PROLOGUE:
Once you see him/her, nothing can save you.
Nag-babasa ka ng isang story sa cellphone mo.
Pero pagka-scroll down mo, may napansin kang kulay pulang sulat.
‘Hide and seek.. Alone?’ binasa mo ng malakas ang sulat na iyon.
Ikaw ay magisa lang na nakatira sa apartment na tinutuluyan mo kung kaya’t nakaramdam ka ng kaunting takot ng iclick mo ito.
Isang nakakatakot na larawan ang nakita mo sa screen ng cellphone mo na naging dahilan ng pagkatayo mo mula sa pagkakahiga. Kahit na natatakot ka, hindi mo alam ang dahilan kung bakit patuloy mong binabasa ang nakasulat sa screen mo.
‘Here are the rules if you want to play. Go on. I dare you. Prepare:
*A stuffed animal that has both arms and legs.
* Rice
* Finger nail clippers
* A knife, shard of glass, or some sharp instrument
* A needle with a long piece of red thread
* A cup of salt water
* and you’ll also need to draw a bath
First, you must give your stuffed animal a name. Let’s say you have a teddy bear and you decide to call him CUDDLES. Next, you cut Cuddles open and remove all his stuffing, replacing it with rice and a few of your finger nail clippings. After the stuffing/rice transfusion, you need to sew him back up. Use the needle and red thread making sure you have thread left over so that you can wrap it tightly around Cuddles body. You know making him look even more sinister that he already looks. St Three AM you take cuddles into the bathroom and draw a bath. You hold Cuddles in both hands and say out loud for the first game, “I’m (say your name) Going to be it” say this 3 times and then, drop Cuddles into the water. Here you’ll want to run around the house turning off all the lights. You’re allowed to turn the TV on, but only if its on a static filled station. Close your eyes and count to ten. When your finished, open your eyes and grab the knife and return to the bathroom say, “I found Cuddles!” and proceed to stub him with the knife.
Congratulations! You won that game!
Note: It is very important that everything you do, make sure you have your glass of salt water in your hiding place.’
Napabuntong hininga ka ng matapos mong basahin ito.
Alas-dose na ng madaling araw at parang may nagtutulak sayo na gawin ang larong ito.
‘Hindi naman siguro masama kung susubukan.’ Sabi mo bago ka tumayo sa higaan mo at inayos ang mga gagamitin.
Magaalas-dos na ng madaling araw ng matapos mong ayusin ang mga dapat mong gamitin.
Pumunta ka sa banyo atsaka inayos ang timba na paglalagyan ng stuffed toy.
Pinatay mo na din ang lahat ng ilaw at iniwang bukas ang TV.
Alas-dos medya na kung kaya’t wala ng palabas na makikita sa telebisyon.
Hinanda mo na din ang isang basong tubig na nilagyan mo ng kaunting asin at hinintay ang pagdating ng alas-tres.
Nang dumating na ang oras na hinhintay mo, pinangalanan mong Lilith ang stuffed toy na napili mo. Si Lilith ay isang asong manika.
Hiniwa mo ang tyan niya atsaka tinanggal ang cotton na nakalagay dito.
Kinuha mo ang kanin na nasa kanan mo atsaka ito ipinalit sa cotton na tinanggal mo mula sa tyan ni Lilith. Nilagyan mo din ito ng kapirasong kuko mo.
Nang matapos mong gawin ito, tinahi mo ang tyan ni Lilith gamit ang pulang sinulid. Pinalibutan mo din siya ng pulang sinulid.
Pumunta ka sa banyo atsaka hinawakan ang magkabilang kamay ni Lilith.
‘For the first game, I’m Neena going to be it.’ Sinabi mo ito ng tatlong beses bago mo ilaglag si Lilith sa timba.
Tumakbo ka paalis sa banyo at nag-tago sa aparador.
Nag-bilang ka hanggang sampu ngunit nasa siyam ka palang ng makarinig ka ng mga yapak ng paa.
Napahinto ka sa pagbibilang dahil sa pinaghalong kaba at takot.
‘Sht sht sht.’ Paulit-ulit mong sinasabi iyan dahil pakiramdam mo’y gumagala sa loob ng bahay mo ang mga yapak na iyon.
Binuksan mo ng kaunti ang pinto ng aparador.
‘AAAHHH!’ nakita mo si Lilith na puro dugo at nakangiti sayo.
Tumakbo ka papunta sa banyo at hinanap si Lilith.
Ngunit pagka punta mo dun, walang stuffed toy na nakalutang sa timba na puno ng tubig.
‘Pleasee. Ayoko na.’ nakaamoy ka din ng mabahong amoy na lalong nagdulot ng matinding takot sayo.
dahan-dahan kang naglakad upang hanapin si Lilith..
Nakita mo siya sa hagdan, nakaramdam ka ng tuwa ng Makita mo siya.
Ngunit ng lalapitan mo na siya, gumalaw ito.
Napaupo ka habang nanginiginig ang mga paa mo. tila ang mga ito’y hindi kayang tumayo.
“I Won..” tumawa si Lilith matapos niyang sabihin iyon.
Palapit siya ng palapit sayo habang ikaw naman ay lumalayo.
Nakaramdam ka ng ginhawa ng mapagtanto mong hawak mo ang kutsilyo.
‘Masaksak lang kita.. Tapos na ito.’ nilapitan mo si Lilith ng walang takot atsaka siya pinagsasaksak.
nakita mong nagkahiwa-hiwalay ang mga parte ng katawan niya at ang kanin na nasa loob ng tyan niya ay nagkalat sa lapag.
Huminga ka ng malalim atsaka binuksan ang lahat ng ilaw.
Niligpit mo na lahat ng ginamit mo atsaka kinuha si Lilith at pumunta sa banyo.
‘I found Lilith!’ sabi mo bago itapon si Lilith sa basurahan sa loob ng banyo.
Lumabas ka na at tumungo sa kwarto mo.
Nakapikit ka na ng makaamoy ka ng mabahong amoy.
Nakapatay ang ilaw sa kwarto mo kung kaya’t wala kang Makita.
Mas lalo kang kinabahan ng makarinig ka ng isang maliit na tawa.
dali-dali mong kinuha ang cellphone mo at inilawan ang paligid.
Ng mapunta sa harap mo ang Cellphone halos mamatay ka ng Makita mo si Lilith na nasa harap mo at ito’y puro dugo.
‘AAAAHHHH!’
Note: It is very important that everything you do, make sure you have your glass of salt water in your hiding place.
**
“Hide and seek Alone? Anon a namang pauso ito?” sabi ni Autumn ng makita niya sa internet ang larong ito.
“Kalokohan. Tsk. Patutunayan ko sa mga to na hindi ito totoo.” Pinatay niya ang computer atsaka sinunod ang instruction na nabasa niya.
****
MY NOTE
O ayan. HAHAHAHA. Okay lang po ba? XDD hindi masyadong nakakatakot no? >< Pero sinubukan ko yan. May narinig akong footstep pero hindi siya nagpakita kasi may kasama ako sa bahay. Nakakatakot pero astig. ^________^ Enjoooy. Next next week nap o yung next chappie. ^__^ thanks for reading play mo yung video sa gif. ^__^ :*
Ate SiEp. HAHAHAHA. Wala lang. Nidedicate ko lang sayo. Okay lang naman diba ateng Dyosa? HAHAHALOL. XDD
~Jhanyster
BINABASA MO ANG
The Game Of Death.. START! (Super On-Hold)
Teen FictionGusto mo bang sumali sakanila? Pero... Kailangan, buhay mo ang nakataya? (Mga Short Horror Stories lang po ito. Enjooy)