"Oh my my my, oh my my my
I've waited all my life
Ne jeonbureul hamkkehago sipeo
Oh my my my, oh my my my
Looking for something right
Ije jogeumeun na algesseo~~"Nakataas pa ang mga kamay ko habang sumasabay sa kanta ng BTS. Nakakakilig talaga ang mga boses nila omo!
Napapa head bang pa ako sa beat. Talagang nilakasan ko ang volume dahil ako lang naman ang tao rito sa kwarto. Para na akong baliw na pasayaw-sayaw dito sa kwarto pero wala talaga akong paki.
I want something stronger
Than a moment
Than a moment love
I have waited longer
For a boy with
For a boy with luv~~Ginaya ko pa ang step nila na nakita ko sa music video.
"Hoy Janine! Janine!" I was dancing like crazy and I really love it. Yeah!
"JANINE!"
"AYY! MAMA KA!"
"Bingi ka talaga eh no?" Pasinghal na saad ni kuya at inirapan ko siya. Kill joy amp."Oh ano na naman problema mo at naparito ka sa kwarto ko?" Tanong ko habang nakapamewang.
"Hinaan mo nga 'yang tugtog mo! Nakakahiya sa mga tropa ko. Hindi naman naiintindihan 'yang kinakanta para ka ng alien diyan!" Lumapit ako sa speaker na nasa kwarto ko at hininaan ang volume nito.
"Masaya ka na?!" Nakita ko siyang napailing. Nilibot nito ang paningin sa kwarto ko at biglang nanginig.
"Kaya ayaw kong pumasok sa kwarto mo eh. Punong-puno ng posters at mga pictures ng mga bakla."Tukoy nito sa nakadikit sa wall ng kwarto ko.
"Tsk. Hindi yan mga bakla. Baka ikaw?" Napatiim-bagang naman siya ng marinig yun.
"Ikaw bata ka sumusobra ka na ah! Makakain mo ba yang mga posters mong 'yan? Halos hindi ka na nag re-recess para lang makabili ng mga pictures at albums ng mga baklang 'yan eh. Gusto mo isumbong kita kay Mama?" Sabi nito at pumamewang. Aba't?
"Isumbong mo! Alam naman ito ni Mama! Hindi sya kill joy katulad mo! 'Tsaka hindi baon mo ang ginagasta ko kaya 'wag mo akong pakialaman. Umalis ka na nga rito sa kwarto ko!" Sigaw ko at tinulak-tulak pa sya palabas.
"Anong problema nya sa mga bebe ko? Ang ga-gwapo naman nila ah! Palibhasa hindi gwapo kaya hindi alam ang totoong hitsura ng gwapo." Napailing-iling na lang ako at binalikan ang speaker. Muli kong nilakasan ito at dali-daling ni-lock ang pinto.
Narinig kong kinakatok ni kuya yung pinto ko pero napangiti lang ako. Bahala siya diyan.
Masaya ako sa pag pa-fan girl ko. Hindi man maka-relate ang iba sa mga kanta nila pero I feel so really happy! I like them not because they have looks but because they have talents. They're talents are most attractive than their looks. Pero yes, aaminin ko gwapo sila and mahal ko na sila! Pfft.
------------
Nandito ako ngayon sa sala at nanunood ako ng videos ng BTS sa cellphone ko, habang sinasabayan sila sa pagkanta. Si Kuya naman ay nanunood ng balita pero hindi kami nag papansinan."Ngayon ang balita ay tungkol sa grupo galing South Korea na bibisita sa Manila. Sila ay isa sa pinakasikat na grupo sa Korea. Ang pangalan ng grupong ito ay Bangtan Sonyeondan--" Bigla akong napabalikwas ng marinig ko ang pangalang 'yun.
"T-TOTOO!?" Pa utal-utal kong sigaw. Bigla namang nabitawan ni Kuya ang remote na hawak niya ng at binatukan ako ng mahina.
