Not a good day!

1 0 0
                                    

"BES! I'M SO EXCITED!" Patalon-talon kong sabi habang papasok sa loob.

Nandito ako ngayon sa mall kasama ang besty ko para bumili ng lights stick ng BTS dahil sa nalalapit na concert nila. Sigurado na akong makakapunta ako. Kailangan kong pumunta dahil hindi ko kayang palampasin ang chance na makita ang mga asawa ko lalong lalo na si Jin.

Libot kami ng libot sa mall na 'to para hanapin yung light stick nila. Hindi ako papayag na umuwi na lang na walang nabili nun.

Napatigil ako ng may nakita akong store na puro korean things ang nasa loob. Saktong pagkapasok namin ay "Just one day" ng BTS ang nag pi-play. Sinasabayan ko yung kanta at pumasok na.

Napanganga kami ng besty ko ng namamangha sa nakita namin. Light stick ng Black Pink, Astro, Exo, Got7 at iba pa.

May mga posters din at chains galing sa iba't-ibang idol group sa korea.

Parang may imaginary heart na lumabas sa mata ko dahil sa nakikita ko. Mukhang mauubos pera ko nito. Pft!

Kanina pa ako naglilibot dito pero wala akong nakitang light stick ng BTS. Napanguso na lamang ako at lumapit kay Besty.

"Besty! Wala ng light stick huhu." Nangingilid na ang luha ko ng humarap ako sa Bestfriend ko. Nilibot nya naman ang paningin niya at lumapit sa saleslady.

"Miss! Wala na ba kayong light stick ng BTS?" Tanong ni Besty sa saleslady.

"Meron pa po Ma'am kaso isa na lang po ang natira. Dinumog po kasi kami nun ng ibalita na dadating dito ang BTS sa Manila." Bigla naman akong nabuhayan at lumapit sa saleslady. Nag puppy eyes ako sa harap niya.

"A-asan Miss?" Tanong ko sa kanya. Nagulat naman sya sa biglang pag hawak ko sa kamay niya.

"A-Ah Miss nandun ho oh." Turo niya sa isang corner at biglang nanlaki ang mga mata ko ng makita ang tinuro niya. Malawak ang ngiti ko ng makita ko ang isang light stick. Kaya siguro hindi ko makita kanina dahil nasa gilid na ito. Dahan-dahan akong lumapit run at tanging yun na lamang ang nakikita ko.

"Omeged is this real!?" Gusto kong tumalon sa tuwa ng mapalapit ako dito.

Nangnining-ning ang mga mata kong tinitigan ito.

"Yes! Mabuti na lang may isa pa. Oo na! Sige bibilhin ko na. Just stop pestering me." Rinig kong sabi sa likuran ko at nagulat ako ng may kamay na humawak sa light stick na tinitingnan ko kanina.

Natauhan ako at tiningnan ng masama yung may ari ng mga kamay na yun.

"HOY LALAKI! ANONG GAGAWIN MO SA LIGHT STICK KO!? AKIN NA YAN!" Galit na sigaw ko sa lalaki. Nakita kong isinuksok nya sa bulsa ang cell phone na hawak niya kanina. Tiningnan nya naman ako na para bang sinasabi niya na nababaliw na ako.

"ABA! AKIN YAN EH! AKO ANG NAUNA DYAN!" Nakapamewang na ako dahil sa inakto ng lalaki. Pinapainit nito ang dugo ko ah. Pwes mag tutuos kami. Ramdam kong marami ng nakatingin sa amin ngunit wala akong pakia alam.

"Ako ang unang humawak kaya ako ang naka una." Walang emosyong sabi nito sakin.

"EH TANGA KA PALA EH. KITA MONG TINITINGNAN KO NA 'DIBA?" Bigla naman syang napangisi. Talagang sinusubukan talaga ako ah.

"Miss, I'm sorry but I don't have time to fight with you." Sabi nito at pumunta na sa counter para bayadan yung item na yun.

Hindi ako papayag! Akin yun eh! Nag iisa na nga lang!

"BAKLA KA BA!?" Tanong ko at bigla ko namang narinig ang bulong-bulungan ng mga tao.

"Bakla siguro haha" Chismosa 1
"Baka nga. Pero ang gwapo namang baklang yan." Chismosa 2
"Marami ng gwapong bakla ngayon noh." Chismosa 3

Nakita kong napatikom ng kamao yung lalaki at namula ang kanyang tenga. Bigla syang humarap sa akin at malalaking hakbang na lumapit sa akin.

Nang makalapit sya ay dahan-dahan niyang nilalapit ang mukha niya sa mukha ko na ikinagulat ko ng husto. Ilang dangkal na lamang ang pagitan namin kaya ramdam kong nag-iinit na ang mukha ko. Parang biglang tumigil ang pag tibok ng puso ko at namanhid ang mukha ko.

"Gusto mo lang siguro halikan kita eh." Malanding bulong niya sa tenga ko. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang naging sobrang bilis na ng tibok ng puso ko dahil sa sinabi nya.

Natulala ako at hindi nakaimik. Ng matauhan ako ay bigla ko siyang naitulak.

"ANTIPATIKO!" Sigaw ko dito.

"M-Ma'am 'wag po kayong mag-away dito. Marami pong tao eh." Pagsaway samin ng saleslady.

"Saan mo kami gustong mag away Miss hah? Sa labas?" Bigla naman nakarinig ako ng pagtawa ng mahina. Tiningnan ko yung lalaki at ang walangya nagpipigil ng tawa. Pinanlakihan ko siya ng mata dahil dun.

"H-Hindi naman sa ganun Ma'am--"
"SA GANUN YUN!" Napayuko na lamang yung saleslady. Hindi ko gustong lakasan ang boses ko pero nag iinit na ang ulo ko dahil sa baklang 'to.

"I'm sorry Miss but I won't give this to you. Babayaran ko rin 'to huwag kang mag-alala." Nakangising sabi nito at tuluyan ng binayaran sa counter.

"ARGH! BWESIT KA!" Sigaw ko rito at parang nananadya pang kumaway sakin habang nakatalikod at papuntang exit. LIGHT STICK KO HUHUHU!

"Besty! Hoy! Tama na yan! Halika na. Marami ng nanonood oh." Pag-higit sakin ng kaibigan ko.

"BES! Yung light stick ko!"

"Order na lang tayo Bes sa online. Baka meron pa run. Mamaya hahanap ako hah? Tara na." Tumango-tango na lamang ako na parang bata at sumunod sa kanya sa counter para bayaran yung mga items na nabili namin.

Matamlay kong binagsak ang katawan ko sa kama at umiyak.

"BWESIT KANG LALAKI KA! HUWAG KA LANG MAG PAPAKITA SA AKIN AT BABALATAN KITA NG BUHAY! ARGH!" Sa sobrang inis ko kanina ay hindi na ako kumain at nakatulog ng mugto ang mga mata.

(Sorry for the typos)
©️ for the owner of the pic

FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon