IKALAWA:

10 1 0
                                    

Nanaman



Nagising ako sa nakakabinging katahimikan ng paligid, napatingala ako at laking gulat ko nang magtama ang mga mata namin ni Mrs. Dela Cruz.





PATAY.




"And what do you think you're doing Ms. Flores? I'm discussing in front and yet you are sleeping?" napayuko nalang ako at batid kong nasa akin na ngayon ang atensyon ng buong klase.




Tatayo na sana ako dahil yun ang dapat gawin, ang nararapat na gawin sa puntong ito ng buhay ko pero may humigit sa braso ko. Ano bang meron ngayong araw at panaya hinihigit ang braso ko?




"May we excuse Mrs. Dela Cruz? may sakit kasi itong si Ms. Flores." napataas nalang ang isang kilay sa tinuran ng lalaking nasa gilid ko, siya yung kanina! yung humigit rin sa braso ko.






Nagsimula naman kami para tahakin ang palabas ng silid, hindi pa rin natitinag ang paghawak ng kamay niya sa braso ko. Nang tuluyan na kaming makalayo ay inilabas ko na lahat ng hanging naipon sa katawan ko. Muntik nako dun!





"Salamat ulit." this is the second one na iniligtas niya ako and I don't even know his name, alam kong hindi siya bago rito dahil minsan ko na rin siyang nakikita at nakakasalamuha.





"Wala yon and besides ayoko ding mag-stay dun, nakakaboring." sabay singhap niya ng malalim.




"Palagi mo nalang akong tinutulungan, salamat talaga." nag bow pa ako sa harap niya.




"Nagkataon lang."




Saan naman kaya ako pupunta ngayon? tatlong oras ang literature namin ngayon at may dalawang oras pa bago ang susunod na subject, ayoko namang bumalik don dahil panigurado ay mapapahiya lang ako.





Naupo nalang ako sa malapit na bench, magrereview nalang siguro ako, midterms namin mamaya kailangan kong makapasa. Napansin ko namang nakatayo lang yung kasama ko at nagtataka sa ginagawa ko.





"Bakit?" takang tanong ko naman sa kanya, naupo naman siya sa katapat ko at ipinatong ang ulo niya sa magkabilang palad niya.




"Wala dito nalang din muna ako."




Ako naman ay inilabas ang mga notes ko at iilang mga modules at sinimulan ang pagrereview, naiilang naman ako sa kasama ko.




"Hindi kaba magrereview?" mukha kasing wala siyang balak.



Napangisi naman ito sa sinabi ko.



"Stock knowledge." napa "ohhh" nalang ako sa isinagot niya.




Bahala ka dyan.



Nagpatuloy nalang ako sa pagrereview ko habang siya naman ay naka earphones na at wala ng paki sa nangyayari.



"Bakit magkasama sila?"

"Yung bebe Damon ko!!!!"

"Siya yung babaeng writer hindi ba?"

"May Oliver na siya tapos ngayon si Damon naman? tsk"





Pinagsasabi ng mga yun?



Binalewala ko nalang sila kung ano man yung pinag-uusapan nila. Naka-isang oras nakami rito, ako abala sa pagrereview habang siya naman ay tulog na.




***



Kinabukasan ay maaga na akong nagpagising kay Mama para hindi ko maabutan ang siksikan, midterm namin ngayon sa first subject namin kaya hindi ako pwedeng malate!



Hindi ko na nagawa pang mag almusal, todo tawag pa sa akin si Kuya pero binalewala ko nalang iyon kailangan kong magmadali.




Pagdating ko sa kanto ay napasinghap ako ng malalim, mabuti nalang at wala masyadong mga pasahero, nag-antay lang ako ng kaunti at maya-maya lang ay nandyan na ang jeep, kaunti lang din ang sakay nito kaya maluwang na maluwang sa loob. Napansin ko rin ang isang pamilyar na mukha.





Siya nanaman.



Naka earphones lang ito at tulog sa bandang unahan ng jeep, dumarami na rin ang sakay nitong jeep kaya napausog ako, at ngayon ay katabi ko na siya, tulog pa din, as usual wala siyang pake sa nangyayari sa paligid niya. May sariling mundo ganun. Panay rin ang tingin ng ilang kababaihan sa kanya, sa akin naman ay halos itakwil na nila ako sa sama ng tingin nila sa akin.




Ano nanaman ba ang ginawa ko?

Two different worlds (ON-GOING)Where stories live. Discover now