"Ingay mo!" Pero hindi ko na sya inintindi at lumapit sa TV namin. Gusto kong masigurado kung totoo ba talaga 'yung narinig ko.
"-na mas kilala sa pina ikling salita na BTS. Gaganapin po ito sa MALL OF ASIA ARENA--" Biglang nilipat ni Kuya ang channel kaya kinuha ko yung remote sa kamay niya.
"Ang bastos neto. Kita ng nanunood yung tao eh!" Sigaw ko. Kinaltukan lamang ako nito sa noo at hinayaan akong ilipat ang channel. Disappointed ako ng makita kong commercial na. Napakamot ako sa ulo at binato kay kuya yung remote.
"Aba't! Problema mo?"Sigaw ni Kuya pero binelatan ko lang sya. Padabog akong pumunta sa taas at pumasok sa kwarto ko ng nakatulala.
Pu-punta ang B-BTS sa Manila? P-Punta sila? Si-sigurado? Nakatulala ako habang pino-process sa utak ko ang napanood.
"WAH! I NEED OXYGEN! ACCKK! MY HUSBANDS ARE COMING TO THE PHILIPPINES!" Nagpa gulong-gulong ako sa ibabaw ng kama ko at hindi na maipinta ang mukha ko sa sobrang saya.
"PUPUNTA SILA! PUPUNTA SILA! OMO! KINIKILIG AKO! MY GHAD!" Patalon-talon at pagulong-gulong ako dito ng biglang bumukas ang pinto.
"Anak anyare sayo!? May masakit ba? Bakit ka sumisigaw!? Leo! Leo!" Tiningnan ko si Mama at napatigil sa ginagawa ko. Namumula ang mukha ko dahil sa kilig at saya na nararamdaman ko.
"Ano Ma?" Bagot na tanong ni Kuya. Tiningnan naman ako nito at sumimangot.
"Samahan mo kapatid mong pumunta sa Hospital bilis! Namumula na si Janine oh! May sakit ata ang kapatid mo!" Biglang pumakawala si Kuya ng napakalas na tawa. Pinipigilan ko lang ang tawa ko pero dahil sa ginagawa ni kuya ay napatawa na rin ako.
"E-EH MA! HINDI NAMAN SA HOSPITAL DAPAT DALHIN 'YAN EH!" Sabi ni kuya habang pinupunasan ang kanyang mata dahil sa tears of joy. Nangunot ang noo ni Mama at tiningnan si Kuya.
"SA MENTAL HOSPITAL!" Biglang sabi nito. Binatukan naman sya ng mahina ni Mama dahil dun.
"Ano bang pinagsasasabi mong bata ka?" Tanong ni mama.
"Kinilig lang naman 'yan dahil yung mga bakla nyang idol ay pupunta raw ng Pilipinas!" Napa-peace sign naman ako kay Mama pero nginitian lang ako nito.
"Talaga 'Nak? 'Yung BTS?" Tumango naman ako. Tiningnan ko si Kuya at ngumiwi kaya inirapan ko na lang sya.
"Akala ko pa naman kung ano na eh. O sya babalikan ko lang ang niluluto ko." Sabi ni Mama at umalis na. Tiningnan naman ni Kuya si Mama ng may pagtataka.
"MA! HINDI MO YAN PAGAGALITAN?" Takang tanong nito kay Mama at umiling naman ito.
"Hayaan mong mag enjoy ang kapatid mo Leo. Gusto ko kayong suportahan sa kung ano man ang gusto niyo. Pero sana alam nyo kung hanggang saan ang limit niyo." Sabi ni Mama at umalis na. Napakamot ng batok si Kuya at umalis na kasunod ni Mama.
(Sorry sa typos)
It's just a one shot story.
BINABASA MO ANG
Fangirl
FanfictionShe is a number fun of the famous boy group which is BTS. Will she be noticed by her husbands or will she met someone because of fangirling?