Wala na akong maalalang masaya
Hindi alam kung paano
Nagsimula aking kwento.
Pero sa lungkot at ligaya,
Lungkot lang ang na-aalala.
Bawat tanong ng "bakit ako,"
Bawat luha tuwing mag-isa ako
Bawat kaibigan na nang-iwan at naiwan ko
Bawat trahedya na tumatatak sa puso ko.
Bakit wala akong maalalang masaya?
Ano nga ba ang naramdaman,
Noong ako'y pinarangalan,
Noong ako'y pinalakpakan,
Noong ako'y kinaiinggitan?
Bakit ang aking naalala
Ay noong ako'y mag-isa?
Gabing-gabi na pinag-aaral pa,
Pinipilit makabisa ang bawat pahina.
Bakit hindi na maalala yung masaya?
Mga panahong kasama sa grupo,
Yung unang beses nakatanggap ng regalo,
Kasama ang mga pinsan, sina lola at si lolo,
Mga kaibigang kasama kong naglalaro.
Nanatili na lang sa isipan,
Yung panahon na ako'y iniwan,
Yung panahong ako'y sinukuan,
Yung panahong ako'y napagtripan.
Bakit nawala na ang saya?
Ngayo'y sarili'y kinamumuhian.
Mundo ko'y pilit na tinatalikuran.
Parang ako lagi ang may kasalanan.
Gusto ko na nga sukuan.
Pero patuloy akong lalaban.
Dahil ang alala'y nakaraan,
At may mahaba pang daan,
Kung saan ang Diyos ang aking Sandigan.
~Ceska