Mahirap maging masaya.
Pero mas mahirap palang maging masaya kung pilit kang inuusig ng tinatawag nilang "konsensiya".
'John Mendoza.'
Alastor Valeriano remembers him all too well. The first victim of his curse. Hindi niya aakalaing sa ganitong sitwasyon pa magtatagpo ang mga landas nila. The shitty thing is, that jerk is the brother of the girl who kept annoying him. The girl he (somehow) finds himself attracted to.
'He suffers from depression, huh?'
Depression isn't uncommon. According to the World Health Organization's 2017 report, every 8 out of 100,000 Filipinos commit suicide because of depression (ages 15 to 29). Sa walong ito, anim ang lalaki samantalang dalawa naman sa kanila ang babae. It goes to show that more males are prone to commit suicide than females.
Sa katunayan, itinatayang may 3,000 tao sa buong mundo ang nagpapakamatay araw-araw, o sa madaling salita, isang tao ang nagpapakamatay kada 40 segundo. Ito mismo ang dahilan kung bakit pilit isinusulong ng ilang mambabatas ang mga mental health laws sa ilang bansa.
Sandaling nanahimik si Alastor.
Kaya pala.
The puzzle pieces are slowly falling into place.
Ang dahilan kung bakit desperada si Sloane na manatili sa Eastwood Paranormal Experts Society. She was burdened with her obligations. Ipinagpapatuloy pa rin ni Sloane ang pagtatrabaho sa The Society dahil kailangan niyang tustusan ang pangangailangan ng pamilya niya. Other than that, Sloane probably finances her brother's medication.
"Fate can really be twisted."
And it all started when Alastor was cursed to steal other people's happiness.
Tinitigan niya ang hawak niyang pulang rosas. Sa lalim ng pag-iisip niya, hindi na napansin ni Alastor ang pagtabi sa kanya ng kaibigan. Gaspard didn't even look at him when he spoke, "Ano ba ang kaligayahan para sa'yo?"
"Iyon ang bagay na wala ako."
Gaspard sighed. He was expecting that answer from him.
"Alastor, lumalala na ang sitwasyon. Dumarami na ang nagkakaranas ng depression nang dahil sa ginawa mo. Take happiness away from a human and he'll be left with an empty vessel.. a vessel that is too fragile; too vulnerable."
An empty vessel.
'Is that what I am?'
Siguro. Siguro nga doon mismo maihahalintulad ni Alastor ang sarili niya. Para kang nawawalan ng ganang mabuhay. Hindi ka malungkot, pero lalong hindi ka naman masaya. Hindi mo alam kung anong nararamdaman mo. Tila ba namamanhid na ang puso mo sa anumang emosyon. Tipong nakatawa at nakangiti ang lahat ng taong nasa paligid mo, pero hindi mo na sila masabayan. Hindi mo na sila maunawaan..
You just feel empty.
"Alam mo kung bakit ko ito ginagawa, Gaspard. Among all people, you should understand---"
"Understand what?" Huminga nang malalim si Gaspard at pinilit pakalmahin ang sarili. "Dude, you're just using 'that' as an excuse to steal all the happiness in the world! May iba pang paraan para kumita ng pera, pero mas pinili mong maging masama. Sa totoo lang, minsan kahit kaibigan kita, hindi na kita maintindihan.."
Kaibigan.
Pagak na natawa si Alastor. "Then just leave me alone. Hindi ako 'yong tipo ng taong magmamakaawang maging kaibigan mo. No one else gives a shit about me, so why should you? Pareho lang kayong pakialamera ni Sloane."

BINABASA MO ANG
✔The Boy Who Stole All the Happiness in the World
Paranormal"If I could just steal all the happiness in the world, my life would be more interesting..."