"Meeting you was never my choice, blame destiny for it. Your present with me didn't begin until I tossed the coin and let it decide instead."
🦊
A S H A Y AThe scent of both alcohol and smoke was mixing through the air that they almost burned my nostrils. I have always hated the smell of it, but who am I kidding? I've got a cigarette between my lips and a bottle of beer in my hand. I still can't stand the scent of ones I mentioned though so I decided to go outside.
I see the moon shining brightly tonight when I sat on the bench here at the front lawn. The night was still young, probably around nine in the evening, and I don't know if you can call that 'young' but it certainly is. There were no visible clouds nor stars, only the dark skies and the full glowing moon among the night. The breeze was cool too, I can't help but somehow feel pleasant despite how bad of a day today is.
Gaano kasama? Mabuti natanong niyo. Natalo lang naman ako sa pustahan namin kanina sa basketball, ang manalo raw ay may ten thousand mula sa mga natalo, and another thing, uutusan pa talaga kami ng mga nanalo. At ang inutos sa amin? Heh! Mga gago talaga.
Flashback
"Ellise! Pasa dito!" Sigaw ko kay Ellise na hindi makaalis mula sa pagbabantay sa kaniya ni Allea.
Ngumiti naman siya sa akin at paatras na tumalon tsaka tinaas ang kamay niyang hawak ang bola. Akala siguro ni Allea ay isho-shoot ni Ellise pero binaba niya agad ang kamay niya at binack-pass papunta sa direksyon ko. Nag thumbs-up naman ako sa kaniya at tumakbo papunta sa ring na binabantayan nila.
Pero bigla namang lumitaw sa harapan ko si Calliondra na siyang ikinagulat ko. Promise! Hindi ko talaga nakita kanina pa ang babaeng ito, bigla nalang sumusulpot eh! Parang alam niyo yun? Yung si Kuruko sa Kuruko's Basketball? Wala talaga siyang presence every time na maglaro siya kaya madali niyang maaagaw ang bola.
Mabilis kong drinibble ang bola at humakbang pakanan na siyang inatrasan naman niya, tapos ay mabilis akong umikot sa kabila at nandiyan narin siya. Humakbang naman ako pakaliwa at akmang iikot na naman sana sa kabila nang umikot ako sa kaliwa parin kaya ang resulta? Natumba siya! Haha!
Napagdesisyunan kasi naming apat na maglaro ng basektball ngayong sabado dahil sobra na talaga akong na-bored sa mansyon. Paano naman kasing hindi eh halos mag-isa lang naman ako dun. Kulang nalang nga eh multuhin ako ng mga ancestors namin. Subukan lang nila, baka pati kaluluwa nila masunog ko hah!
Nasa ilalim na ako ng ring at tumalon ng mataas para e-dunk ang bola. Twenty-nine na kami habang sila ay Twenty-seven, lamang kami halata naman. Ipapasok ko na sana ang bola nang ihampas ito ni Allea mula sa akin kaya nag-bounce ang bola sa likuran ko.
Mabilis akong bumaba para kunin ulit ang bola pero kanina pa pala ito kinuha ni Calliophe at tumakbo sa ring namin. Hinabol ng tingin ko si Ellise at sinamaan siya ng tingin. Bakit niya hinayaang makalampas sa kaniya si Alleah?! Hayop 'to ah. Ngumiti lang siya sa akin at nag-peace sign.
Nakaabot narin ako sa pace ni Calliondra dahil hindi naman talaga siya ganoon kabilis tumalbo, magaling lang 'to mag-steel at magpasa. Si Allea naman ay masyadong mabilis pero parang ewan naman pagdating sa pagbabantay. Ito talagang si Ellise ang maaasahan sa defence eh kaya paano nakalampas si Allea sa kaniya?!
Aagawin ko na sana ang bola nang bigla niya itong ipinasa kay Allea na nasa kabilang gilid. Si Ellise naman ay nakabantay sa agad sa ilalim ng ring eh ang layo-layo pa nga ni Allea doon. Pero ang ginawa ng may hawak ng bola? Tumalon siya at akmang mag te-three point nang tumalon din ako para hablutin ang bola. But I couldn't reach it, sobrang huli na ako!