Kabanata 7

2 0 0
                                    

Kabanata 7

Hurtful Truth.

<day 24, sabado. Before their 6 years and two months...>

"Athena!!!" isang sigaw ang aming narinig. Napalingon kami sa gilid namin. Isang babaeng nasa 30+ ang salubong na salubong ang kilay na nakatingin sa amin.

"T-tita Ai..." garalgal agad ang boses ni Thena. Taka akong napatingin sa kanya. Napatingin rin siya sa akin.

Lumapit yung babaeng nasa 30+ galit na galit itong nakatingin kay Thena habang takot naman ang mababakas sa kanya.

"T-tita Ai..I'll---"

"No more explanations. Pag nalaman ito ng mama at papa mo? do you think magugustuhan nila itong katangahan mong ito?? Tama nga ang hinala ko!!? Ang isang mahinhin at almost perfect daughter ng mga Zurnares ay nakikipag-date!!?" sigaw nung babae.

Nahihiyang napatungo naman si Thena. Sasagot sana ako pero pinigilan nya ako.

"Paul, hayaan na muna natin..." humahagulgol niyang sabi.

"Thena, hali ka na sa kotse." Makahulugang ani nung babae nang marealize na nageeskandalo na siya.

Tinignan ako ni Thena. Iyong mukha niya. Napakalungkot.

"Athena you know what I want." Maawtoridad na dugtong nung babae. Bigla nalang tumulo ang luha ni Thena.

"Susunod ako tita." Tumulo ang luha ni Thena. Naglakad at pumasok sa kotse yung tita niya.

Doon ako hinarap ni Thena. Lalo pang dumausdos ang luha niya. At napakasakit sa parte ko nang makita siyang ganun.

"P-paul...." garalgal ang boses niya. Agad ko siyang niyakap. "Dumating na yung araw na kinakatakutan ko..." Humagulgol siya.

"Shhh...hindi ka nag-iisa. Sasamahan kita." Ani ko. Pero umiling-iling lang siya.

"No...no" umiiling na aniya. Kumalas naman ako sa pagkakayakap ko sa kanya. Saka pinahiran ang pisngi niya. "Hindi mo ako naiintindihan.."

"Athena, sabay tayong lalaban...kung tututol sila, papatunayan natin that they're wrong. Na karapat-dapat tayo para sa isa't-isa.." Umiling-iling ulit siya. "B-bakit ba ganyan ka darling??, b-bakit p-parang a-ayaw mong lumaban tayo?" Sumikip yung dibdib ko.

"P-paul.." tuluyan ng nagdausdusan ang masasagana niyang luha.

Bakit pakiramdam ko may mali? Bakit pakiramdam ko...m-mawawala siya sakin??

"T-thena..hindi ka naman mawawala sakin diba?? kaya wag kang umiyak. P-please.." ramdam ko ang paninikip ng aking dibdib na kanina ko pa tinitiis.

"P-paul.. I lost my parents for almost 3 years and I thought....n-nakalimutan k-ko na kung gano ako nangulila sa kanila.." sandali naman akong nabigla.

She losts her parents?? pareho pala kami...pero sino yung naghahatid-sundo sa kanya? tinatawag niya itong daddy.

"Iniwan kami ni mommy nung five years old ako. Nagtrabaho siya as DH pero tutol si dad. Ayaw magpapigil ni mom, tumuloy parin siya....then parang tumigil ang mundo ni dad nun. Lumayo rin si dad at tuluyan akong nag-isa.." ayun parin yung mga luhang tumutulo. May mga taong napapatingin samin pero madalas na dumadaan ay walang pakialam sa paligid nila.

"Nung nagkabalikan sila. I was the most happiest person in the whole universe. And then I made a promise to my self. Hindi ko na hahayaang magkakahiwalay sila ulit." pagpapatuloy niya. "And one day napansin ko. Madalas silang nagtatalo dahil sa akin. Palaging gusto ni mama na siya ang masusunod sa mga bagay na may kinalaman sa akin, at kapag tutol si dad, mauuwi lamang sa away. At natatakot akong dadating sa puntong mangyayari na naman ulit ang nangyari nung maghiwalay sila..."

Hanggang KailanWhere stories live. Discover now