Prolouge

28 6 0
                                    


"Wala siyang kinalaman dito!"

"Kailangan ko siya. Kailangan ko ang kapangyarihan niya."

Kanina pa nagbabangayan ang dalawa. Isang babaeng may mala porcelanang kutis, puti at mahabang buhok at mabait na mukha. At isang lalaking may malaking pangangatawan, maitim na buhok at nakakatakot na mukha.

"Siya ay malaya na sa mga gulo dati. Hindi na dapat siya nadadamay dito!"

"Kelan pa naayos ang gulo? Hanggang ngayon meron pa ring gulo! May natitira pa akong pag-asa para buhayin siya."

"'Wag mo nang isipin na buhayin ang isang taong kailangan nang mamatay. Hindi ka na dapat nangingi-alam sa oras."

Their voices echoed in the hallway. Nandito sila sa palasyo ng mga nakatataas. Mas mataas pa sa ranggo ng mga tao.

"Ikaw. Hindi ba't pinakialaman mo rin siya? You are such a hypocrite. Palagi mo akong hinuhusgahan sa mga ginagawa ko. Palagi mong sinasabi na mali ang ginagawa ko. When in fact, ganoon rin ang ginawa mo noon hanggang ngayon!"

Natigilan ang babae. Naging mabigat ang paghinga niya nang maalala kung ano ang nangyari noon. Kinasusuklaman niya ang pangyayaring iyon. Kahit anong pilit niyang kalimutan 'yun, hinding-hindi na talaga mawawala.

Napaatras siya. "H-hindi ako katulad sayo! Hindi ko hiniling na mabuhay siya. G-gusto kong---"

"Isa kang stupida! Hindi tayo magkatulad ng pakay. Nais kong buhayin ang taong mahal ko, ikaw ay nais na mamatay ang taong kinasusuklaman mo! Magkaiba tayo ng gustong mangyari ngunit pareho ang mga taong gusto nating kunin."

Nanginginig na umiling ang babae. Tears are threatening to fall from her eyes. "H-hindi. . ."

"Sumama ka sa akin. Makakamit natin ang gusto nating mangyari."

Napayuko ang babae at dun na tumulo ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan. Nawawala na siya sa sarili. Umiling-iling siya. Hindi na niya alam ang gagawin. Nadadala na siya ng emosyon.

"Be mad. Makukuha rin kita." Isip ng lalaki. Nakangisi siya.

Hindi namalayan ng babae na ginamit ng lalaki ang galit na nararamdaman ng babae upang guluhin ang utak nito at pilit kontrolin.

"H-hindi. . ." Napaupo siya at sinabunutan ang sarili. "Hindi. . . hindi ako sasama sayo!" Sa sigaw na 'yun ay nasira ang link na ginawa ng lalaki upang makontrol ang babae. Napatayo ang babae na may luha pa ring tumutulo sa mga mata. Pinahid niya ito at tinignan ng masama ang taong nasa harap nito. Natigilan saglit ang lalaki ngunit bumalik rin ito sa pag-ngisi.

"I will never succumb to a demon like you."

Napangisi ng malawak ang lalaki. "Sino ang gustong pumatay?" Unti unting lumapit ito sa babae. "Sino ang gustong makapaghigante?"

Napilitan ang babae na umatras. Nababangga niya ang mga mamahaling dekorasyon sa bawat pag-atras niya. Hanggang sa wala na siyang maaatrasan pa. Isang pader ang humarang sa kanya.

Lumapit ang lalaki sa tenga nito at bumulong.

"The demon here is you."

Destined To DeathWhere stories live. Discover now