Chapter 3

5 0 0
                                    

Cupidas pov

Asan na yun? Huhuhu
Palakad lakad ako ngayon dito sa daan.

Di ko magagawa yung misyon ko kung wala yung pana ko.

Makakalipad sana ako kaso lang di ko magawang maging invisible dahil wala yung pana ko. Paano nato?
Saan ba kasi yun naiwan?

May biglang pumasok sa isip ko. Oo nga baka nandon sa lalaking nag ligtas sa akin. Ang galing ko talaga. Pero saan ko siya hahanapin!??? Pambihira naman to oh .

Habang nag lalakad ako mau biglang humablot sa kwentas ko.

"Hoy!! Ibalik mo yannn!!" Nakipaghabulan narin ako sa kumaha ng gintong kwentas ko.

Naalala ko yung sinabi ni Devora na delikado pala talaga yung mga mortal.  Di man lang ako nag iisip  ang tanga mo talaga cupidaaa!!. Sigaw ko sa isip isip ko habang nakikipag habulan parin.

Nung nahabol ko yung tao ay sabay kaming natumba dalawa kaya nakakuha ako ng pag kakataon na makuha yun. Pag tayo ko at tatakbo sana ulit ngunit nakita ko na may nakapalibot na mga lalaki sa amin. Panibagong problema na naman . bat ang malas koo huhuhu

"Akin na yan Ms. Para hindi ka na masaktan". Sabi nung malaking lalaki.

" bakit ko ibibigay eh sa akin to". Sagot ko pabalik sa kanya.

" Abay tarantado to ha". Lalapitan na sana ako ng mga lalaki ng may dumating na lalaki sa harapan ko. Thank youu Lorddd

"Pabayaan niyo na siya".  Wag kang makialam dito ha kung ayaw mong ma bugbog.

Lalapit sana yung malaking lalaki saan ngunit tinadyakan siya ng prince charming ko wahhh ang sweett.
" yes yan, yan sigi paa ayon sikohin moo" naki cheer ako sa prince charming ko.

Tinignan niya ako  na parang nagagalit look. Di ko naman siya ina ano ha chinecheer ko nga siya eh .

Lumipad sakin yung lalaking binugbog niya kaya na pa tayo ako para umilag ."wahhhh!" Sigaw ko.

At
"Ouchh!!" Nauntog ako dahil sa pag ilag ko ay ang kinauntog ko naman sa poste. Huhuhu napapikit ako sa sakit.

Ilang minuto lang
Pag dilat ko ay wala na yung mga masasamang lalaki na gustong kumuha sa kwentas ko. Pero nasan na yung lalaki?

Pag tayo ko ay nakarinig ako ng mura sa likuran ko. Nauntog ata yung ulo ko sa ibabang parte niya .

"Fuckk!" Si prince charming pala. Dahil sa tuwa ko ay napayakap ako sa kanya. Mangiyak ngiyak ako na parang bata na nag susumbong

"Napakalupit naman ng mundo niyo huhuhu buti nalang dumating ka prince charming"
Pag tingin ko sa kanya ay nakahawak siya sa ibaba niya habang nag pipigil sa galit.

"Sorry he-he-he"
Humakbang ako pa atras upang sana umalis ngunit nag salita siya.

"Saan ka pupunta!?" May halong galit na sabi niya.

"Aalis?" Sabi ko na nakakunot rin

"Sinong may sabi?" Lumapit siya sa kin at kinaladkad patungong kotse niya.

"Teka tekaa ano yan?? Bat mo ako ipapasok diyan? Ipapakain mo ba ako sa bagay na yan? Wahhh wag po kuyaaa huhuhu kaya lang naman ako napunta sa sitwasyong yun dahil hinahanap ko yung pana ko. Kaya pleasee wag poo. Yumakap ako sa binti niya.

" anong pinag sasabi mo? Umalis ka nga diyan tsk".
"Sasakyan yan wag kang tanga! kaya pumasok kana baka iwanan kita rito!?" Galit na yung mukha niya.

"Okay sige".

Umakyat ako sa ibabaw ng kotse niya.

" Tanga! Wag dyan! Sa loob!" Tss
Naiinis na talaga siya.

Ano bang dapat kong gawin eh sumusunod lang naman ako sa inutos niya ha.

Pumasok ako sa kotse na walang sinasabi dahil nangha ako sa loob. Ang gandaaa. Para akong timang na natameme.
Pumasok na rin sa loob si kuyang prince charming.
Patuloy lang ako sa pag masid ng nahagilap ko sa mata ko yung gintong pana ko
"Wahhh! Ang pana koo!!".

Bigla akong tumayo kaya nauntog ako sa kisame ng kotse. Ouch.
Gumapang ako patungo likod hangang sa nakuha ko yung gintong pana ko. Yumakap ako dito at hinahalik halikan.

Pag tingin ko kay kuyang prince charming ay nakatingin lang siya sakin habang nakataas ang isang kilay. "Tanga na nga timang pa"
Pero napansin ko yung pag ngiti niya ng kunti bago niya ibinalik ang tingin niya sa harap.

"Ang gwapo mo pala pag ngumiti ka?"

"Wtf " bulong niya

Tumawa ako dahil sa reaksyon niya hahahaha.

"Saan pala tayo pupunta kuyang prince charming?"

"Stop asking" napikon na guro siya. Napa ngiti ako.

Siguro bukas masisimulan ko na ang misyon ko.

"Thank you pala ha kuyang prince charming sa pagligtas at pag sauli mg gintong pana ko"

Di ko na nadidinig yung sinasabi niya dahil kinakain na ako ng antok.

CUPIDATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon