who indeed got the top rank

119 1 0
                                    

              Sinadya ni Chanel na magpa-iwan muna sa kanilang paaralan. Gusto niya kasing makita ang result ng test nila nang mag-isa lang. Nakatayo siya sa harap ng bulletin board nila.

             Napangiti siya nang makita niya kung sino ang nakakuha ng rank number one. Masaya siya sa naging resulta ng test nila. She knew she did her best and she was proud of herself. While still staring at the bulletin board, she reminisced her achievements as well as his failures. Magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman niya. Napayuko siya para punasan ang luha niya. Umiiyak na pala siya nang di niya namamalayan.

             Nabigla siya nang may kamay na pumatong sa kanyang ulo.

             “Ok lang yan.”                                                                

             “A-aki?”

             Nilingon niya ito. And she was greeted by the most handsome face with the most beautiful smile from him. Tinanggal niya ang kamay nito. Pero muli lang nitong ipinatong sa kanyang ulo.

             “Hi!” nakangiting bati nito habang ginugulo ang kanyang buhok. “Bakit hindi ka pa umuuwi?”

             “Ikaw? Bakit nandito ka pa?” tanong niya rito. Ilalayo na sana niya ang ulo niya pero maagap na naakbayan na siya nito. Parang natural na lang dito na akbayan siya. They were so close to each other. She can smell his scent. Mabango na nakakaadik ang amoy nito. Gusto niyang lingunin ito para makita ang ekspresyon ng mukha nito baka sakaling mabasa niya kung anong iniisip nito. Pero natatakot siya kasi pag nilingon niya ito baka mahalikan na niya ang pisngi nito sa sobrang dikit nila.

             “A-aki,” nanginginig ang bose na tawag niya rito.       

             “Hmmm.” Tiningnan siya nito sa mata nang hindi tinatanggal ang pagkakaakbay nito sa kanya.

             Mabilis na ibinaling niya sa ibang direksyon ang ulo niya. Marahan na itinulak niya ito. Pero mas lalo lang hinigpitan ang pagkakaakbay. Hindi pa ito nakontento. Ipinulipot nito ang braso sa kanyang leeg. It seems like his hugging her from the back.

             “Aki!”

             “I like that. You calling me by my nickname.” Ramdam na ramdam niya ang hininga nito sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito. “Sabay na nating tingnan ang result.”

             Napatingala ito sa bulletin board.

             “Gaya pa rin ng dati,” aniya.

             “Kaya ka ba umiiyak kanina?”

             Hindi niya ito sinagot.

             “Ok lang yon. Number one ka naman sa kin.”

Love knows no distanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon