WALA NA

4 1 0
                                    

As time goes by unti unti ko ng nafefeel ang papalapit na Christmas day.. Ang simoy ng hangin.. Ang mga naggagandahang christmas lights na nakasabit sa kani kanilang mga bahay na nagdaragdag ng kulay at kagandahan...

Pero bakit ganun?... Hindi ko mafeel ang excitement... Hindi ko makita ang mga matatamis na ngiti sa mga mata ng tao... At isa pa... Bakit wala na ang mga bata o kabataan na nangangaroling sa labas tuwing sumasapit ang gabi... Bakit wala na yung saya na dati ay nakapinta...

Andito ako ngayon sa aking kwarto at nakatulala sa kawalan... Hanggang sa napag isip isip kong I open muna ang aking fb acc para maglibang.. Scroll.. Scroll.. Scroll...

"Paki kalat daw, plate # ng mga nangunguha ng bata pati mga dalaga. Van na green XMM-507, at white van VXM-351.   FROM: san jose pulis. PNP , pls pass..." basa ko sa chat ng aking kaibigan...

"Huh?... Anong meron dito?... Totoo ba ito?" Tanong ko sa aking sarili... Pero hinayaan ko nalamang at pinagpatuloy ang ginagawa ng biglang

"Isang dalagang nawawala natagpuan sa keme keme... Walang malay at butas ang tyan at wala na ang mga laman loob nitoo?... Ampotekk... Ano ng nangyayari?" Tanong ko ulit sa aking sarili.. Sa bawat scroll ko pareho pareho lamang ang aking nakikita... Ito ay tungkol sa isang puting van na nangunguha ng mga kabataan o bata...

Ang aking newsfeed ay puno na ng katakutang nadarama ng mga kabataan... Wala na ang dating saya... Wala na ang dating biruan... Natabunan na ng kalungkutan... Bakit nangyayari ang mga toh?... Hindi ba aware ang mga gobyerno sa mga nangyayari ngayon?... Habang malalalim akong nag iisip bigla akong nakarinig ng sigaw sa labas kaya dali dali akong lumabas ng kwarto.. Sa sala nakita ko ang aking magulang na nag aalala at takot sa mukha

"Nay... Anong nangyari?... Bakit may nagsisigawan sa labas? Tanong ko

"Anak.. Kung pupwede... Wag ka munang lumabas.... Hindi na safe anak... Hindi na ligtas ang ating kapaligiran" umiiyak na sabi ni inay kaya niyakap ko nalamang ito...

Isang dalaga ang nakita nila sa harap ng aming kapitbahay kanina ayon sa aking ama... At katulad rin ito ng nabasa ko kanina... Wala na ang mga laman loob nito.... Wala akong ibang nararamdaman kundi takot... Hindi dahil takot ako na baka mamaya ay ako na ang susunod .. Takot ako dahil baka... Dahil baka mamaya hindi na muling bumalik pa ang saya na dati ay nadarama tuwing ang pasko ay sasapit na..

Kung kailan papalapit na ang kaarawan ng ating panginoon bakit ngayon pa nangyayari ang mga ito... Yeah! Christmas is coming.. But... Parents are worrying... Cause Children are missing... Napakasakit isipin na bakit nagagawa nila ang mga ito dahil lamang sa pera... Bakit kailangan pang pumatay ng mga inosenteng bata para lamang sa pera.... Bakit... Bakit kailangan pang kumitil ng buhay... Hindi ba sila naawa?... Wala ba silang awa?... Napakasakit isipin.. Pero... Wala akong magawa... Wala akong lakas na loob upang labanan sila... Dahil pati ang mga nasa matataas na posisyon... Wala ni isang kilos silang ginawa kundi magbulag bulagan sa mga nangyayari sa bansang ito...

Wala na... Wala na ang dating saya... Wala na ang dating excitement na nadarama... Wala na ang mga taong may ngiti na nakapinta sa mukha... Wala na... Wala narin ang aking kapatid na dati ay saakin nagpapasaya...

Please bring me back in 2012 where Christmas is so damn exciting... Pleasee

~BitterAtLove

COMPILATION OF MY SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon