"Hays" buntong hininga o ko habang nagtitimpla ng kape sa pantry.
"Ano na namang kinasisimang mo d'yan Ruman? " Napabalikwas ako at muntik ng mapaso nang marinig ko ang boses ni Natalia
"Natalia naman parang tanga eh, 'kitang nagtitimpla ako dito eh. May balak ka bang pasuin ako ha? Saka anong simang? " Hirit ko sa kanya. Paano ba naman umagang umaga tapos eto yung una mong makakasalamuha.
"Simang, simangot. Bobo ka talaga" Sabay inirapan ako. Pasalamat 'toh babae sya saka mawawalan ako ng trabaho pag pinatulan ko 'tong babae na toh.
"Ano yon? Papatulan mo 'ko?" Biglang nagsalita si babae.
"Ha? Ah eh wala wala makalayas na nga tse!" Saka dahan-dahan kong binuhat ang kape ko papunta sa desk ko.
"Oy tama na yan pang lima mo na 'yan ah? " anak ng tokwa talaga tong mga 'to. Gusto ko lang magtrabaho ng matino at umuwi, bakit kailangang makasalamuha ako lagi ng mga pirana?
"Putek normal ka pa ba? Paki usap lang Ruman itigil mo na 'yan "
"Alam nyo, bwisit kayo, nagtratrabaho ako ng matino dito tapos mang aano eh" Saka ko sila pinabayaan at nagpatuloy sa pag trabaho
"Tanga, sa tingin mo ba nakakapag trabaho ka ng maayos? Ruman Torres wag mo nga kaming niloloko, si Tash na naman ang nasa isip mo kaya ka nakakalimang kape ngayon" Alalang sagot ni renzo sa akin
"Bro, ilang taon na ang nakalipas... " Dagdag ni Lawrence. Nanatili akong tahimik at nag balik sa gawain habang sila ay umalis na rin.
MADILIM na ang paligid nang makababa ako sa building namin, paano ba naman, yung boss namin nag bigay ng biglaang project na kailangang ma discuss agad-agad.
Pasipol sipol lang ako habang naglalakad nang may makita akong matandang ale na nanglilimos. 'Di naman ako nagdalawang isip at nagbigay ng pera sa kanya.
"Salamat iho ha? " Isang malambing na ngiti ang binigay nya sa akin.
"Nako wala po 'yon nay, ang importante bibili kayo ng pagkain ha?" Nginitian ko rin s'ya at saka naglakad paalis.
"Iho! " Habol na tawag ni lola
"Ano po 'yon la?" Lumingon ako sa kanyang muli.
"Ang mga mata mo, tila may hinahanap ka ata? Isang taong 'di mo kayang iwanan. " Sambit nya. Wow. Sa edad nyang yan ay parang ang linaw ng mata nya saka paano nya alam 'yon?
"Matagal tagal ko na po syang di nakikita la, iniwan n'ya 'ko" Sagot ko sa malumanay na boses.
"Ang pagmamahal natin ay hindi lang sa pagsabi ng mga mabubulaklak na salita." Tinuro n'ya ang puso ko.
"Itabi mo s'ya d'yan, hinding hindi mo s'ya makakalimutan. Anak" Sambit n'ya na ikinagulo ng isip ko.
Sa pagpatuloy ko sa paglalakad, tila nawala na naman ang isip ko dahil ang tangi ko lang naaalala ay yung mga panahon na kasama ko si Tash.
"Hi pwede ba 'kong tumabi sayo?" Tanong ko sa batang babae na naka pigtail at may maraming bracelet. Nasa limang taon pa lang kami non at magkaklase sa kinder.
YOU ARE READING
Remember Me
RomanceTwo best friends Two people Same direction Same feelings But why let go?