CARNATION FLOWERS :)

87 7 2
                                    

YVETTE's POV

Alam kong may flower shop sina Symon. Yun ang business ng mga magulang nya. Oo nga pala, si Symon ay school mate ko. Senior year na sya sa college (Third Year), ako naman freshman. Pero naging classmate ko rin si Symon nung Grade 5 at 6 sa isang private school. Hindi kami close noon pero this time na college na kami pareho, kahit hindi magkaklase sa isang subject man lang ay medyo naging close kami. Pareho parin kase ang interest namin--- SPORTS. Pareho kaming mahilig maglaro ng badminton. Mahilig rin sya maglaro ng basketball, ako naman volleyball. Nagkakasundo din kame sa PingPong at Chess.

Akala tuloy ng classmates nya at classmate ko ay mag-on kame. Hindi naman kase pwedeng mapagkamalang bading si Symon dahil gwapong-gwapo ito. Pero may magpaka-suplado ang mukha nya, pero opposite yun ng tunay niyang personlaity. Mabait si Symon, Friendly, Matalino, at Hindi Madamot. Yup, hindi madamot!

Kasi mahilig ako sa flowers. Lagi ko syang kinakantsawan na magdala naman sya ng flowers sa school, kahit dry na.

"Sige na, i-di-display ko lang sa side table ng bedroom ko. Ilalagay ko parin sa vase na may water." sabi ko kay Symon.

"S-sige, magdadala ako ng flowers, pero... yung mga medyo dry na, kasi syempre, hindi naman ako pwedeng magdala ng mga fresh pa." ang sabi nya.

"Okey lang." masaya kong sabi. ^__________^

Para sa akin, isa na si Symon sa listahan ng male friends ko. Isa na sya sa mga taong iimbitahan ko kapag birthday ko at isa na sya sa mga taong kapag birthday ay hinding-hindi ko kakalimutang i-greet agad early in the morning pa lang. Happy ako na isiping susunod si Symon sa gusto ko.

Kinabukasan, sa school, sa labas ng pintuan ng room ko ay nakita kong pasilip-silip si Symon.

"Hoy, kararating ko lang!" sigaw ko sa kanya.

Lumingon sa likod ko si Symon.

"Hay salamat andyan ka na. Andito na flowers mo. CARNATION."

Wala naman akong nakitang flowers na dala ni Symon.

"Andito sa loob ng bag ko." sabay bukas nya ng sling bag nya.

Inilabas nya ang lukot na dyaryo na pahaba ang korte.

"Oh, ito na bulaklak, ibinalot ko kase nalalagas na ang petals nya e."

"Ngiiii" sabi ko habang kinukuha ang dyaryo. Binuksan ko agad at nakita ko ang CARNATION FLOWERS, hindi pa naman gaanong dry pero may mga maliliit na petals na nga na nalalagas. Ang haba ng tangkay.

"Sige, Yvette ha. First subject ko na e." At mabilis na naglakad papuntang stairs si Symon.

 SYMON's PIC ON THE RIGHT SIDE >:)

 --------------------------------------

Thank you po sa nagbabasa.

CUT po muna aah? :D

Pa- VOTE and COMMENT po. THANKYOU!

Sana po kahit konti may mag vote and comment. Para po maganahan akong mag sulat.

<3 SweetLittleLiar

THREE Red Rosebuds &lt;3 (ON-HOLD)Where stories live. Discover now