Gabbie's POV
"WHAT?! So you mean you're gonna stay there? You're gonna leave me? For how long?" Zara asked.
Zara Louise Ocampo. She's my bestfriend. She knows everything about me. Just like the fact that I hate my own mother whom I'm gonna stay with for I don't know how long.
"I don't know. Dad just said that I'm gonna stay with her. Ugh! Nakakainis!" sabi ko.
I think you guys are sort of confused of what's happening... We're talking about me staying with my mom. It's sort of a punishment for me.
You see, I did something bad that it was on the newspaper the next day. And my Dad was furious about it.
What did I do?
I was just caught kissing some random guy in a bar. It's not that bad right? But what made my Dad furious is that... It's the third time this month... Third time na ma-news ako. And I was supposed to be grounded. Tumakas lang ako. Hehe.
Stupid paparazzis. Di naman malalaman ni Dad yun kung di lang dahil sakanila.
Nag tataka kayo kung bakit may paparazzis?
Artista ba ko? Nope.
But I'm the one and only heiress of Bernardo Inc. I'm rich ya' know. Nakakainis nga eh. Di na nga ako artista may paparazzis pa din. But what can I say, I'm pretty. Wait. No. I'm beautiful. Pampaganda din ako ng araw ng mga nag babasa ng dyaryo. Nakikita nila ang aking beautiful face.
Sikat ang company namin all around the globe. That's why it's a big deal kay Dad na nasa news ako. Syempre anak nya ko. Iisipin ng mga tao na hindi nya ako pinalaki ng maayos. Tss. Di naman totoo yun. Di naman kasi nya ako pinalaki eh. Yung yaya ko yung nag palaki sakin. Pero she left when I was 14, 2 years ago. Matanda na din kasi.
"Wait. How about your studies? Eh November pa lang ngayon ah?" Zara.
"Dun daw ako mag co-continue. Kakilala ni Dad yung may-ari ng school don kaya kahit kalagitnaan na ng school year pinayagan pa din ako dun mag-aral."
"Sup! What did I miss?"
Sabay kami ni Zara na napatingin sa pintuan ng kwarto ko. And there she goes. Ms. Always-late. Jessica Christine Filomeno. She's one of my besties at sya lang naman ang babae na laging late. Kaya nga Ms. Always-late diba?
"Madami. Zara, ikaw na mag kwento. Tinatamad ako eh." sabi ko. At ikinwento na nga ni Zara kay Jess yung tungkol sa pag stay ko with my mom blah blah blah...
Habang nagkwe-kwentuhan sila dun, napatingin ako sa buong kwarto ko. Mami-miss ko 'to. Nandito lahat ng memories ko with Zara and Jess. Nakadikit kasi sa wall ko yung pictures namin. Mas marami pictures namin ni Zara though tuwing may gimik kami, lagi kaming magkakasama. Pano, laging late si Jess. Sa boredom namin ni Zara, nag picture picture muna kami.
Naisip ko tuloy, gano kaya kalaki magiging kwarto ko dun? Malaki din kaya? May sarili ding toilet? Walk-in closet? Tss. As if.
Matagal-tagal ko nang di nakikita ang nanay ko. 9 years na. I never bothered na kausapin sya o i-meet man lang sya simula nung iwan nya kami ni daddy. Meet her? Talk to her? For what?
Before I forget, I'm Gabriella Kate Bernardo. Gabbie for short. Only people who are close to me calls me Kate since ang lagi kong pakilala is Gabbie. Call me Gabbie or Kate. I don't care. I'm 16 years old. Mag se-seventeen na din this coming March.
"Uy Kate! I'm so gonna miss you! Huhuhu." sigaw sakin ni Jess sabay yakap sakin.
"Ang drama mo talaga Jess! Haha." sabay tinulak ko sya palayo. Biruan lang naman namin yun. Pero actually mami-miss ko talaga sila. Pero ayoko umiyak. OA masyado. It's not like di na kami magkikita ever. Pagkatapos ng punishment na 'to, mag kikita na ulit kami. Araw-araw pa.
"Sus, 'to naman. If I know, sa loob-looban mo nalulungkot ka din," sabi ni Zara. I told 'ya she knows me too well. And so does Jess. Sabay ko silang nakilala and we're like the 'Totally Spies' kasi lagi kaming mag kakasama. Kulang na lang eh, tumira din kami sa iisang bahay. Mas close lang kami ng onti nitong si Zara. Mga isang kembot lang. Haha. "Don't wory, Gabbie. Bibisitahin ka naman namin dun during the Christmas vacation eh. Saan nga ba yun?"
"Sa Batangas daw eh." sabi ko naman. "ARAY! Ano ba?!" sigaw ko kay Jess. Batukan ba naman ako. Sakit kaya.
"San sa Batangas?! Like duhh." Inirapan ko naman 'tong si Jess. Arte. Chosss! Maka-'arte' naman ako parang ako hindi. Binigay ko yung address na binigay sakin ni daddy na binigay sakanya ng mommy ko.
Ilang beses ko na bang nasabi yung word na mommy/mother/nanay/mom? Yuck! Nakakasuka mang pakinggan, kailangan ko syang tawagin nyan. Alangan namang tawagin ko sya by her name? Pwede. But that would be disrespectful. Yes, I do hate her, but that's not a reason for me to disrespect her right? Besides, there's a saying na 'Respect the elderly'. Mabait pa din naman ako kahit papano.
"Kelan alis mo?"
"Sa isang araw." Tipid na sagot ko.
"Ohmygee! Mami-miss ka namin!" sabay na sabi ni Jess at Zara. Sabay din nila akong niyakap kaya napahiga tuloy kami sa kama ko. Anubayan! Mas lalo ko tuloy silang mami-miss. Mami-miss ko yung bonding namin together. Yung kakulitan nila. Yung pagka-maarte nila na saktong sakto para sakin since may pagka-maarte din ako. Haaay. Marami pang reasons kung bakit ko sila mami-miss. Kung iisa-isahin ko, aabutin tayo ng syam-syam.
"Nakapag-ayos ka na ba ng iyong things?" tanong sakin ni Zara. Umiling na lang ako. Tinatamad ako eh. "What are we waiting for! Leggo and fix your things na!" sabi nila at sabay akong hinila patayo.
Ayun, nag-ayos lang kami ng mga damit, shoes, accessories at iba ko pang mga anik-anik. Nang matapos kami, mag gagabi na kaya umuwi na din sila. Andami ko kasing gamit! Nag iwan nga ako ng iba since sobrang dami na talaga ng mga dadalhin ko.
Bumaba na ako for dinner. As usual, ako na namang mag-isa. Ano pa ba? Naka-ready na yung food dun sa lamesa since may mga maids din naman kami here sa house. Si Dad? Ayun. Nasa company. Gabi naman yun lagi dumating. I'm already sanay you know. Haha. Trip ko maging-conyo ngayon.
Pagkatapos ko mag-eat, dumiretso ako sa room ko at nag-shower. Nag bihis lang ako ng pyjamas ko at nag-lie down na sa kama. Tutulog na, obviously. Pero dahil di ako yung tipo ng tao na mabilis maka-tulog. Nag muni-muni muna ako.
Iniisip ko, what its like to live in a province. In Batangas, specifically. Of course nakapunta na ako sa mga provinces before since dati, nung bata pa ako, sinasama ako ni Dad pag may business trips sila. Pero vacation lang yun. I'm gonna live in a province starting the day after tomorrow. Haay. Nag isip pa ako ng kung ano-ano gaya na lang kung bakit halos lahat ng Disney princesses ang bilis ma-inlove. Kung bakit ang gwapo ni Peter Pan. Kung bakit yung parents ni Spongebob eh parang cookies. Kung bakit mukhang pera si Mr. Krabs. Kung bakit yung anak ni Mr Krabs eh si Pearl, na isang whale. Kung bakit ang cu-cute ng mga Minions. Pati na din so Olaf. At marami pang iba...
----------
A/N: Hey guys! So far, did you like the first chapter? Comment lang po if you have any feedbacks. And don't forget to vote. :))