Nakatulala ako habang pino-process pa ang mga nangyari kanina.
"Na-nahawakan ko ang kamay ni J-Jin! Nahawakan ko kamay nya! NAHAWAKAN KO! WAH!" Nagtatatalon kong sigaw nang palabas na kami sa arena.
Kanina habang kumakanta sila sa stage lumapit si Jin sa part kung nasaan ako. He hold my hand and shaked it. I was stunned for what he did.
Ngayon nga hindi pa ako maka get over.
"Hey! Are you okay?" Tanong nung bak--, ay este ng aking fairy hihi. Sya ang dahilan kung bakit ako nakita ng malapitan ang mga husband ko. Nakita ko sila ng malapitan at nahawakan ko pa ang kamay ng isa sa member. Yung bias ko pa! Ipagmamalaki ko talaga sa ibang ARMY na classmate ko.
"THANK YOU TALAGA!" Biglang yakap ko sa kanya dahil na o-overwhelmed ako sa mga nangyari ngayon. Nawala lahat ng galit ko sa kanya dahil sa ginawa nya kanina.
"I just feel guilty for what I've done to you yesterday. I thought you won't be coming today but I was suprised when I saw you kanina." Sabi niya. Napatango naman ako. Well, mabait naman ako kaya papatawarin ko na sya.
"I understand. Tutal bumawi ka naman. So bati na tayo." I smiled at him and he smiled back. I paused for a moment when I saw how manly he is. Ang gwapo niya lalo kapag ngumingiti.
Maya-maya biglang may tumawag sa cellphone niya. I was hugging my hands at inaalala kung gaano ka lambot ng mga kamay ni Jin. But suddenly, may nag pop sa isip ko. HALA! SI BES! Nanlaki ang mga mata ko at nataranta.
"HOY! MAY KASAMA AKO! HALA! BAKA MAWALA YUN! HUY BAKLA-- AY ESTE HOY! YUNG BESTFRIEND KO HUHU!" Nag he-hysterical na ako dahil sa narealize ko at dali-dali nya namang binaba ang phone nya.
"Hey! Hey! Relax!" Hinawakan nya ang mukha ko para patigilin ako sa pag ka alarma ngunit nainis lamang ako sa sinabi nya.
"How can I be relaxed? I don't know where is my bestfriend. Baka magalit yun sakin!" Naiiyak na ako dahil nawawala yung bestfriend ko.
"Shh. Relax. Alam ko kung nasan ang bestfriend mo." Napatingin naman ako sa kanya ng nagtataka.
"A-alam mo? Ki-kinidnap mo sya noh? K-kaya mo ako hinigit para makidnap ang bestfriend ko noh? Sabihin mo sa akin! Nasaan ang bestfriend ko!?" Napapataas na ang boses ko dahil natatakot na ako na baka hindi ko na makita yung bestfriend ko. Nakita ko naman syang ngumisi.
"Kasi ganito yu--" Naputol ang sasabihin niya ng may yumakap sa likod niya.
"KUYA!" Rinig kong sabi nito.
"Oh! Ashley! How is it? Did you enjoy the concert?" Napataas na lang ang kilay ko dahil sa pag-uusap nila. Aalis na sana ako para hanapin ang kaibigan ko ng biglang may dumamba sa akin.
"BES! OH MY GHAD! KINIKILIG PA RIN AKO!" Tili nito. Tinignan ko naman at si Bes nga. Napaiyak naman ako dahil nalaman kong okay sya.
"SHELLY NAMAN! SAAN KA BA GALING!? PINAKABA MO NAMAN AKO EH!" Sigaw ko dito.
"IHHH! IKAW NGA ANG NANG-IIWAN DYAN EH! Buti na lang hinigit ako ni Ashley malapit sa may sainyo. Kung hindi ikaw lang ang nakapunta malapit sa kanila hmp!" Natawa naman yung dalawa sa likod namin. Hinarap ko ito at tiningnan silang nagtataka.
"Plinano nyo ba 'to?" Tanong ko ngunit nag kibit-balikat lamang yung dalawa. Aba't!
"Ikaw yung kasama ng lalaking ito kanina noh?" Tanong ko dun sa babae na may hawak kanina ng light stick at naka lingkis sa lalaking 'to.
"Yes po! Ayaw po sanang sumama nyan pero mabuti na lang napapayag ko. Nice to meet you po!" Sabi nito at nginitian ako.
