Suitor nga ba?

66 5 1
                                    

YVETTE's PIC ON THE RIGHT :) Gandaaaaaaaaa! <3

SYMON's POV

Kakabigay ko lang kay Yvette ng Carnation flowers. Wala na kaseng ibang flowers pa sa shop na malalanta. Hiningi ko lang yun kay Mommy e. :)

Pumasok na ko sa first subject ko. Sakto at wala pa yung prof. namen. Haaay.

(Balik muna kay Yvette haaa? Hahahahahaha.)

YVETTE's POV

Sumigaw ako kay Symon ng "Thankyou" narinig nya naman at itinaas nya lang ang kanyang kamay. Ang ibig sabihin ay OKEY.

Pumasok na ko sa room ko.

"Uy, sino yun? Suitor mo?" Malisyosong tanong ni Karla saken. Seatmate ko.

"Ito naman oh." angal ko.

"Bakit hindi mo masagot kung oo o hindi? Uy, mukhang graduating na sya ah?"

"Third year lang po."

"Pero suitor mo nga?!" Pangungulit ni Karla.

"Hindi po. Kaybigan ko lang yun."

Sa mga bulaklak agad tumingin si Karla.

"Eh ano yan?! Binigyan ka nya ng flowers oh!"

"Wala to." At umupo na ko sa upuan ko.

"Nahiya ka pa!" At umupo narin sa tabi ko.

Inilagay ko nga sa vase na may water ang Carnation, at medyo nabuhay sya, pero two days lang, tuluyan na itong nalanta. Oo nga pala, mas matagal sya kung nasa flower cooler sya nakalagay. Okey lang. Itinabi ko na ang dried petals nya na maayos pa, inipit ko sa mga collection books ko.

Kumalat na sa mga kaklase ko na suitor ko si Symon. Kahit nga ang bestfriend ko na si Cham ay sinasabi na sakin na kami na ni Symon.

"Why deny pa kase Bez? Amin na!" sabi ni Cham.

"Bez, hindi talaga nanliligaw si Symon. Kaibigan ko sya." Sinasabi ko lang ang totoo.

"Okey sige, ayaw mo muna umamin as of now, ok lang. Isa lang ang masasabi ko. Boto ako sakanya." Kilig na sabi ni Cham.

At nag-worry ako kasi baka makarating kay Symon, nakakahiya..... na nangyari nga. Nakarating sa kanya at kinausap ko nga.

"Pasensya ka na sa mga kaklase ko ah. Masyadong ma- Startalk at Showbiz Central e." sabi ko kay Symon, nahihiya ako.

Natawa si Symon. "Para yun lang?"

"Hindi ka nagagalit?" nagtataka ko. Kase pag ganyan minsan naiinis sya.

"Ano ka ba? Huwag ka ngang mag drama!" Lalong natawa si Symon.

Hay salamat, akala ko mawawalan na ako ng kaibigan.

"Pero bibigyan mo parin akong flowers?"

"Oo. Kung hihingi ka, kung hindi edi hindi na!"

"Of course, hihingi parin ako!" Mabilis kong sabi.

Hay salamat, may magbibigay parin ng flowers sa akin.

"Huwag mo ngang papatulan ang tsismis, alam mo naman na hindi totoo e. At saka kung halimbawang totoo, ano bang paki-alam nila? Wala naman akong girlfriend at wala ka namang boyfriend. Pero nagkataong hindi totoo, kaya sorry sila."

Nagkatawanan kame ni Symon sa sinabi nya at nag-high five kame. Tama naman sya, pakialam ba nila kung suitor ko sya? At kahit hindi totoo, atleast kaibigan ko si Symon. Atleast may kaibigan akong gwapo.

-----------------------------------

Thankyou po talaga sa nagbabasa kahit konti.

Pa- VOTE and COMMENT po for any suggestions. Thanks. :)

<3 SweetLittleLiar

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 20, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THREE Red Rosebuds &lt;3 (ON-HOLD)Where stories live. Discover now