Ennie Minnie Minie Moe, Can you play this game or you just go?
Nasa isang convenience store ka kasama ang mga kaibigan mo na sina Autumn, Cole, Abdiel at Brayden. Kasalukuyan mong nilalaro ang fries na kinakain mo ng magsalita si Autumn.
“Guys, alam niyo, may nabasa ako sa internet na game. Something nakakatakot siya e. Sinubukan ko siya and sht. Totoo nga.” Nakatuon lang ang atensyon niyong lahat kay Autumn na bakas sa mga mata nito ang matinding takot.
“Laruin kaya natin?” komento naman ni Brayden matapos niyang humigop ng iniinom niyang kape.
“Err. I think, it’s not a good idea.”
“The hell no!”
Nakita mong tumingin sayo ang iba mo pang kasama.
Sasagot kana sana ngunit biglang nag-salita si Abdiel,
“Guys. May alam akong ibang laro. Pero hindi ko alam kung totoo kaya gusto ko sanang subukan.”
Natuon naman ang pansin ng lahat sakanya. Ngunit ikaw, nananatili lamang ang atensyon mo sa fries na nilalaro mo.
“SIGE!” sabay sabay nilang sabi bago muling hingin ang opinyon mo.
Tumango ka lamang bilang sagot atsaka niyo inumpisahang ayusin ang mga gamit niyo.
Nang makarating kayo sa bahay ni Abdiel, binigay niya sainyo ang isang papel.
“Yan yung rules ng game na sinasabi ko.”
Nakita mong kinuha ni Cole ang papel na inaabot ni Abdiel.
“Ennie Minnie Minie Moe is the title of the game.” Umupo kayo ng paikot sa baba ng kama ni Abdiel atsaka inumpisahan ni Cole ang pag-babasa.
“First, you must find at least 5 or more persons to play this game. And for the location, it is best when you and your co-players are in a cemetery. Then, find the oldest tombstone. Next, gather around the niche to form a circle. Then, to make a decision of who would be the “IT”, use the Ennie Minnie Minie Moe game. Lastly, the “IT” should count one to ten (this is the GO signal for the co-players to run) But Remember, when—“ Nahinto ang pag-babasa ni Cole ng hablutin ni Brayden ang papel na binabasa niya.
“Guys! Let’s go! Laruin na natin yan!” nakita mong nag-aalangan ang mga mukha ng mga kasama mo. At maski ikaw ay hindi mo alam kung g usto mo ba ang larong iyon o hindi.
“Wait, di ko pa tapos basahin. Parang may sentence dun sa baba na dapat tandaan e.” tinignan mo si Cole habang ang mga kamay nito’y nanginginig.
“Okay na yon. Tara na?” Tumayo ka na kasabay ng mga kasama mo.
Pero si Cole, nakita mong nakatingin siya sa papel na binasa niya kanina. Kinakabahan man, hinila mo na si Cole palabas ng kwarto ni Abdiel.
--
“Okay, so ilan tayo?” nakatayo na kayo sa main gate ng cemetery na paglalaruan niyo.
“Sakto, lima tayo. Tara na.” naunang naglakad si Brayden at sumunod naman kayo.
Pakiramdam mo, habang palapit ng palapit kayo sa loob ng sementeryo, para kang hinuhugot pabalik.
Hirap na hirap kang ihakbang ang mga paa mo.
“Yoow! Nahanap ko na yung pinaka matandang puntod!” sigaw ni Abdiel na di kalayuan mula sa kinatatayuan niyo.
Ikaw, si Cole, at si Autumn. Sa tingin mo’y, iisa lang ang mga nararamdaman niyo.
“Girls, tara na.” tumango lamang kayong tatlo kay Brayden atsaka pumunta sa kinaroroonan ni Abdiel.
“Let’s start. Cole, ano yung unang instruction?” panimula ni Brayden habang nakalagay ang mga kamay sa magkabilang bulsa nito.
BINABASA MO ANG
The Game Of Death.. START! (Super On-Hold)
Teen FictionGusto mo bang sumali sakanila? Pero... Kailangan, buhay mo ang nakataya? (Mga Short Horror Stories lang po ito. Enjooy)