Pulang Daigdig

45 1 0
                                    

Salot ng lipunan ang tingin sa kanila ng karamihan,
Maruming trabaho ang kanilang pinagtsatsagaan.
Trabahong dangal, dignidad at sariling katawan ang puhunan,
Hindi gugustuhing pasukin ninu man.

Pero bakit parang naging parte na ng lipunan?
Pikit-matang pinagtatrabahuan,
Katiting na perang mula sa parokyanong pinagsilbihan,
Perang dinungisan ng nag-aalab na pagnanasa sa katawan.

Luhang pilit tinatago sa maskarang nakasanayan,
Maskarang suot sa harap ng mga naghahanap ng libangan
At sa mga taong hindi tanggap ang kanilang kinalalagyan.

Pilit nilalabanan mga husgang nararanasan.
Tao rin naman sila, nasasaktan,
At may damdamin na pilit hinuhubog ng karanasan.
Karanasan na hindi mo maiintindihan,
Kung hindi ikaw mismo ang nandyan.

Pulang DaigdigWhere stories live. Discover now