Chapter 1

4 1 0
                                    

Earth Deity.

Marahas akong napabangon nang mapaginipan kona naman ang pagkamatay ni mama. Bakit ba lumitaw nanaman iyon sa panaginip ko? Halos araw araw inaabala ko ang sarili ko sa ibang bagay para lang makalimutan ang pagkamatay ni mama. Kung sana lang ay nakinig ako sakanya noon edi sana ay buhay pa siya ngayon. Kasalanan ko naman kasi! Kung sana ay hindi naging matigas ang ulo ko edi sana buo pa kami nila papa.

Dahil sa pagkamatay ni mama unti unting nawala ang marangya kong buhay. Nalulong si papa sa bisyo niya lahat ng gamit sa bahay binenta niya para lang matustusan ang bisyo niya. Lagi niya akong sinisisi sa pagkamatay ni mama. Lagi niyang sinasabi kung hindi lang sana daw ako naglayas hindi sana masasagaan si mama ng truck. Ako ba talaga ang may kasalanan?

Ilang buwan ang nakalipas sumunod na si papa kay mama. Naiwan akong mag-isa sa bahay walang kasama. Bahay nalang ang natira sa akin. Maraming naiwan na utang si papa kaya pinilit ako ng pinagkakautangan niya na ibenta ko ang bahay para mabayadan siya pero tumanggi ako. Nandito ang mga memories namin nila mama hindi ko pwedeng ibenta.

Binenta ko ang mga alahas ni mama at pinagbabayad iyon sa ibang utang ni papa pero hindi sumapat iyon.

Dumating sa punto na naisip kong tumalon sa building ng school namin pero may isang babaeng pumigil sa akin. She's Clair. Sinclair Fernandes. Kung hindi niya ako pinigilan noon kasama kona rin siguro si mama at si papa sa langit. Sa langit nga ba talaga ang punta ko? Sana.

Pinunasan ko ang luha ko. Kailangan ko nang kumain dahil nagugutom na ako at naghahallucinate na ata akong nagbago ang bahay ko. Pag bukas ko ng pinto ay may narinig akong tawanan sa baba? Wait? What the? Walang second floor ang bahay ko. Baka sobrang gutom kona ito. Ano ba kasing nangyari sa akin kahapon? Wala akong maalala. Pumasok ako sa loob ulit at pilit inalala kung anong nangyari kahapon.

Tanging naalala ko lang ay kasama ko si Clair. Napatalsik na ako tuluyan sa bahay. Damn? Kung ganoon ay hindi ko nga talaga ito bahay! Kay Clair siguro itong bahay? Siya lang ang kasama ko kahapon. That's all. Ayon lang naalala ko. Posibleng kay Clair nga itong bahay.

Lumabas na ako sa kuwarto at dahan dahang bumaba. Palakas ng palakas ang boses na naririnig ko. Ano kaya ang pinag-uusapan nila?

"Hindi ganyan ang paglagay ng mask sa mukha! You late bloomer!" (Haise)

"Saan mo ba nakuha ang mga ganitong bagay, Haise?" (Elias)

"Sa mall Elias. Doon madalas maraming tao. Sinasayang nila ang pera nila sa walang kwentang bagay." (Haise)

"Kung ganoon ay wala kang pinagkaiba sa tao? Sinasayang mo lang rin ang pera mo." (Nereus)

"Idiot." (Amadeus)

Habang pinapakinggan ko sila ay parang paweird ng weird ang mga sinasabi nila. Atsaka kung maka 'tao' sila parang hindi sila tao ah?

Nasa bahay ba talaga ako ni Clair? bakit hindi ko siya makita? Baka tulog pa siya. Kung ganoon sino naman itong mga 'to? Kuya niya? Napairap ako sa hangin. Ang weird ng mga kuya niya ah.

Nagpakita na ako sakanila. Hindi manlang sila nag abalang tumingin sa'kin. Eh? Tuloy lang sila sa pag-uusap.

"S-si Clair po?" Tanong ko para maagaw ang attention nila.

Nakuha ko naman pero bigla akong ginapangan ng kaba. Matalim nila akong tinitigan. Bakit ganyan sila makatitig? Nagtatanong lang naman ako.

"Sinong Clair?" Tanong nung lalaking nakacostume. Mukhang totoo pero imposible naman. Meron lang naman siyang buntot at kakaiba rin ang tenga niya. Costume lang 'to.

"Walang Clair dito." Walang ganang sabi noong Haise?

Tinignan ko sila nang maayos. Isa lang masasabi ko. Ang tatlo sakanila mukha namang normal at hindi nakacostume pero itong isa siya lang ang kakaiba. Bakit ba nakacostume ito?

Earth Deity ( On Going) ( Deities Series #1)Where stories live. Discover now