♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡
Patricia's Point of View
Kanina pa ako nakatunganga at nakatitig sa kawalan. Kanina pa ako nakahiga. Kanina pa ako walang magawa.
Nagkaroon kasi ako ng trangkaso. Kasalanan ko din kasi nalamigan ako kagabi. Alam ko na kasing umaambon, hindi pa ako nagdala ng payong.
Bwiset ayan naulanan ako. Samantalang ang purpose ko lang ay bumili ng instant noodles sa tindahan. Biglang bumagsak si ulan. Napunit pa yung jacket ko, letseng halaman kasi eh. Pakalat-kalat yung sanga.
Nagpasya akong mag-bukas ng facehook. Maglalaro nalang ako ng Criminal Case.
Pero bukod sa paglalaro ng Criminal Case, eh nag aabang din naman ako sa notification ko. At kung may nag-message ba sa akin.
Nageexpect kasi ako ng message kay Kairi. Yung bruhildang iyon. Hindi man lang ako kamustahin.
Naglaro ako ng Criminal Case. Pero mga ilang minuto din ay wala akong nagawa kundi mag logout. Wala na kasi akong energy. Bukas nalang ulit. At wala naman din akong nakuhang notifications.
Forever alone ika nga.
Mga ilang oras pa ulit akong nakatunganga. Pumunta ako sa kusina para uminom ng gamot, pero nalimutan kong wala na palang biogesic.
Kaya naisipan kong lumabas muna at mag lakad-lakad sa park, pagkatapos ay saka ako dadaan sa botika para bumili.. Ayoko din naman humiga lang. Hindi uso sa akin ang mga ganun eh. Kapag may sakit ako nakapaglalaba pa nga ako eh.
Malapit lang yung park sa amin. Ma-araw na din, hindi tulad ng mga nagdaang araw eh maulan. Nagsuot ako ng green na sweater at nag dala ng ipod para may music ako. Angsarap kasing lumabas sa tag-araw. Hapon na din kaya maganda ang sinag ni sun sa labas.
Binuksan ko na yung pinto at lumabas na.
Sa park.
Napansin kong madaming magjojowa ang nagdedate ngayon.
Nagkalat kasi sila sa paligid. Nag dadami na sila. Sadya ba talagang nag poproduce ang mga to?
Isa ba itong matuturing na problema sa ekonomiya ng lipunan. Madami na kasing mga kabataan ang kahit hindi pa nereregla eh may relationship goals na.
Hindi ko nalang pinansin ang aking sariling opinyon.
Dahil masyado nang lumalalim ang aking bawat salita. Ating itigil muna ang pag iisip ng mga hindi kanais-nais na mga bagay.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad.
Napadpad ako sa may pond at umupo sa tabi noon. Nakinig ako sa music habang pinapakiramdaman ang magandang panahon.
YOU ARE READING
NOW PLAYING: Be Your Everything
Teen FictionThis girl? meets the bad guy. . . Simula ng mameet at magkacross and landas nila Chase Mason at Patricia, nagkandabuhol-buhol na at lasug-lasog na ang dating simpleng buhay niya dahil sa malas na babaeng aligid-aligid sa kanya. Para sa kanya aaligi...