

"Walang maganda sa umaga,Alferez.Umalis ka nga dito."
Masungit na sabi ko sa kanya na syang ikinatawa nya.

Inis akong bumangon at pumunta sa banyo para maghilamos at ayusin ang sarili.Nagulat na lang ako nang makita ko sa aking likuran si Luke at malawak ang ngisi.

"Hoy,anong ginagawa---"

Naputol ang sasabihin ko nang paharapin nya ako sa kanya at isinandal nya ako sa pader ng banyo.And with that his lips touch mine.I closed my eyes and respond to him.

Kahit kailan hindi ko pagsasawaan ang mga halik nya...Oo,hindi pa rin nawawala ang nararamdaman ko para sa kanya pero alam kong wala na kaming patutunguhang dalawa.Hanggang doon na lang yon.

Marahan ko syang itinulak at tinakpan ang bibig nya.

"Please,tama na.Stop this,Luke.Hindi na nakakatuwa."
Mahinang sabi ko sa kanya at iniwan na sya doon.

Hindi ko alam kung kailan nya ako pauuwiin.Kanina pa kasi ako nagpapaalam sa kanya pero hindi talaga sya pumapayag.Habang hawak ko ang cellphone ko ay tumunog ang doorbell sa labas.

Hinanap ng mga mata ko si Luke pero parang wala yata sya dito.Nasa itaas pa yata.Ako na lang ang kusang lumabas para tignan kung sino ang bisita ni Luke.Si Throne kayo to?Sya lang naman ang alam kong pupunta rito.

Pagkabukas na pagbukas ko ng gate ay bumungad agad sa akin ang malaanghel na mukha ni Nia Monses.Nanlaki ang mga mata ko.Anong ginagawa nya dito?

"Hi!Nandyan po ba si Luke?"
Nakangiting tanong nito sa akin.

Talaga ngang maganda si Nia sa personal.Natural lang ang ganda nya.Hindi nya na kailangang magmake up para gumanda.

"A-Ah,nasa loob.Tatawagin ko lang."
Awkward na sabi ko sa kanya.

Hinawakan nya ang palapulsuhan ko at nagulat na lang ako ng umiyak ito sa harapan ko.

"I-I know that you and Throne are friends...p-please kung alam nyong dalawa kung nasaan sya please sabihin numyo na sa akin.Tulungan nyo ako,please..."

Behind The MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon