Isinabay ni Lavender si Frankus. Madaraanan naman niya ang condo nito. Pero bago iyon ay nagpadaan ito sa isang 24/7 convenience store. May bibilhin lang daw ito. Naghintay naman siya sa loob ng sasakyan hanggang sa bumalik ito at katukin ang bintana."Lav, baba ka muna. Nagutom ako, e."
Mas tamang tanggihan niya ito at imungkahing sa sasakyan na lang kumain kung talagang gutom ito pero ito siya't bumaba at tahimik na sumunod nang igiya siya patungo sa umbrella table na nasa labas ng convenience store. May burger na naroon at apat na lata ng Heineken. Magkaharap silang naupo.
Binuksan ni Frankus ang dalawang lata at inilapag ang isa sa harapan ni Lavender. Pati ang burger ay inilagay nito roon. Nagsimulang kumain si Frankus ng burger habang si Lavender ay nanatiling nakaupo roon. Iginala niya ang tingin sa paligid. Ang tabi ng convenience store ay isang gasoline station. May ilang nakaupo sa ibang umbrella table sa labas at umiinom, ang ilan ay kumakain.
"Mahirap bang maging abogado?" tanong nito matapos ilapag sa mesa ang burger at damputin naman ang lata ng beer.
"Mahirap. You have to deal with a plethora of challenges and problems. You must be available to clients around the clock. But I love my profession. I'm happy with what I'm doing, so it's easy for me to deal with even the toughest challenges."
Unti-unti ang pagngiti nito habang nakatingin sa kanya. "Parehas tayo. Kaya kahit hindi gusto ni Dad ang ginagawa ko, I'm still doing it." Sinabayan nito ng pagkibit ang sinabi.
"Ano ba ang ginagawa mo?"
"Pumapatay."
Nagsalubong ang mga kilay ni Lavender. Humalakhak naman bigla si Frankus sa naging reaksyon ni Lavender.
"Just kidding."
Lavender rolled her eyes.
"I like that."
Again, her forehead knitted together, giving him a quizzical look.
"'Yang ganyan pag-ikot ng mata. Cute. Lots of girls are doing that but I found it cute kapag ikaw ang gumagawa."
Gusto niya sanang paikutin ulit ang mata pero hindi na niya ginawa. Baka sabihin pa nito na nagpapa-cute siya. Kinuha ni Lavender ang lata ng Heineken at tinitigan iyon. Nag-isip siya kung dapat bang inumin 'yon. Lavender sighed and brought the can to her lips and sipped on it.
"What do you do in life?" tanong niya kay Franziskus.
"Working student."
"Working student ka?" gulat na tanong ni Lavender. Hindi niya iyon inaasahan. Frankus was born into a wealthy family. Not just wealthy but one of the richest in the country. Higit na mayaman sa pamilya nila kung tutuusin. His grandfather Eliseo dela Fuente and his father Wilson Eliseo dela Fuente were business magnates, investors, and philanthropists known for their involvement in the banking industry. They own the largest bank in the Philippines, with more than 1,000 branches. Ang life insurance company na pag-aari ng pamilya nito ay nangunguna rin.
"Hindi ba kapani-paniwala? Ipinamukha ba ng tatay ko sa inyo na wala talaga akong kwentang tao?"
"Hindi naman." Medyo. Sa tuwing naririnig niya kasi ang kanyang Ninong Wilson na nakikipag-usap sa kanyang papa at pinag-uusapan si Franziskus ay parang iritang-irita si Wilson. Sakit daw sa ulo. Pero naroon ang pag-aalala. Ganoon naman ang isang ama. Magagalit sa pasaway na anak pero hindi mawawala ang pag-alala at pagmamahal.
"What course are you currently taking? And what is your job?"
Frankus' mouth twitched into a lopsided grin, and the dark eyes that sought hers held a trace of amusement. "Are you interested in me?"

BINABASA MO ANG
Colors of Passion 3: Taint Me
RomanceSuccessful and well-respected, Attorney Lavender Guevarra's life seems perfect... except when it comes to love. As she accepts the possibility of staying single for the rest of her life, she unexpectedly meets the 'stranger' who makes her heart flut...
Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte