Kabanata 2
The Hugot of two.
Nakangiti nyang inabot ang kamay ko at tumakbo kami sa dulo ng rooftop at umupo, habang nagtatatanaw sa magandang tanawin...
[End of Flashback]..."At naalala mo ba kung sino yung babaeng umiyak dahil nakalunok ng buto ng lansones??" seryosong tanong ko kay Thena matapos magbalik-tanaw. Tangna! di ko mapigilang matawa!!
^.^° 'hahahaha'
Binatukan naman niya ako. "Bakit nanunukso ka parin?!" kunot-noong tanong nya. Natatawa ko naman siyang tinignan.
"At ano nga pala yun Paul??--ah, sino nga yung mahilig sa mikmik?" hindi alam kunyaring tanong nya.
'E bakit ba pinagtatawanan niya ako pagkumakain ako ng mikmik!?'
-.-° 'masarap kaya 'yun. Mura pa.'
"E ano namang masama dun?" inis kunyaring tanong ko, saka sinipsip yung mikmik na hawak ko.
"Ayan!! mikmik na naman ulit?" natatawang tanong nya, at sumipsip ng mikmik na hawak niya.
'Lalait-lait usto naman din pala.'
"Hoy! yung saranggola mo!! hahaha--paktay na ata!" tumatawang sigaw nya. Mabilis ko namang hinawakan ng mabuti yung tali ng saranggola at pinalipad ng mabuti.
"Di bale, babagsak rin yung sayo. Hehe" nakangising tawa ko.
"Ay ang daya!!!" sigaw niya nang bumagsak yung kanya.
Tumawa naman ako ng sobrang lakas.
Nasa isang bundok kami ngayon. Ito ang madalas--palagi naming tambayan ni Thena mula nung naging magkaibigan kami. Tuwing naboboringan kami sa lectures ay nagdiditch kami at pumupunta dito.
Maganda at sariwa ang hangin dito, madalas kaming nagpapalipad dito ng saranggola at kumakain ng mikmik.Pagsapit naman ng hapon ay babalik kami sa school tas uuwe. Ganyan kami mag-bonding magkaibigan, na ngayon ay...magkasintahan na!
^__^°
**** Matapos ang halos isang oras naming pagpapalipad ng saranggola ay bumalik kami dito sa punong sinisilungan namin saka kami umupo sa telang inilapag namin."Thena." mahinang tawag ko sa kanya. Nilingon naman niya ako. Humiga ako sa telang inilapag namin at ginawa kong unan ang braso ko.
"Oh?" tanong nya at sumipsip ng mikmik.
'kita nyo? kita nyo? adik rin sa mikmik e'
"K-kailan mo ako nagustuhan?" tanong ko. Kabado.
Kita kong huminga siya ng malalim. "Hindi ko rin alam. Basta, bigla ko nalang naramdaman na...ayun" sagot nya.
"Siguro bago lang yang feelings mo para sakin." Nakangiting sagot ko saka ibinaling ang tingin sa puno.
'Ang saya saya ko.'
"Bakit naman?" tanong nya.
"Kase siyempre, dalawang beses akong umamin sayo tas dalawang beses din akong nabasted, edi, hindi mo pa ako gusto nun nung time na yun." paliwanag ko.
"Hindi naman siguro. Pero baka nga. Ang alam ko, takot ako nun at naninibago." sagot nya.
Umupo naman ako at tinignan siya sa mata. "Bago o dati pa man yang nararamdaman mo. Ang importante, mahal mo ako ngayon. Maraming salamat Thena. Hindi mo alam kong gaano ako kasaya ngayon." Nakangiti kong sabi.
Pakiramdam ko wala nang mapaglalagyan ang kasiyahang nandito ngayon sa loob loob ko.
Ngumiti naman siya.
YOU ARE READING
Hanggang Kailan
Teen FictionSusubukin ang katatagan ng pagmamahalan ng dalawang karakter. Kung hanggang kailan nila kayang ipaglaban ang pagmamahalan o kung isusuko ba ito ng tuluyan....