"Enzo, why are you here?"
My brother smiled at me. Tsk. He was wearing this brown leather jacket over a white long-sleeved shirt and a black tie. Tapos cream yung pants niya na medyo skinny.
Ang gwapo lang ng kapatid ko. I'm sure na maraming nagkakagusto sa kanya and I am proud of him for that. Pero ang nakakainis? Yung babaeng gusto niya. 'Di ko matanggap!
"Wala man lang bang welcome hug? I miss you ate!"
Kunwari ay napipilitan akong lumapit sa kanya at saka ko siya niyakap. I smiled. Kahit ano talagang estado namin sa buhay, hindi siya nagbago. Inaasar pa rin niya ako. Close pa rin kami.
"I missed you too. Kailan ka dumating?"
"Kagabi."
Kumunot ang noo ko. "Why didn't you inform me na darating ka?"
"I didn't want to bother you. Saka nandito si Angel kagabi, e. Teka nga pala ate, bakit mo na naman inaaway si Angel? She was so nice to you. Hindi mo ba kayang maging civil man lang with her?"
I rolled my eyes. Here he goes again with his lectures. Nakakaasar. Sa dami ng pwede niyang gustuhin, si Angel pa!
"It's her fault kaya 'wag ako ang pagalitan mo. If she didn't let THAT guy in—arrgh!" Napasabunot ako sa buhok ko. Naalala ko na naman yung ginawa niya.
Pinanlisikan ko ng mata si Enzo nang bigla siyang ngumiti. Alam ko na 'yang ngiting 'yan. Ilang beses niya na bang ibinigay sa 'kin 'yan? At makailang beses na rin akong naimbyerna? Dahil 'yang ngiting 'yan ay puno ng malisya.
Dapat ba lahat ng bagay bigyan ng malisya?
"Uuuy... dinalaw ka ni Kuya Daniel?"
"PWEDE BA WAG NA WAG MO SYANG MATAWAG-TAWAG NA KUYA!"
He laughed at my outburst. "Why not? Mas matanda naman siya ah!"
"Hindi mo siya kamag-anak!"
"Hindi nga ba?" nakakaloko nyang tanong.
Inihamba ko yung nakakuyom kong kamay sa kanya. "Kukutusan kita, Enzo!"
Dagli naman syang lumayo at tumawa. "Ayeeee... why are you blushing ate?"
Dammit. Am I blushing? No. It must be the heat. "I'm not blushing! I'm just flustered."
"Bakit ka flustered? Siguro may ginawa kayo kagabi, 'no?" tudyo niya.
"ENZO!" Hinampas hampas ko siya.
Tatawa-tawa lang siya. "Aray, Ate! Tama na!"
"Nakakainis ka!"
Bigla niya akong niyakap. Saka hinalikan sa tuktok. "Grabe ate. Na-miss ko 'yang kasungitan mo."
I tsk-ed. "Kumain ka na ba?"
"Hindi pa," sagot niya saka ako pinakawalan. "Aayain ko sana si Angel lumabas."
"No way! Hindi ako papayag!"
His pressed his lips together into a grim line and looked sternly at me. "Hanggang ngayon ba naman, Ate?"
"Any girl Enzo. Kahit sino na lang... just not her."
He sighed. "Ate naman..."
"Bahala ka. Malaki ka na. But I won't accept her. Sinasabi ko na sa 'yo para malinaw. I hate her and it will never change."
"Bitter ka masyado, Ate."
"How dare you call me BITTER! Excuse me!"
He laughed again. "Hay nako ate. I really wanted to stay but I have to go and comfort Angel. Baka umiiyak na naman 'yon ngayon."
BINABASA MO ANG
The Filthy, Rich Bitch
General FictionMeg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets from the past prove all her beliefs wrong, will Meg finally listen to what her heart truly says or will...
Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte