"Remembering these events made me think they were somehow linked to our first meeting, so I came to love them despite how bad they were."
🐰
Z A I R A H"Irah! Babangon ka diyan o papaliguan kita diyan mismo?!" Naalimpungutan ako nang marinig ko ang parang megaphone na boses ng pinakamamahal kong si Alister.
"Five minutes more please." Garalgal kong sabi dahil kakagising ko lang.
"Ah five minutes more pala ha." Narinig ko ang paglayo ng mga hakbang niya kaya ngumiti nalang ako at pinikit ulit ang aking mga mata. Mahal talaga ako ni pinsan, sobrang understanding niya pagdating sa akin.
"Zairah Athanasia Hani Blythe Ilaria Emerson!" Napanguso ako nang tinawag talaga ako ni pinsan sa full name ko. Hindi ako bumangon pero hinarap ko siya—at napabangon ako kaagad nang makita ko kung ano ang hawak-hawak niya.
"'Insan naman eh!" Pilit kong kinukuha sa kaniya ang hawak niyang si baby Levi ko. Sobrnag rare pa naman ng ganoong model ng figure!
Tumayo ako at pilit na inabot mula sa kaniya ang anime figure ko kaso hindi ako binayayaan ng height ni Papa God eh, mabait naman akong bata huhu. Kawawa naman si baby Levi ko! Kung Titan lang itong si Pinsan eh kanina pa hati ang leeg nito eh!
"Please na pinsan oh!" Pagmamakaawa ko sa kaniya dahil mataas talaga itong si Alister. "Please na! Bumangon na nga ako ah." Pero nakangisi lang siya sa akin ng tagumpay. Grabe siya! Sa lahat na pwedeng e-hostage si Levi pa talaga.
"Five minutes pa ba?" Nakangisi niyang sabi. I pursed my lips dahil hindi talaga ako titigilan ni pinsan.
"Sige na nga! Pasalamat ka mahal kita eh!" Medyo pinababa niya ang ulo niya para maabot ko kaya hinalikan ko siya sa cheeks. "Morning Pinsan." Nakangiti kong sabi sabay kuha kay baby Levi at dahan-dahang binalik sa loob ng cabinet kong may transparent na glass.
"Morning din Irah. Oh siya, maghanda ka na at bumaba, may pupuntahan pa tayo nina Tita." Tumango lamang ako at lumabas na siya ng kwarto ko.
Kahit palagi akong ginugulo ni Alister hindi ko parin kayang magalit sa kaniya. Teka, nagalit na ngaba ako? Wahaha! Hindi pa yata. Healthy ang mindset ko kaya hindi ito napu-pullute ng kung ano reason why I have a very calm mind. Ang talino ko talaga hehe.
Tumingin ako sa wall clock para malaman kung anong oras na at kaya naman pala medyo madilim pa sa labas at madilim parin ang kwarto ko dahil quarter to five palang ng umaga. Saan kaya kami pupunta ngayon? Nagkibit-balikat nalang ako at inayos ang hinigaan ko.