A&A (Ang Akward)

130 2 0
                                    


"I miss you and i need you that's All"




































"Ate K, Ok ka lang?" Napabalikwas si Karylle sa kanyang higaan nang maramdaman ang malambot na kamay na yumuyuga sa balikat niya saka na niya napagtantong NANAGINIP LANG PALA SIYA .

"uhm.oo Coleen"Napabuntong hininga si Karylle at naupo sa sulok nang kama niya.Patuloy parin siyang napapaisip tungkol sa kaniyang panaginip .

AKALA niya ok na ulit ang lahat

AKALA niya masaya na sila ulit

AKALA niya tapos na ang pasakit

pero yun nga, AKALA lang. masakit mang tanggapin pero yun ang totoo.Panaginip lang yun .Bagaman umaasa parin si Karylle na mangyayari yun sa totoong buhay.

"ah.. parang umiiyak ka kasi.. Ikaw na gumamit nang Cr ate, tapos na ko" Sambit ni Coleen na naupo na din sa harap nang malaking salamin saka kinuha ang blower at pinapatuyo ang kaniyang buhok .

papungas pungas na  pumunta si Karylle sa banyo upang maligo dahil mamaya na magsisimula ang first show nila.

-

Karylle's POV

akala ko yun na yun, Akala ko wala na ang sakit. Mahirap tanggapin pero kailangan.Panaginip lang yun K. Masakit siyempre, Sana di nalang ako nagising kasi mas ok ang lahat dun sa panaginip ko pero eto.Kailangan kong magising sa realidad. Eto yun K.Hindi pa kayo ok...Hindi PA kayo ok.

Makalipas ang ilang minutong pagligo ay inayos ko na rin ang aking sarili.

saka sabay na kaming lumabas ni  Coleen nang Room namin at bumaba kung saan naroroon nakahanda ang mga pagkain dahil nilibre kami ni Direk bago pa man magsimula ang show dapat  busog ang lahat.

"Hi K!" Bati ni Jhong sa akin , nginitian ko lang siya . umupo na ako doon sa pangalawa mula sa pinakadulo na upuan . Napansin ko naman ang upuan sa tabi ko saka napagtanto na iisang upuan nalang ang natira at Si Vice nalang ang wala pa.

Magkatabi kami?

"Tawagin niyo na si Vice at nagugutom na kami!"Nagmamadaling sambit ni Jugs at tila atat na atat nang matikman ang mga pagkain.

"Eto na ko, Di na kailanga-" Napahinto siya . Siguro napansin niya yung upuan. napayuko lang ako naramdaman ko nang umupo siya sa tabi ko

"tsibugan na!!" sambit ni jugs at naunang kumuha nang pagkain kaya't natawa nalang kami .

Tatayo na sana ako at akmang kukuha nang sabaw na nasa harap namin ni Vice subalit nasabay kami.Nagtama ang aming mga kamay  kaya't mabilis niya itong kinuha . Bumilis bigla ang tibok nang puso ko . Pakiramdam ko isang napalakas na boltahe nang kuryente ang nagmula sa mga kamay niya na dumaloy sa buong katawan ko .

"You first"  simpleng usal niya at wala pang ka emo emosyon


Matapos naming kumain derecho na kami sa Venue kung saan gaganapin ang Show. na di naman kalayuan kung saan ang hotel na aming tinutuluyan.


-


JR'S POV

Tapos na kong mag impake nang mga gamit ko papuntang baguio kaya't napahiga na ko sa kama at binuksan yung phone ko saka pinindot ang GroupChat naming magkakaibigan.

Kakay: Everything settled guys?

Julia: Yeah emdone !

Nadine: Me too

The renewal of VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon