I'm Allergic to Humans

1.1K 97 16
                                    

My name is Cornelius Alonzo, and I've been cursed since I was born. You see, I have this bizzare allergy none of the best doctors in town can explain.

I'm allergic to humans. Literally.

"Remember, do NOT touch anyone. Understood?"

Tumango na lang ako dahil wala naman na akong magagawa. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o madidismaya sa setup na 'to. 'But at least you can go to school,' paalala ulit sa'kin ng isang bahagi ng aking utak. Huminga ako nang malalim at inayos ang jacket, gloves, at face mask ko.

"Tara na, pa. Baka ma-late ka pa sa klase mo."

Sinipat ni papa ang suot ko. He made sure only a minimal portion of my skin was exposed. Nang makasigurado na siyang "ligtas" na akong lumabas sa totoong mundo, he glared at me and gave a final warning, "Cornelius, ngayon lang kita papayagang lumabas. Ngayon lang kita papayagang pumasok sa ECU..."

"Alam ko po."

"You are NOT to touch or make contact with anyone. Masyadong maraming tao, at pwede kang---!"

"Pwede akong mamatay. Alam ko po. What's new? I die everyday of boredom in that cage we call a house, anyway."

I don't want to sound rude, but what else are you gonna say after being locked up for 19 years? Malapit na akong masiraan ng bait doon sa kwarto ko. Palagi na rin akong nakakarinig ng mga kakaibang ingay sa gabi na nagiging sanhi para mawalan ako ng maayos na tulog. Baka nga totoo ang mga sabi-sabi na "haunted" raw ang bahay namin. I don't really give it much thought.

"Cornelius..."

Matagal akong tinitigan ng tatay ko na para bang 'di makapag-desisyon kung ihahagis ako pabalik sa kulungan na 'yon o hahayaan na lang ako. Yes, in my vocabulary, our "home" is synonymous to a "cage". Kung tama ang nabasa ko, doon ikinukulong ang mga hayop o mga kriminal sa lipunan. Alin kaya ako sa dalawa?

I guess I will never understand the real world.

Napabuntong-hininga na lang si papa. "Just this once, I'll let you out. Pero wala kang hahawakan na kahit sino, naiintindihan mo?"

I grinned and restrained myself from hugging him. Baka mapaaga pa ang burol ko. "Salamat, pa!"

"I still don't know why you suddenly wanted to visit Eastwood Central University. Bukod sa pagliliwaliw, may 'iba' ka pa bang rason kaya mo 'to hiniling sa'kin?" Pinaningkitan niya pa ako ng mga mata. Shit. Totoo kaya ang tinatawag nilang "parent's instinct"?

Patay.

Kinakabahan akong tumawa, "A-At ano naman ang magiging dahilan ko? Hahaha! Pa, gusto ko lang lumabas. Masama ba 'yon?"

"Oo," pero tipid siyang ngumiti at lumabas na ng sasakyan. Mabilis akong sumunod sa kanya at pinagmasdan ang mga estudyanteng dumadaan. Maingat kong iniwas ang sarili ko sa kanila. Delikado na't baka mamatay ako nang 'di ko pa siya nakikita.

'Why must you be such a shitty hopeless romantic, Cornelius?! Tsk!'

Napahinto ako sa paglalakad nang makalagpas na kami ng malalaking gates ng prestihiyosong unibersidad. Bumungad sa'kin ang tanawing nakikita ko lang dati sa mga magazine sa bahay. I almost shielded myself against the array of vibrant colors flooding my vision. Ang campus ng Eastwood Central University ay binubuo ng iba't ibang mga gusaling iba-iba ang disenyo.

The College of Arts had a mural painting on one side while a giant paintbrush statue was planted on the ground at the entrance. The College of Engineering's windows were designed as giant bolts and T-squares, while the College of Natural Sciences had a mini-nature park inside. 'Damn, this is amazing!' Gustuhin ko mang isa-isahin ang mga kolehiyong nakikita ko, I'm afraid I'm late.

✔I'm Allergic to HumansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon