"Pangako yan ha? " Isang malambing na ngiti ang tinugon nya sa akin
"Oo naman manok, bibili pa tayo ng bahay noh? " Natatawa nyang sabi
"Parang tanga manok na naman tawag saken ba" Nakaka asar eh! Kung di ko lang toh kababata natulak ko na toh.
"Eh mukha ka namang manok eh! Tignan mo nga hairstyle mo parang palong ng manok HAHAHAHAHA"
"Tanga ikaw nga pula ung pangalan eh" Pambawi ko sa kanya na bigla nyang ikinasimangot
"At least ako Crimson, shade ng pula saka maganda eh ikaw? Ruman ampotchi parang alak na ewan" Sabay belat
Aba gaga 'to ah
"Ewan ko sayo" Sumimangot ako sa kanya.
"Hay nako. Sige na uuwi na ko,pangako yan ha? Pulang Manok pa din ha? " Sambit nya habang naglalakad pa layo
"Oh bat ka aalis? Eh di pa naman madilim ah? " Pagtataka kong tanong sa kanya na tanging ngiti lang ang binalik
"Paalam manok! " Bahagya s'yang tumawa saka tumakbo paalis
"H-hoi! Teka lang! Red! Tash Crimson hoi! Tash! " at wala na
Parang bula.
Bigla akong napa bangon at napahilamos ng mukha. Panaginip na naman.
Panaginip.
Paulit-ulit na panaginip
Bakit ikaw pa?
Ikaw pa talaga ang umalis Red?
YOU ARE READING
Remember Me
RomanceTwo best friends Two people Same direction Same feelings But why let go?