Bumalik si Lavender sa kanyang desk at muling ipinagpatuloy ang ginagawa matapos mag-half-bath. She had spare clothes and footwear in her office so that she can change and spend the day in comfort. Madalas din kasi na nag-o-overtime siya. Pero hindi pa man umiinit ang kinauupuan ay may narinig na siyang katok.
Nag-angat si Lavender ng mukha. Nakasilip sa siwang si Maryland.
"It's already 9 PM, 'di ka pa uuwi? Bukas ang kasal mo. Alam ko maganda ka. Mala-diyosa ang ganda mo. But you need to take a good rest before the big day, kaloka ka!"
Tumango siya at napilitang tumayo. Sigurado siyang hindi rin siya titigilan ni Maryland at baka kung ano-ano pa ang itanong sa kanya. Kanina pa ito pabalik-balik sa kanyang opisina at pinipilit siyang umuwi na. Inayos niya ang gamit saka lumabas na bitbit ang briefcase, bag, laptop, at iPad na nasa kanya-kanyang case.
"May problema ba?" tanong ng kaibigan nang nasa elevator na sila.
"Nothing. Bakit mo naitanong?"
"Wala naman. Weird mo talaga. Ikaw ang nakita kong ikakasal na imbes na nasa bachelorette party ay nandito at nakasubsob sa trabaho."
"Masyado na akong matanda para sa bachelorette party na 'yan."
"Hindi ka rin mukhang excited para bukas."
"Kung ano-anong napapansin mo."
Nagpatiunang lumabas si Lavender nang bumukas ang pinto ng elevator sa parking space.
"Are you sure you are okay? Alam mo, hindi ko gusto si Benedict pero siyempre, ayaw ko naman na hindi matuloy ang kasal mo. I mean, kapag hindi natuloy ibig sabihin may problema at kapag may problema, masasaktan ka. I don't like that."
Lavender gave her friend a genuine smile. She appreciated her concern. "I'm okay, Maryland. I'm very excited kaso kinakabahan ako. Feeling ko hihimatayin ako sa kaba kaya dina-divert ko ang atensiyon ko sa ibang bagay."
"Okay."
"Sige na. Magkita na lang tayo bukas." Humalik siya sa pisngi nito bago naglakad patungo sa sasakyan. "Don't forget to bring your phone and film the event," aniya at binuksan ang pinto ng sasakyan.
Sa halip na umuwi sa sariling bahay ay nagpunta si Lavender sa The Rock. Pupuntahan niya sina Thunder. Nag-text siya kanina at sabi nasa club daw kasama ang ibang kaibigan. Agad siyang sumimangot nang sumalubong sa kanya ang nakakabinging ingay ng club at ang masakit sa mga matang ilaw. Ayaw niya talaga ng ganito. Sakit sa ulo.
Nilinga niya ang paligid sa madilim na club bago dumeretso sa bar counter. Malapad na ngumiti ang lalaking naroon nang makita siya.
"Ma'am Lilac, good evening po."
Minsan, parang gusto na niyang magsuot ng nametag para alam ng tao kung sino siya. Ang kapatid niyang kasing iyon ang mahilig mag-bar kasama si Air. Si Violet naman hindi na pero kapag nayaya, go na go pa rin naman. Siya lang talaga itong mahirap makumbinsi.
"Where's Thunder and Hunter?" she asked instead to rectify him. Hinayaan na lang niyang isipin nitong siya si Lilac.
"Nasa VIP room po."
"Sa second floor?"
Tumango ito. Nagpasalamat siya saka tumuloy sa VIP room pero wala naman siyang inabutang tao roon. Maraming laman ang mesa. Mga basyo ng beer at iba pang alak. Mukhang kakatapos lang. She looked up at the ceiling, thinking about the suite on the 3rd floor. May suite sina Thunder at Hunter dito at pwedeng naroon ang dalawa or pwede ring umuwi na.
She sighed, looking around until her gaze stopped at the door. Ang silid na pinagtaguan niya minsang hatakin siya nina Soft at Thunder dito. Humakbang si Lavender palapit sa pinto at binuksan iyon. Madilim sa loob. Pumasok siya at muling isinara ang pinto at ini-lock. Hindi na binuksan ang ilaw. Dahan-dahan siyang humakbang patungo sa kama. Napamura pa siya nang mabangga ang paa niya sa matigas na bed frame.
![](https://img.wattpad.com/cover/208518614-288-k733030.jpg)
BINABASA MO ANG
Colors of Passion 3: Taint Me
RomanceSuccessful and well-respected, Attorney Lavender Guevarra's life seems perfect... except when it comes to love. As she accepts the possibility of staying single for the rest of her life, she unexpectedly meets the 'stranger' who makes her heart flut...
Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte