Mean Girls...
Am I already one? People think that I'm bad for bitching them around. Well, here's my say on that. It wasn't me who started it. True. Kapag may pera ka, mas maluwag ang buhay. You can buy whatever you want. You can order people around but money also blurs the line between truth and lie; simplicity and greed. It can break ties. It can break hearts.
I had this favorite aunt of mine. Well, she was my favorite when I was a kid. Siya yung kina-imbyernahan ko nang bongga ngayon. Ang kapal lang kasi ng mukha. Tuwing dumarating ako galing Amerika, siya yung kaunahang nakasahod sa 'kin. Nanghihingi ng imported na bag, lotion, damit, alahas, chocolates, sapatos, at kung anu-ano pa.
At parang obligasyon ko pang pag-aralin yung tatlo niyang anak! Noong una, okay lang kasi nga favorite ko siya. Kaso nasobrahan. As in kada punta sa bahay namin, naghi-hint na gusto niya ng ganito o ganyan. Yung mga gamit ko, pinapakialaman palagi. Sukat nang sukat ng mga damit ko tapos hindi na huhubarin.
There's this one time na may tumawag sa 'kin. Manager ng restaurant. Si France. I know him and his cousin—Kent. Palagi akong may free dessert sa restaurant nila kasi patron ako ng restaurant na 'yon.
"Yes France? Napatawag ka?"
"Uh Meg? Someone here is claiming to be your aunt. Ilagay ko na lang daw sa tab mo yung kinain nila. Would you please confirm?" he asked me.
My eyebrow automatically shot up. Aunt? Huh. "Sino raw siya?"
"Millicent del Fuego."
Damn. Siya na naman. "Magkano?"
"Around eleven thousand 'yong bill niya. She dined with a lot of people."
"To tell you honestly, France, I don't even know that woman. Tell her that the next time she uses my name to pay her food, I'd sue her. If she can't pay, let her wash all the dishes."
I heard France inhaled sharply. "I should've known. Dammit."
Naawa naman ako kay France kaya naisip kong bayaran na lang. Kamag-anak ko rin naman talaga si Tita Milli. Saksakan lang sa pagkaabusada kaya nakakaimbyerna. "I'll pay for it this time so don't worry," I said to him.
I heard him sigh in relief. "Thanks, Meg."
"No worries." I hung up pero nanggagalaiti ako sa galit. My goodness! Ang lakas ng loob kumain sa isang mamahaling restaurant tapos walang pambayad? Ano 'yon, eat and run?
The very next day, sinugod ako sa bahay ni tita. Minura-mura ako. Bakit ko raw siya ipinahiya and blah blah blah. Then she went on with the list of things that she did for my family.
Kesyo pinautang daw niya ng fifty thousand si mama para maipatayo yung bahay namin. Kesyo palagi raw niya akong pinapamaskuhan ng isang daan tuwing Pasko dati. Yung welcome na welcome raw ako sa bahay nila.
Yumaman lang daw ako, naging mayabang na ako at saksakan ng damot.
I opened my purse na naglalaman ng ilang lilibuhin at isinampal ko sa kanya 'yon. Sabi ko, "O ayan! Isaksak mo sa baga mo! Ang kapal din naman ng mukha mo 'no? Pera KO 'yang inaangkin mo! Yung utang namin sa inyo, bayad na ng isang mamahaling Louis Vuitton na ninakaw mo sa closet ko! Ngayon kung nakukulangan ka pa, ito—" I shoved my purse to her. "Isangla mo 'yan! Mahal 'yan! And please lang, don't ever show your face around here anymore. You disgust me woman! ALIS!"
Bitchy? Yes. Maybe. Okay, I am bitchy. Pero masisisi ba talaga nila ako? She deserved it!
Kaya ngayon, galit sa 'kin lahat ng kamag-anak ko. At dinamay pa talaga ang pamilya ko na nananahimik lang. Sa kanila lumalapit yung mga parasite kong kamag-anak para humingi ng balato kuno. Naasar ako kaya pinapunta ko na sila ng Amerika. Ayaw pa nga pumayag ni mama eh. Hayaan ko na lang daw.
BINABASA MO ANG
The Filthy, Rich Bitch
General FictionMeg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets from the past prove all her beliefs wrong, will Meg finally listen to what her heart truly says or will...
Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte