chapter 1

6 1 1
                                    

Cupida's pov

"Ito na huling antas ng inyong pagsubok upang kayoy maging ganap na anghel ng pag ibig,
Gamitin niyo lahat ng natutunan niyo dito sa kaharian para makapasa kayo at maging ganap na lingkod ng ating Diyosa na si Aphrodite". Ma authoridad na sabi ni Devora machelle, kaliwang kamay ng aming Diyosa.

Ito na yung pinakahihintay naming lahat na pumunta sa mga mundo ng mga tao upang magmasid at kabisaduhin ang daloy ng buhay sa mundong ibabaw. Simula sanggol hanggang sa pag tung-tung namin ng 18 na edad ay  sinanay na kami dito sa kaharian ng aming Diyosa upang maging anghel ng pag-ibig na taga sagawa ng tulay upang mag katuluyan ang isang tao.

Nag salita ulit si Devora.
"Pag dating niyo sa lupa alam niyo na ang dapat niyong gawin.
Hanapin niyo ang mga tao na itinadhana nang mayroong kaparis sa buhay. Tutulungan kayo ng mga  pulang sinulid na nakakabit na sa pagkatao nila at dito niyo malalaman ang mate na nakatadhana sa kanila, sundan niyo lang ang bawat dulo nito at makikita niyo na ang mga paris na nakakabit sa dulo ng sinulid,
Panain niyo sila ng walang alin langan at putulin niyo ang sinulid na nakakabit sa kanila".

Ang hirap naman ng pag subok huhuhu parang hindi ko keri. namamawis na sabi ko sa aking isipan

Nag speech pa ng mahaba-haba si Devora tungkol sa pagiging Love angel namin kagaya ng mga tungkulin namin, ang kahalagahan namin sa mundong ibabaw at iba pa.

Di na ko nakinig dahil pa ulit2x namn niya tong sinasabi sa amin.
Hanggang sa mag salita amg iniidolo ko sa lahat ang aming Diyosa na si Aphrodite the Goddess of Love.
Natauhan ako bigla at nakinig sa kanya.

" Spread your wings Dixies at wag mag mintis sa pagpana baka iba yung makatadhana.
And now its your time to be a bridge of love between this mortal  people." Taas noong sabi ng aming Diyosa

Ibinuka namin lahat ng aming mga pakpak at nag ready para sa pag lipad.

"READY YOUR WINGS"

Nag simula na kaming pumagaspas habang hawak ang aming mga pana.

"Bumalik kayo ng ligtas at ikwento niyo sa akin ang inyong mga tagumpay!" Sigaw ng aming Diyosa

Lumipad kaming lahat pababa tungo sa mundo ng mga tao.

Nagmistula kaming buhangin na kumukinang sa dagat sa sobrang dami. Pero walang makakapantay sa sayang nakaguhit sa bawat mukha ng isa sa amin.

Pag kakita namin sa mundo ng mga tao ay nag hiwa hiwalay na kaming lahat para simulan ang aming mission.

Sana magampanan ko ito ng maayos.

Mr_Lock

CUPIDATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon