Chapter 1; Encounter

29 5 0
                                    

Kirs (P.o.V)

"BOOM!" Gulat na gulat naman ito at agad naman siyang napahawak sa kanyang mukha at nabitawan yung libro na ILYS1892 nang dahil sa lakas ng pagkakasuntok ko, yeah sinuntok ko siya, bagay lang yan sa mukha niya! Mang-aagaw e! Gusto ko ulit matuwa sa hitsura niya kaso aksaya pa sa oras kaya agad akong yumuko at kinuha yung ILYS1892 na libro sa sahig at iniwan siyang nakanganga doon.

Naglakad na ako palayo sakanya at rinig ko pa na tinawag niya ang pangalan ko pero wala na akong pake sa kanya dzuh! Dumeretso na ako sa cashier para magbayad buti nalang at hindi mahaba ang pila kaya nakapagbayad agad ako at lumabas na ako ng national bookstore, naalala ko pa din yung mukha nung lalaking sinuntok ko, oo gwapo siya but hindi ko siya type pati mang aagaw, dzuh! Nagpunta pa ako sa ibang stores at nag-ikot ikot.

Uno's (P.oV)

Naghiwalay na nga kami nina Kirs at Margaux, namiss ko sila sobra, tahimik kong binabaybay and daan patungo sa rooftop ng mall na ito hanggang sa nakarating na nga ako dito sa rooftop. Umupo ako sa isa sa mga bench dito, yeah May tambayan sila dito sa rooftop napakagandang tanawin, kokonti lang masyado ang tao dito kalimitan ay mga magkasintahan ang nakikita ko, napailing nalang ako at nag muni muni.

Isippp...

Isippp...

Isippp...

Napangisi ako ng biglang may maalala what if ipagpatuloy namin ang aming Gang? Sounds interesting, hmmm. Sure naman ako na papayag ang dalawang iyon jusko yon pa mga barumbado den yong mga yon e, habang natatawa sa sariling naiisip biglang pumasok sa aking isipan ang huli kong mission bilang secret agent. Nagtataka ako kung bakit ganoon? Hindi ako pumapalpak sa mga mission ko ngunit dahil sa isang lalaki ay pumalpak ako, tsk tsk tsk.

~FLASHBACK~

Tahimik akong naglalakad ngayon at nandito ako sa isang restaurant sa Europe isa itong sikat na restaurant na may illegal na gawain umasta ako bilang customer at umorder ng pagkain upang hindi ako paghinalaan.

Pasimple akong umupo sa table na malapit sa kwarto ni Mr. Dizon sa restaurant na ito YEAH HE'S MY TARGET, AT SIYA ANG NAGMAMAY-ARI NG RESTAURANT NA ITO.

Maya maya pa may pumasok na isang lalaki na may subo subo pang tabacco at nakasombrelo ito, may kalakihan ng katawan ngunit pandak, sa likod nito kasama niya ang kaniyang mga kasosyo sa negosyo, NOW IT'S TIME TO DO MY MISSION.

SAY GOODBYE TO YOUR WEALTH MISTER DIZON THAT COMES FROM YOUR ILLEGAL BUSSINES! ,nakangising sabi ko sa sarili.

Nang makita kong malapit na sila kung nasaan ako ay agad akong tumayo at sinalubong sila ng lakad binangga ko si Mr. Dizon ng bahagya na para bang kunwari ay hindi ko sinasadya napatingin ito sa akin ngunit dire-diretso lang ako na nilampasan sila at lumabas na ako sa restaurant pumunta ako sa pwesto ko, nandito ako ngayon sa tapat ng bintana nina Mr. Dizon sa loob ng kwarto nito sa kanyang restaurant, malayo ako dito at walang kung sino mang makakapansin, nakakatawang isipin na hindi manlang naramdaman ni Mr. Dizon ang pagkuha ko sa bagay na nasa bulsa ng damit niya noong binangga ko siya.

Pumwesto ako sa likod ng aking sniper at agad na sinimpat ang buong katawan ni Mr. Dizon. Kakalabitin ko na sana ang gatilyo ng bigla nalang may balang tumama sa aking sniper, agad akong napalingon sa pinanggalingan niyon, hindi intensyon ng bumaril noon na ako'y patayin dahil tanging sa dulo lang ito ng akong sniper pinatama at hindi sa akin mismo.

Pagkatingin ko sa pinanggalingan ng bala ay may nakita akong isang lalaki nakasumbrero ito at naka-shades pa sabay alis nito sa kaniyang pwesto, napailing naman ako bigla, tsk! Panira! kailangan ko ng mabaril si Mr. Dizon ubos na ang aking oras! Hindi pwepwede ito! Agad kong nilingon ang bintana nila Mr. Dizon ngunit wala na ito doon.

THE GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon