Luna Aliess
Nagising ako na mabigat ang pakiramdam. Masakit ang ulo ko, para siyang tinusukan ng libo-libong karayom. Pilit kong inaalala kung ano ang nangyari sa akin bago ako makatulog.
Sumakay ako sa carousel. May nakita akong mga imahe o memorya ng isang tao. Nahilo ako at muntik nang matumba. Lumabas kaming tatlo at nag-commute pauwi. Doon yata ako nakatulog habang bumabyahe.
"Ugh. . ." Bumangon ako at pinukpok ang sarili kong ulo. Ang sakit talaga!
Bumukas ang pinto at bahagyang sumilip si Dana. "Okay ka na, Luna?"
"Masakit pa rin ang ulo ko."
"Bumaba ka na. Nakauwi na sina mama at tita." Sinirado niya ang pinto.
Minabuti ko nalang na bumaba kahit masakit pa talaga yung ulo ko. Sana hindi mahalata ni mama, she's the strict kind of parent when it comes to health.
Mabagal akong naglakad patungo sa staircase. Sino ba ang gumawa ng bahay na 'to? Sobrang layo ng hagdan sa kwarto ko, nakakapagod maglakad. Bago ako tuluyang lumapit sa hagdan ay tumigil ako.
I pinched my cheeks to make it reddish. Pinalaki ko ang aking mga mata para hindi halata na nanghihina ito. Sa huli, dinilaan ko ang aking labi para hindi kita ang pagka-crack nito. Nag-ipon ako ng lakas bago bumaba sa hagdan.
I smiled cheerfully while walking down the stairs. Sigurado akong hindi mahahalata ni mama na may masakit sa aking---
"You can't fool me with that, Luna. Bumaba ka na dito at kumain!"
---ugh!
Dali-dali akong bumaba at nagmano sa kanilang lahat. Nung hinawakan ko na ang kamay ni mama ay bigla niya akong pinitik sa noo.
"Aray, ma!"
"'Wag mo kong ma-'aray-aray ma' diyan. Nahilo ka raw sabi ni Zeren! Bakit?"
"Wala lang 'yun, ma. Gutom na ako, kain na ako ha?" Umupo ako katabi si Zeren.
Tumawa ng mahina si papa. "Hayaan mo na 'yan, Olivia. Kaya na niya ang sarili niya."
"Kayang bigyan ang sarili ng sakit?" Inirapan ni mama si papa.
Tahimik nalang akong kumain. Hindi kumikibo ang mga pinsan ko. Palibhasa ayaw madamay at mapagalitan ni mama. Si mama Olivia ang pinakamatanda sa magkakapatid na sina tito David at tito Zed. Since family tradition nila na dito tumira ang buong henerasyon ng pamilya nila sa luma ngunit malaking bahay na 'to, naging extended family kami. Nire-renovate naman ito paminsan-minsan.
"Ano palang nangyari dito nung wala kami, Nalia?"
"Ah, wala naman tita. Naging maayos naman." Sagot ni Nalia.
"Sino ang nagluluto ng kakainin niyo?" Tanong naman ni tita Christnah. Mama nina Klint, Dana, Rose at Colien.
"Ako at si Rose po." Sagot naman ni Cyla.
"Ang taga hatid niyo sa paaralan?" Another question from tito Zed. Papa ni Zeren, Cyla at Nalia.
"Ako, dad. Minsan si Colien." Bored na sagot ni Zeren. Like father, like son. Parehong bored ang mukha ngunit may pagka sopistikado nga lang si tito.
"Sinong nagsabing pwede ka magmaneho, Colien?" Galit na tanong ni tito David.
"A-ah, si Luna po dad." Turo niya sa akin.
Nanlaki ang mata ko nung napatingin ang mga parentals sa akin. Sinamaan ko ng tingin si Colien na umiwas naman ng tingin sa akin at umaktong walang ginawa. Makakatikim ka ng impyerno mamaya, hampaslupa!!
"Luna?" Taas kilay na tinawag ni mama ang pangalan ko. Which is not a good sign to deny anything even if it is worth denying for.
"A-ako po, ma."
"Finish eating and go to your room!"
___
"The heck, the heck, the heck?! ARGH!!!"
"Sorry na ate Luna. Wala na akong palusot eh." Nagmamakaawang sabi ni Colien. Maguhulat sana ako kasi tinawag niya akong ate kaso galit na galit talaga ako ngayon. My rationality is clouded by anger!
"'Wag ka nang magpapakita sa akin, Colien!" Binato ko siya ng unan.
Nandito kaming magpinsan sa kwarto ko. For a family with seven cousins, we each need a big room. At nandito sila ngayon para patahanin ako, hindi dahil sa umiiyak ako kundi sa galit na galit ako na gusto ko nang pumalit sa trabaho ni Mt. Mayon!
"Kung sinabi mo ang totoong dahilan, Colien hindi sana magwawala ang gagang 'yan." Tinignan ko ng masama si Nalia. Ngumiti lang ang gaga. "At 'wag niyong sabihin na umabsent tayo kahapon ha?"
Padabog akong humiga sa kama at tinakpan ng unan ang buong mukha ko. Bahala na sila kung ano ang gagawin nila dito, grounded ako at bawal na akong lumabas kahit saan. Argh!
Naramdaman ko ang paglubog ng isang parte ng kama. A sign that someone sat on it.
"You look like a brat." Inis na inalis ko ang unan na nakatakip sa mukha ko at tinignan ng masama si Zeren.
"Idiot. Grounded ako for months. Months!"
"Tsk."
"Hindi ako pwedeng pumunta kahit saan o kahit man lang sa labas ng bahay! Mabubulok lang ako dito sa kwarto. Hindi nila ako pakakainin ng maayos. Gagawin nila akong criminal na nakulong sa prisyento. Mababaliw ako dito. Ma-depress ako at saka magpapakamatay ako na hindi napakasalan si Keil! AAAHH!!" Tinakpan ko ulit ang mukha ko ng unan at maingay na umiyak.
I heard them sigh. Ano 'yun? Final na talaga na ikukulong ako dito? Walang pagkain, connection sa labas, walang makakausap? W-walang Keil? NOooOoOoo!!
"Luna, your mom was just joking!" Sabay-sabay nilang sigaw sa akin.
Sinilip ko sila. "W-what?"
"Nagbibiro lang si tita na i-grounded ka. Ang tanda mo na kaya. May puti ka nang buhok, remember?" Sabi ni Cyla.
"Nagbibiro lang?" Umupo ako sa kama at tinignan sila. "Nagbibiro?" Ngumiti ako ng malapad. "Nagbibiro lang--- ARAY!"
"Para kang tanga. Paulit-ulit?" Binato ako ni Nalia ng isang can. Saan niya 'yun nakuha?
"Pero di nga? That was just a joke? Where's mom? I need to talk to her." Tumayo ako upang lumabas ng silid.
"Try it. Baka magbago isip nun at hindi ka na talaga palalabasin buong buhay mo." I silently sat back.
"I changed my mind. Labas!" Tinuro ko ang pintuan at sinamaan sila ng tingin. "Labas!" Nagsitayuan naman ang mga bwesit kong pinsan at lumabas na.
"Bye, ate." I smiled back at Klint before Rose closed the door.
Pabagsak akong humiga sa kama. Ang boring dito sa bahay. Nasa trabaho na siguro sina mama. Tumayo ako at tumingin sa salamin. Nandoon pa rin ang puting buhok ko. Pero mas dumami ito. Inisip ko ang mga posibleng dahilan kung bakit ako magkakaroon ng puting buhok ngunit walang lumabas na sagot.
Boring. . .
Tumingin ako sa labas ng bintana. Pagabi na. Kanina pa pala ako nagdadabog dahil sa sinabi ni mama kaninang umaga na grounded raw ako. Tumingin ako doon sa street kung saan makikita ang sementeryo. Natahimik ako at natulala. Hindi ko alam kung ano ang sumanib sa akin. I took my sling bag and went outside.
Natagpuan ako ni Dana na nag susuot ng tsinelas. "Saan ka pupunta?" Tanong niya.
"Sa mall, may bibilhin kami ni Erien. Bye!" Dali-dali akong lumabas bago ako maabutan ni Dana na papunta sa sementeryo.
Alam kong delikado na balikan ko yung taong naka hood pero may nag-udyok sa akin na puntahan siya.
YOU ARE READING
Destined To Death
FantasyLuna is a normal girl, or so she thought, not until she met that strange guy with a hood at a lake in an area full of dead people! She can hear whispers, she can see scenarios and images and she can kill a person. She wants to escape from it but som...