"Stop calling me lalaki and bakla. I have a name, tsk." Supladong saad nito.
"Eh malay ko ba!? Hindi naman kita kilala." Sagot ko. Tumikhim naman sya at inilahad ang kamay niya.
"Hi, i'm Louie." Nabgulat naman ako dahil sa lalim ng boses niya.
"H-Hi! Sabrina is me." Inabot ko naman ang kamay niya. Matagal niyang bitawan ang mga kamay ko pero hindi ko alam dahil ayaw ko ring bitawan ito. Parang kamay lang ni Jin eh. Ang lambot. Napangiti na lamang ako dahil sa naisip ko.
"AHEM!" Tiningnan ko si Ashley at Shelly na nakadako ang mga mata sa magkasalikop naming mga kamay ni Louie. Napabitaw naman ako dahil sa kahihiyan.
"A-Ah hihi. Nice to meet you!" I smiled awkwardly and looked away.
"It's my turn! Hi Ate! I'm Ashley. I'm an ARMY too. Sorry nga pala sa ginawa ng kuya ko ah! Pinilit ko kasi syang bilhan ako ng light stick eh hehe.Tingin ko magkakasundo tayo Ate!" Nilahad naman nya ang kamay nya at tinanggap ko naman ito.
"Bye Ate Sab at Ate She nice meeting you po. Hope we'll meet again." Sabi niya at bumaba na sa kotse. Kinawayan naman namin ito at ganun din sya samin.
"AY! ATE, WAIT LANG! HINGIN KO PALA NUMBER NINYO HIHI!" Sigaw nito. Bigla nya namang nilabas ang phone niya at binigay kay Shelly. Tinype naman ni She ang number niya at pagkatapos ay oinasa sakin. We bid good byes when we finished giving our numbers to Ashley. She's a cute girl.
Nag offer si Louie na ihatid na niya kami dahil malapit lang naman pala ang bahay namin sa kanila. Mga isang kanto ang pagitan.
Unang bumaba si Ashley dahil mas nauna naming dinaanan ang bahay nila. Their house is big and nice.
Sunod naman si Shelly.
Sobrang awkward ng atmosphere dito sa loob. Buti na lang at malapit na ako sa bahay.
"A-Ahm-"
"Sorry-" Sabay naming sabi. Nandito na kami sa tapat ng bahay pero hindi pa ako bumababa."You go first." Sabi niya. Tumikhim naman ako at nagsalita.
"Ahm salamat Louie sa mga ginawa mo ngayong araw. Don't worry and don't sorry dahil napatawad na kita." Nginitian ko sya dahil sincere naman ako sa sinasabi ko sa kanya.
"Thank you. I hope we can be friends?" Sabi nito at inilahad ang mga kamay niya. Tiningnan ko muna ang kamay niya bago ito tanggapin.
"Sure!" Sabi ko. We shyly smiled to each other. Bumaba na ako sa kotse nya.
"Good night." Sabi ko habang kumakaway.
"Good night! Sweet dreams! Let's meet again if you have time!" Sabi nito at tumango na lamang ako. Bakit ngayon ko lang napansin ang ka gwapuhan nya?
Sinundan ng mga mata ko ang kotse niya at nabigla ako ng bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko.
Luh!? Ano 'to? May sakit na ba ako?
Pumasok na ako sa bahay at parang tulog na ata sina mama dahil 3 am na. Dumiretso na ako sa kwarto ko at dumiretso sa study table ko. Kinuha ko ang calendar at nilagyan ng mark ang araw ngayon.
Sinulatan ko ito, "March 9."
ℳ𝓎 𝓈𝓅ℯ𝒸𝒾𝒶𝓁 𝒹𝒶𝓎!
Napangiti ako at tumayo na para humiga.
Ang gwapo niya hays. Biglang nag pop sa isip ko ang mukha ni Louie. Bumilis ang tibok na naman ang tibok ng puso ko.
"A-anong nangyayari? Bakit ganito? Dapat si Jin ang iniisip ko ngayon. Tama! Si Jin lang ang mahal ko!" Nailing ko na lamang ang ulo ko at napapikit na habang nakangiti pa rin.
BINABASA MO ANG
Fangirl
FanfictionShe is a number fun of the famous boy group which is BTS. Will she be noticed by her husbands or will she met someone because of fangirling?