getting closer

167 2 0
                                    

             Bumalik na ulit yong dating buhay nina Chanel at Akihiro pagbalik nila sa kanilang paaralan. Yong hindi sila nagkikibuan. Yong wala silang pakialam sa isa’t isa. Yong ang mahalaga lang kay Chanel ay ang maging rank number one ulit. At si Aki, balik sa pagiging Mr. Cool slash Mr. Heartthrob slash Mr. Perfect ng campus.

             Lumipas na ang lahat ng events sa school. Buwan ng Wika. School Fest. Intramurals. Teacher’s Day. Pero ni minsan hindi na ulit sila nagkaroon ng pagkakataong magkakwentuhan. Minsan nagkakasalubong sila, tatanguan lang siya ni Aki. Minsan pa pareho sila ng grupo sa isang class activity puro naman sa activity na yon ang bukambibig nila.

             Malapit na naman ang test nila kaya palaging sa library na naman ang tambayan niya. Pero sa araw na ito gusto niyang maghanap ng bagong matatambayan. Paano naman kasi mula sa kaniyang kinuupuan kitang-kita niya si Aki na nakikipagharutan sa mga kapwa niya estudyante. Well, she was not jealous or something but she just hated their loud voices. Besides, they were in the library.

             “Aki may tanong ako. Ano ang dapat naming gawin para i-date mo ang isa sa min?” narinig niyang tanong ng babaeng katabi ni Aki.

             Napatigil siya sa pagbabasa. Pasimpleng itinaas niya ng kunti ang librong binabasa niya para hindi mahalatang nakikinig siya sa mga ito.

             “I’ll date the girl who can beat me from being the rank number one.”

             “Hello? As if naman may makakatalo sa yo. Si Chanel nga hanggang rank number two na lang siya ngayon,” anang isa pang babae.

             “Oo nga. She used to be rank number one bago ka dumating dito sa school namin,” segunda ng isa pang babae.

             At rinig na rinig niya ang lahat ng iyon kaya hindi niya sinasadyang mabitawan ang hawak niyang libro. Makapal iyon kaya nagdulot ng ingay ang pagbagsak nito sa library. Napatingin ang mga estudyante sa kanya maging ang grupo nina Aki.

             Nanginginig ang mga kamay na pinulot niya ang libro at ibinalik iyon sa bookshelf. Dali-dali siyang lumabas ng library.

             Tuluyan na siyang napaiyak nang maupo siya sa isang bakanteng upuan sa likod ng kanilang paaralan. Nagulat siya nang may mag-abot sa kanya ng panyo.

             “I’m sorry.”

             Kilala na niya kung sino iyon kahit hindi pa niya ito nililingon.

             “Alam mo, Aki? Hindi mo naman kailangang magsorry kasi hindi mo naman kasalanan,” aniya habang patuloy pa rin sa pag-iyak.

             Binawi nito ang nakalahad na kamay na may hawak na panyo. Akala niya ay aalis na ito. Nagulat siya nang bigla siya nitong yakapin.

             “Kung sasabihin ko bang hindi ko seseryosohin yong test natin titigil ka na ba sa pag-iyak?”

             Marahan niya itong itinulak at tinitigan sa mata.

             “Seryoso ka ba?”

             Tumango lang ito.

             “Bakit?”

             “Para nga tumigil ka na sa pag-iyak.”

             Napatayo siya.

             “Hindi yan ang gusto kong sagot,” bulyaw niya rito. Nagtangka siyang umalis pero mahigpit na nahawakan na nito ang kamay niya bago pa man siya makalayo rito.

Love knows no distanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon