"pinagtagpo ngunit di tinadhana"

15 1 0
                                    


Naalala ko pa kung paano natin nakilala ang isa't isa

Nung mga panahong pareho tayong iniwang nag iisa

Yung mga panahong iniwan niya ko at iniwan ka rin niya

Naalala mo pa ba? Kung paano mo ikwento ang storya niyong dalawa

Kung paanong halos di kayo mabubuhay nang wala ang isa't isa

Kung paanong mga ngiti niya ang dahilan ng iyong saya

Pinapahalagahan kita kahit alam kong pinapahalagahan mo ay siya

Ginusto kita

Kahit alam kong malabong maging akin ka talaga

Kasi hanggang ngayon...

Siya pa rin ang gusto mo

Kasi hanggang ngayon...

Hindi ko pa rin kayang palitan ang isang gaya niya

Bakit ganun?

Bakit lahat ng sinasabi mong matamis na salita

Ay unti unting pumapakla

Bigla kang nanlamig at nag iba

Ano nga bang laban ko

Sa minahal mo ng sobra bago mo ako nakilala

Ngayon

Malalaman nila kung gaano kasakit ang kumapit sa isang bagay

Na alam kong walang kasiguraduhan kung babalik ka pa ba

O babalik kana sakanya

Siguro nga'y pinagtagpo lang tayo

Ngunit hindi ikaw at ako ang nakatadhana

Ito na...

Ang huling bahagi ng tula

Na kung saan

Malalaman nila kung sino at ano nga ba ang paksa

Na hindi ikaw

At hindi ako ang magkasama

Hanggang dulo

Dahil ang totoo...

Ay merong isang

Ikaw at siya

At naging extra lamang ako sa storya niyong dalawa.









Salamat sa pag babasa

-parish

tula ng makataWhere stories live. Discover now