Pagbukas ko ng pinto sa kwarto ko dumiretso ako sa banyo at kinuha ang isang bote.
Sleeping pills.
Agad akong naghanap ng tubig at nilunok ang tatlong pirasong pills.
Antok asan ka na?
Humiga ako sa kama ko at pumikot, inaasahan na may antok na dadapo sa akin.
Makalipas ang ilang minuto, tila walang epekto ang 3 sleeping pills na nilagok ko.
"Bwisit" napasabi ko na lang dahil mag tatatlong araw na akong di nakakatulog kapag di pa ako madadalaw ng antok ngayon. Sinubukan ko naman na uminom ng gatas at pinilit pumikit, kaso wala talaga eh.
Dahil sa hayop na antok na ayaw akong dapuan, wala sa sarili akong bumangon muli at lumabas sa condo ko. Maya maya pa ay namalayan ko nalang na naglalakad na ako papunta sa lugar na saulado ko.
Ang bangin na ito.
Hindi ko alam kung nong meron ngunit, lagi-lagi akong dinadala ng mga paa ko dito sa tuwing 'di ako dinadalaw ng antok.
Nang makahanap ako ng magandang puwesto ay agad akong umupo at tumingala sa langit.
Nakikita mo rin ba ang kalangitang nakikita ko ngayon?
Walang mga bituin na makikita ngayon kaya naman kadiliman ang kumakain sa buong kalangitan.
Ikaw yung buwan ko, pero bakit wala ka ngayon sa panahon na madilim ang mundo ko?
Ni ang buwan man lang ay di makita. Ano ba yan nakakabanas, ang dilim tuloy sobra. Hinilig ko na lamang ang ulo ko sa puno at dinama ang malamig na simoy ng hangin.
Madaming taon na ang nakalipas pero kada pumupunta ako dito, sandamukal na alaala ang bibisita sa isip ko.
Sandamukal na katanungan.
Nasaan ka na ba Tash?
Bakit ka ba umalis nang walang paalam?
Bakit?
Mga tanong na bumabagabag sa kin sa tuwimg mag isa ako sa lugar na ito.
'Di ko namalayan na 2:40 am na, halos dalawang oras na ako nanditong tulala, heto ako ngayon, puno pa rin ng katanungan na 'di ko rin naman masasagot.
Sa buong buhay ko 'ni hindi ko man lang maranasan na magtanong sa hangin, puwera lamang ngayon.
At sa buong buhay ko ngayon lang ako naging tila mangmang sa mga katanungan na sumsagi sa akin.
Ako kasi ang tao na kapag may tanong, may sagot agad akong mahahanap. 'Di ko alam kung paano, pero basta basta lang ata binibigay sa akin ang sagot.
Naisipan kong pumunta sa isa pang lugar bago umuwi.
I was raised as man who can solve his own damn question. Pero damn, bakit sa pagkawala mo pa Tash, bakit doon pa ako naging tanga na walang mahanap hanap na sagot?
Biglang naputol ang pag-iisip ko nang mag ring ang telepono.
"hello?" sagot ko sa tumawag.
"hello?" ulit ko sa telepono. Parang tanga sino ba toh?
" Hello R-ruman..." Mahinang sagot ng isang pamilyar na boses
"Tash? tash ikaw ba 'yan?" Biglang nagising ang diwa ko nang marinig ang boses n'ya.
"Ruman... Mahal na mahal kita. Pakawalan mo na ako." Narinig ko ang pag-iyak n'ya sa kabilang linya.
"Bat naman kita papakawalan Tash? Kasalanan ko 'yon eh. Pinangako kong iingatan kita. I promised myself to protect you." Tuloy-uloy ang pag buhos ng luha ko.
Tangina
"Sabihin mo nang napako mo ang pangako mo. Pero Ruman 8 years na. Pakawalan mo na 'ko please. Hindi mo kasalanan- wala kang kasalanan."
"Tash ayaw 'ko- masyadong masakit gawin yon. Sama nalang ako pwede ba?" Napapikit ako sa nangyayari ngayon. At pag mulat ko ...
Andito s'ya. Kaharap ko s'ya. Si Tash.
"Ruman pakawalan mo na ako. 'Wag mo rin ako sundan m-magaling akong magtago, 'di ba? nung bata 'di mo ako makita agad non 'di ba?"
"Kaya 'wag mo na akong susundan ha?" Napapikit muli ako nang maramdaman ko ang paghaplos ng kamya n'ya sa mukha ko.
"Itabi mo nalang ako d'yan sa puso mo, hinding-hindi mo ako makakalimutan." Ngumiti s'ya sa'kin.
"Pakawalan mo ako ha? " Bigla s'yang lumayo sa akin at naglakad palayo.
"Tash! Teka lang . Dito ka nalang please." Sigaw ko sa kanya at lumingon s'ya
"Mahal na mahal kita Ruman Alfuedo Torres." Tinitigan n'ya ako at itinaas ang pinky finger n'ya
"Pulang Manok forever..."
Huminga ako ng malalim. Alam kong eto ang gusto n'ya. Kaya eto na nga.
Itinaas ko ang pinky finger ko. Papakawalan na kita...
"Manok na pula forever..." Pinilit kong ngumiti. Kasabay ng pag iyak ko ay ang pagbuhos ng ulan.
"Mahal na mahal kita Tash Crimson! Malaya ka na!" Sinigaw ko sa kanya at bigla s'yang natawa.
At wala na s'ya...
Lumuhod ako at hinaplos ang isang bato.
In Loving Memory of
Tash Crimson
A blessing to us. A caring and loving daughter, sister and friend
YOU ARE READING
Remember Me
RomanceTwo best friends Two people Same direction Same feelings But why let go?