Panimula

37 2 2
                                    

<mula sa imahinasyon ng batang YnnaDi>

Panimula

Hanggang kailan mo kayang lumaban?
Hanggang kailan mo titiising masaktan?
Hanggang kailan mo kayang tiisin ang mga masasayang bagay na hanggang sa ala-ala mo nalang?

Kaakibat na ng pag-ibig ang mga pasakit. Kung pinili mong umibig, parang pinili mo na ring masaktan. Kung pinairal mo ang iyong damdamin, kung pinili mong sundin ang iyong puso, dapat handa ka na sa mga bagay na maaari mong pagdaanan. Pinili mong umibig, hinayaan mong mahulog, ibig sabihin handa ka na sa gyerang pinili mong labanan.

    Ang gyera ay walang pinipiling oras at panahon. Kung kailan ito nakatakda, mangyayari't-mangyayari ito, sa ayaw mo man at sa gusto. Kung magtagumpay ka man o masasawi, dapat tanggapin mo ito dahil sa hule, sawi ka man, kailangan mo paring mabuhay at lumaban para sa sarili.

   Sa gyera nasusukat kung hanggang saan mo kayang ipaglaban para manalo, kung hanggang kailan mo pagtitiisan ang isang bagay para maipanalo....

   Love is war, according to jonaxx. Bakit nga ba may mga taong patuloy parin pinipili ang pag-ibig kahit alam nilang posible silang masaktan? bakit kailangan pa nilang magtiis kung wala naman itong kasiguraduhan?? at bakit yung iba tinitiis ang mga pasakit at hinahayaan nalang??

   "Ang mapagtagumpayan ang pag-ibig na kay tagal kong iningatan, hindi ko hahayaang magtapos iyon ng tuluyan.."

Hanggang KailanWhere stories live. Discover now