"Alastor Valeriano, the boy who stole all the happiness in the world."
This is not the first time paranormal expert Sloane Mendoza has encountered "strange" things in her field of work. Naranasan na niyang makipag-usap sa mga bampira at panoorin ang pagsapi ng mga multo sa katawan ng patay...Pero kailanman, hindi niya naranasang matakasan ng binabantayan niyang kriminal.
Napabuntong-hininga ang dalaga at inayos ang salamin sa mata. "Damn you, Alastor! Wala ka talagang puso. Mapapahamak pa ako nang dahil sa'yo eh!" Naiinis niyang bulong. Pero alam niyang huli na ang lahat.
Alastor is gone.
Shit. What is she gonna do now?! Kapag nai-report niya ito kay Magno, paniguradong hindi na nito malalampasin ang kapabayaan niya. Nanghihina siyang naupo sa isang gilid at napabuntong-hininga. Nasayang lang pala ang pagod niya sa kasong ito. Ngayong tinakasan na siya ni Alastor, malinaw pa sa sikat ng araw na mawawalan na ng trabaho ang dalaga.
Lalo nang maghihirap ang pamilya niya. Lalo nang magiging kumplikado ang lahat. And she doubts she'll be able to find another job. Sino ba namang kompanyang kukuha sa isang babaeng ni hindi man lang nakapagtapos ng high school?
Pagak siyang natawa.
"Mahirap pala talagang maging masaya kapag nandito ka na sa sitwasyong ito."
Isang sitwasyong hindi mo kayang takasan...
Kalungkutan.
*
Alastor Valeriano drunk his third cup of coffee that morning. Alak sana ang tutunggain niya nang pigilan siya kanina ni Gaspard. "Gago. Ang aga-aga, maglalasing ka? Dude, just drink coffee. Everything is better with coffee." The stern look on his companion's face shut him up.
O baka naman nawalan na talaga nang ganang makipagbangayan ni Alastor?
Alastor sighed as Gaspard computed his money. Mamayang hapon ay ipapadala na nito sa Tartarus market ang mga sako ng black roses na nakolekta niya sa Eastwood. The other sacks from around the world might take a longer time to get, though. He'll just pay someone to manage it.
"Is it enough?"
Natigil sa pagkakalkula si Gaspard. Huminga siya nang malalim at mapait na ngumiti sa kaibigan. "It'll be enough for now. Pero kung sakaling tumagal ang---"
"Ako nang bahala. I'll just steal every single smile I see. That should be enough."
"Hanggang kailan ka ba magnanakaw ng saya ng iba?"
Natigilan si Alastor. Mahirap sabihin. Mahirap isiping titigil siya sa kaisa-isang abilidad na nagagawa niya nang tama. Whether it's a curse or not---Alastor is good at it.
Stealing happiness.
"Hangga't hindi ko pa kayang maging masaya."
Alastor placed his cup on the counter and started walking away. Ngunit nang maalala niya ang sinabi sa kanya kagabi ni Sloane, natigilan siya. Alastor turned to Gaspard and asked, "Kung sakali mang habambuhay na akong ganito, mag-aalala ka ba sa'kin?"
Kumunot ang noo ng binata. "Of course I would, you bastard. Tsk! Bakit mo nga pala tinatanong?"
Umiling si Alastor. "No reason... Just got a little curious."
With that, Alastor Valeriano walked out of the café. Sandali niyang sinulyapan ang kalangitan. Parang kahapon lang ay napapalamutian pa ang mga ito ng mga kulay pulang rose petals.
Now, the sky looked a little more plain. Tuluyan na ring namatay ang buong Eastwood. Wala nang masisiyahing batang naglalaro sa lansangan, wala nang tumatawa, at lalong walang nagtatangkang ngitian ang isa't isa. Almost everyone had a poker face on. A mask that is similar to Alastor's.
BINABASA MO ANG
✔The Boy Who Stole All the Happiness in the World
Paranormal"If I could just steal all the happiness in the world, my life would be more interesting..."