Chapter 1

7 0 0
                                    

~Chapter 1~

"Allhyssa, oh ano balak natin sa buhay, humiga ka na lang jan, huwag ka nang mag aral" iniunat ko ang katawan ko at kinusot kusot ang mga mata ko "morning ma" ngumiti ako kay mama ng ubod nang tamis

"Huwag mong paghintayin ang grasya, humayo ka na jan at kumain ka na" inayos ko ang higaan namin ni mama at kiniss siya sa cheeks at pumunta na sa hapag kainan. Sardinas at dalawang subuan na kanin ang agahan ko ngayon, pero sapat na para sa kumukulo kong tiyan, madalian ang ginawa kong pagkain, matapos ay naligo at nag ayos

Tumingin ako sa orasan at naalala ko wala nga pala kaming orasan..."Ma, anong oras na po" tanong ko kay mama at binuksan ang pinto "Aba'y ewan ko, mukha ba akong orasan sayo?" Nagkibit balikat na lang ako

"Bye ma! Love you!!" Isinara ko na ang pinto at naglakad na patungong eskwela

Maliit lang ang bahay namin, pero wala akong pakialam doon, basta maayos kami ni mama, kaya lang baon kami sa utang, hindi na alam ni mama kung saan siya kukuha ng pambayad, I already said na hihinto na lang ako sa pag aaral at tutulong sa kanya pero hindi siya pumapayag

I love my mother so much, kahit na may pagka strikto alam kong ginagawa niya yun para sa ikabubuti ko. And it pains me the most when I see my mother crying in the middle of the night. Gagawin ko ang lahat mapatuyo ko lang ang mga luha na pumapatak sa mga mata ng aking ina. She's willing to sacrifice everything just for me. And I'm willing to do that too. Even if it cost my life.

Namalayan ko na lang na nasa harapan na ko ng school. Bumuntong hininga na lang ako at pumasok na

Pagpasok ko sa classroom nagstitinginan sa akin ang lahat, nagsibulungan pa ang iba, papunta na ako sa seat ko nang patirin ako nang isang babae "oh, I'm sorry, my fault" she lend me a hand but I ignore it

"Wow ang taray ikaw na nga yung tinutulungan ikaw pa may ganang magtaray? Lahi nga naman ng pokpok, mga salot sa mundo. Panget na nga wala pang binatbat" napuno ng tawanan ang silid pero nagpatuloy lang ako sa seat ko

My father was an American and my mother was once a pokpok. Aksidenteng nabuntis ni papa si mama, buong akala niya ay papanagutan siya ng kanong iyon pero iniwan lang siya nito sa ere. Iniwan siya nitong mag isa at hindi man lang bumalik.

You see, si mama, ginawa niya ang lahat para lang palakihin ako ng wasto, ayaw niyang matulad ako sa kaniya, ayaw niya iparanas sa akin ang malupit na kapalarang nasapit niya noon. And I'm so proud of my mom

Gusto kong tigilan nila ang panghuhusga, wala silang alam, masyadong makitid ang mga utak nila para pakinggan ang side namin. Gusto konng mag explain, but just like Paulo Coelho said: Don't waste your time with explanations, people only hear what they want to hear. Why waste my time with explanations kung wala namang willing makinig. Nagsasayang lang ako ng laway.

Say what they want to say. I don't care. Masyado silang judgy. Hindi muna nila tignan ang sarili nila sa salamin. Mukha silang unggoy na biglang umaangil

I can see na inggit lang sila, I'm not bragging but I know that I got beauty and a good shape of body, namana ko kay mama, ang iba naman ay namana ko kay papa, kaya pag tinginan ang mukha ko mukhang foreign ang dating.

Nagsimula na ang klase at patuloy ang mga ignorante sa pang aapi sa akin

Nagbuntong hininga na lang ako..

Sana naman may mangyaring thrill sa buhay ko. Boring eh

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 03, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mission 101: Teach him how to loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon